Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 24

Ang hari ng kaluwalhatian ay pumasok sa banal na bundok. Awit ni David.

24 (A)Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito;
Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.
(B)Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat,
At itinatayo sa ibabaw ng mga baha.
(C)Sinong aahon sa bundok ng Panginoon?
At sinong tatayo sa kaniyang (D)dakong banal?
(E)Siyang may malinis na mga kamay at (F)may dalisay na puso;
Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,
At hindi sumumpa na may kabulaanan.
Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,
At ng katuwiran sa (G)Dios ng kaniyang kaligtasan.
Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya,
Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)
Itaas ninyo ang inyong mga ulo,
Oh kayong mga pintuang-bayan;
At kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay (H)papasok.
Sino ang Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoong malakas at makapangyarihan,
Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.
Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan;
Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.
10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon ng mga hukbo,
Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)

Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Mga Awit 84

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.

84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
(B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
(D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
(F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

Isaias 42:1-12

Ang pangako ng Panginoon sa kaniyang lingkod.

42 (A)Narito, ang (B)aking lingkod, na aking inaalalayan; (C)ang aking hinirang, (D)na kinalulugdan ng aking kaluluwa; (E)isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.

Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.

Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.

Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; (F)at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.

Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:

Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay (G)kita na pinakatipan sa bayan, (H)na pinakaliwanag sa mga bansa;

(I)Upang magdilat ng mga bulag na mata, (J)upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at (K)nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay (L)sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

10 Magsiawit kayo sa Panginoon (M)ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; (N)kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, (O)ang mga pulo, at mga nananahan doon,

11 (P)Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng (Q)Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.

12 Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo.

Efeso 6:10-20

10 Sa katapustapusa'y (A)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

11 Mangagbihis kayo ng (B)buong kagayakan (C)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

12 Sapagka't (D)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (E)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (F)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (G)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

14 (H)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (I)may sakbat na baluti ng katuwiran,

15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (J)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

18 (K)Na magsipanalangin kayo (L)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (M)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, (N)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (O)ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito (P)ako'y isang sugong (Q)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.

Juan 3:16-21

16 Sapagka't gayon na lamang (A)ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na (B)ibinigay niya ang kaniyang (C)bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios (D)ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; (E)kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.

18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay (F)hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

19 At ito ang kahatulan, (G)na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao (H)ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.

20 Sapagka't ang (I)bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

21 Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978