Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 148

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
(A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
(D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
(F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 150

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
(G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 91-92

Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.

91 Siyang (A)tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.
Ay mananatili (B)sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (C)siyang aking tinitiwalaan.
Sapagka't kaniyang ililigtas (D)ka sa silo ng paninilo,
At sa mapamuksang salot.
Kaniyang tatakpan ka (E)ng kaniyang mga bagwis,
At sa (F)ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:
Ang kaniyang katotohanan (G)ay kalasag at baluti.
(H)Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,
Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,
(I)Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,
At sangpung libo sa iyong kanan;
Nguni't hindi lalapit sa iyo.
(J)Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,
At iyong makikita ang ganti sa masama.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!
Iyong ginawa ang Kataastaasan na (K)iyong tahanan;
10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,
Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
11 (L)Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
(M)Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:
Ang batang leon at ang ahas (N)ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya:
Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't (O)kaniyang naalaman ang pangalan ko.
15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;
Ako'y (P)sasa kaniya sa kabagabagan:
Aking ililigtas siya, at pararangalan (Q)siya.
16 Aking bubusugin siya (R)ng mahabang buhay,
At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (S)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (T)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(U)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
(V)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (W)totoong malalim.
(X)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
Sapagka't, narito, (Y)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (Z)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (AA)iyong pinataas na parang sungay ng (AB)mailap na toro:
(AC)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (AD)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (AE)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (AF)cedro sa Libano.
13 (AG)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (AH)aking malaking bato, (AI)at walang kalikuan sa kaniya.

Isaias 65:13-16

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;

14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal (A)dahil sa pagkabagbag ng loob.

15 At inyong iiwan ang inyong pangalan na (B)pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:

16 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.

Apocalipsis 3:7-13

At (A)sa anghel ng iglesia sa (B)Filadelfia ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong (C)totoo, (D)niyaong may susi ni David, (E)niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.

Narito, ibinibigay ko (F)sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y (G)aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

10 Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

11 (H)Ako'y dumarating na madali: (I)panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang (J)iyong putong.

12 (K)Ang magtagumpay, ay gagawin kong (L)haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya (M)ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang (N)bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang (O)aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Juan 6:15-27

15 (A)Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa.

16 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat;

17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa (B)Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.

18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.

19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may (C)dalawangpu't lima o tatlongpung (D)estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.

20 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.

21 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.

22 Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa (E)kabilang ibayo ng dagat na doo'y walang ibang daong, kundi isa, at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag

23 (gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon):

24 Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus, ni ang kaniyang mga alagad man, ay nagsilulan sila sa mga daong, at nagsidating sa Capernaum, na hinahanap si Jesus.

25 At nang siya'y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat, ay kanilang sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka dumating dito?

26 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.

27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal (F)sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: (G)sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978