Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 37

Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.

37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
(D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
(F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
(I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.
10 (K)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(L)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (M)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (N)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (O)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (P)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(Q)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (R)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (S)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (T)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (U)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (V)mangapupugnaw sila.
21 (W)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (X)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (Y)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (Z)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (AA)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (AB)nagpapalimos ng tinapay.
26 (AC)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (AD)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(AE)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(AF)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
30 (AG)Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 (AH)Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32 Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
(AI)Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 (AJ)Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
(AK)Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 (AL)Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (AM)kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
(AN)Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
(AO)Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.

Isaias 45:5-17

Ako ang Panginoon, (A)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,

Upang kanilang maalaman (B)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (C)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.

Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.

Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (D)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?

10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?

11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (E)sa aking mga anak, at tungkol (F)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.

12 Aking ginawa ang lupa, at (G)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (H)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.

13 Aking ibinangon (I)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (J)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (K)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (L)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (M)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (N)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (O)walang ibang Dios.

15 Katotohanang ikaw ay Dios (P)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.

16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.

17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.

Efeso 5:15-33

15 Mangagingat (A)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;

16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.

17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (B)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 At (C)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;

19 Na kayo'y mangagusapan (D)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

20 Na kayo'y laging magpasalamat (E)sa lahat ng mga bagay (F)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (G)Dios na ating Ama;

21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.

22 Mga babae, (H)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (I)gaya ng sa Panginoon.

23 Sapagka't ang lalake (J)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (K)ng katawan.

24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga lalake, (L)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (M)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (N)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (O)na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (P)maluwalhati, na (Q)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (R)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;

30 Sapagka't (S)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.

31 Dahil dito'y (T)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

33 (U)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (V)gumalang sa kaniyang asawa.

Marcos 4:21-34

21 At sinabi niya sa kanila, (A)Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?

22 Sapagka't walang (B)anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag.

23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

24 At sinabi niya sa kanila, (C)Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: (D)sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay.

25 Sapagka't ang mayroon, ay (E)bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.

26 At sinabi niya, (F)Ganyan ang kaharian ng Dios, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa;

27 At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano.

28 Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.

29 Datapuwa't pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit (G)agad ang panggapas, sapagka't dumating na ang pagaani.

30 At kaniyang sinabi, (H)Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?

31 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,

32 Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki (I)ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.

33 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, (J)ayon sa makakaya ng kanilang pakinig;

34 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa't sa kaniyang sariling mga alagad ay (K)bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978