Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 50

Ang Panginoon ang hahatol sa matuwid at sa masama. (A)Awit ni Asaph.

50 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita,
At tinawag ang lupa (B)mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
Mula sa Sion na (C)kasakdalan ng kagandahan,
(D)Sumilang ang Dios.
Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik;
(E)Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya,
At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
(F)Siya'y tatawag sa langit sa itaas,
At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
Pisanin mo ang (G)aking mga banal sa akin;
(H)Yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
At (I)ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran;
Sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
(J)Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita;
Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo:
(K)Ako'y Dios, iyong Dios.
(L)Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain;
At ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
(M)Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay,
Ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.
10 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin,
At ang hayop sa libong burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok:
At (N)ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.
12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo:
(O)Sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.
13 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro,
O iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 (P)Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat:
At (Q)tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:
15 At (R)tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan;
Ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
16 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios,
Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan,
At iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo,
At iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
18 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya,
At naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.
19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan,
At ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
20 Ikaw ay nauupo, at (S)nagsasalita laban sa iyong kapatid;
Iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, (T)at ako'y tumahimik;
Iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo:
Nguni't sasawayin kita, at (U)aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
22 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios,
Baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:
23 (V)Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin;
At sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap
Aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.

Mga Awit 59-60

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.

59 Iligtas mo ako (B)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (C)nagpipisan laban sa akin:
(D)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(E)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
Sa makatuwid baga'y ikaw, (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (G)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(H)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (I)sino, sabi nila, ang nakikinig?
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (J)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(K)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (L)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (M)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (N)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (O)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (P)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (Q)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (R)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (S)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (T)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.

60 Oh Dios, (U)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(V)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
(W)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(X)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
(Y)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
(Z)Upang ang (AA)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
(AB)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(AC)Aking hahatiin ang (AD)Sichem, at aking susukatin (AE)ang libis ng Succoth,
Galaad ay (AF)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (AG)aking setro.
(AH)Moab ay aking hugasan;
(AI)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (AJ)humiyaw ka dahil sa akin.
Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (AK)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (AL)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (AM)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (AN)yumayapak sa aming mga kaaway.

Mga Awit 66-67

Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.

66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
(C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
(D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
(P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
(R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.

Josue 9:3-21

Nguni't (A)nang mabalitaan ng mga taga (B)Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,

Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;

At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.

At sila'y nagsiparoon kay (C)Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.

At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga (D)Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; (E)at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?

At kanilang sinabi kay Josue, (F)Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?

At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain (G)ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang (H)kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,

10 At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa (I)Astaroth.

11 At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.

12 Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:

13 At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.

14 At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at (J)hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.

15 At si Josue ay (K)nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.

16 At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.

17 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. (L)Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at (M)Kiriath-jearim.

18 At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.

19 Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.

20 Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; (N)baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.

21 At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging (O)mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.

Roma 15:1-13

15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.

Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.

(E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.

Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:

Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.

Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,

At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,

(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.

10 At muling sinasabi niya,

(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.

11 At muli,

(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.

12 At muli, sinasabi ni Isaias,

(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.

13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Mateo 26:69-75

69 Nakaupo nga si Pedro (A)sa labas ng (B)looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng (C)taga Galileang si Jesus.

70 Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.

71 At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret.

72 At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao.

73 At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't (D)ipinakikilala ka ng iyong pananalita.

74 Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok.

75 At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, (E)Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978