Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 16-17

Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.

16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (A)sa aking mga labi.
(B)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (C)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(D)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (E)aking puso.
(F)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (G)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (H)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (I)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (J)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (K)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (L)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (M)kasayahan magpakailan man.

Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.

17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (N)ang karampatan.
Iyong sinubok ang aking puso; (O)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(P)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
Ang aking mga hakbang ay (Q)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
(R)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
(S)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
(T)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(U)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (V)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (W)may kapalaluan.
11 (X)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (Y)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (Z)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(AA)Ako'y masisiyahan (AB)pagka bumangon sa iyong wangis.

Mga Awit 134-135

Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.

134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(A)Ninyong (B)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
(C)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
(D)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.

135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(E)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (F)mga looban ng bahay ng ating Dios.
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (G)sapagka't maligaya.
Sapagka't pinili ng (H)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (I)kayamanan.
Sapagka't nalalaman ko (J)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (K)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
(L)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (M)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (N)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (O)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (P)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (Q)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (R)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (S)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(T)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Daniel 3:1-18

Ang larawang ginto ni Nabucodonosor.

Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang (A)larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa (B)kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia.

Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari.

Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor.

Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, (C)Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika,

Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari;

At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay (D)ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.

Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari.

Ang mga kaibigan ni Daniel ay itinapon sa nagniningas na hurno.

Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang (E)taga Caldea, at (F)nagsumbong laban sa mga Judio.

Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man.

10 Ikaw, (G)Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto.

11 At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.

12 May ilang Judio (H)na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.

13 Nang magkagayo'y sa poot at pusok ni Nabucodonosor, ay nagutos na dalhin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego. Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari.

14 Si Nabucodonosor ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Sinasadya nga ba ninyo, Oh Sadrach, Mesach, at Abed-nego, na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo?

15 Kung kayo nga'y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa, mabuti: nguni't kung kayo'y hindi magsisamba, kayo'y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas; (I)at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay?

16 Si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito.

17 Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari.

18 Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.

1 Juan 3:1-10

Masdan ninyo (A)kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y (B)mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, (C)sapagka't siya'y hindi nakilala nito.

Mga minamahal, (D)ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa (E)nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, (F)tayo'y magiging katulad niya: (G)sapagka't siya'y ating (H)makikitang gaya ng kaniyang sarili.

At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya (I)ay naglilinis sa kaniyang sarili, (J)gaya naman niyang malinis.

Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at (K)ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.

At nalalaman ninyo na siya'y (L)nahayag (M)upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y (N)walang kasalanan.

Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; (O)sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, (P)ni hindi man nakakilala sa kaniya.

Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid:

Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala (Q)ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, (R)upang iwasak ang mga gawa ng diablo.

Ang sinomang (S)ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang (T)kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't (U)siya'y ipinanganak ng Dios.

10 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.

Lucas 3:15-22

15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (A)kung siya kaya ang Cristo;

16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (B)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19 Datapuwa't si Herodes (C)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21 Nangyari nga, (D)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (E)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978