Book of Common Prayer
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
144 Purihin ang Panginoon na (A)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2 Aking kagandahang-loob, at (B)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(C)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 (D)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 (E)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5 Ikiling mo ang iyong mga langit, (F)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(G)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 (H)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 (I)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(J)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (K)mga taga ibang lupa;
8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (L)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (M)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (N)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(O)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
Ang pagiingat ng Panginoon sa lahat niyang gawa.
104 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila;
(B)Ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan;
Na siyang naguunat ng mga langit na (C)parang tabing:
3 (D)Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig;
(E)Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro;
(F)Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 (G)Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya;
(H)Ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa,
Upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan;
Ang tubig ay tumatayo (I)sa itaas ng mga bundok.
7 (J)Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas;
Sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis,
(K)Sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan (L)upang sila'y huwag makaraan;
(M)Upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis;
Nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang;
Nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid,
Sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid:
Ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14 (N)Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop,
At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao:
Upang siya'y maglabas (O)ng pagkain sa lupa:
15 (P)At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao,
At ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha,
At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog;
Ang mga (Q)sedro sa Libano, (R)na kaniyang itinanim;
17 Na pinamumugaran ng mga ibon:
Tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing;
Ang mga malalaking bato ay kanlungan (S)ng mga coneho.
19 (T)Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon:
Nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi;
Na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21 (U)Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila,
At hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis,
At nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23 Lumalabas ang tao sa (V)kaniyang gawain,
At sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24 (W)Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat:
Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan:
Nandoon (X)ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 (Y)Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo,
Upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila;
Iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29 (Z)Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag;
(AA)Iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay,
(AB)At nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang;
At iyong binabago ang balat ng lupa.
31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man;
(AC)Magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig:
(AD)Kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33 (AE)Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay:
Ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay:
Ako'y magagalak sa Panginoon.
35 (AF)Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa,
At mawala nawa ang masama.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Purihin ninyo ang Panginoon.
12 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi,
13 Kahit (A)ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling (B)akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain?
14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa (C)iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan (D)sa mga huling araw.
15 At kaniyang (E)ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Nagsabi si Balaam na anak ni Beor,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
16 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios,
At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan,
Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
17 (F)Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon;
Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit:
(G)Lalabas ang isang bituin sa Jacob,
At may isang (H)setro na lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga (I)sulok ng Moab,
At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18 At (J)ang Edom ay magiging pag-aari niya.
Ang (K)Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway;
Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan,
At gigibain niya sa bayan ang nalalabi.
20 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa;
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (L)mapupuksa.
21 At kaniyang minasdan ang (M)Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Matibay ang iyong dakong tahanan,
At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato.
22 Gayon ma'y mawawasak ang Cain,
Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur.
23 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito?
24 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng (N)Cittim.
At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang (O)Eber,
At siya man ay mapupuksa.
25 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at (P)bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.
18 Sapagka't napatutunayan ko na (A)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
19 Sapagka't (B)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.
20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (C)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (D)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa
21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (E)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.
22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.
23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (F)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (G)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (H)ng pagkukupkop, na dili iba't, (I)ang pagtubos sa ating katawan.
24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?
25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.
23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga (A)Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, (B)Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
29 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, (C)sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
30 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi (D)gaya ng mga anghel sa langit.
31 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
32 Ako ang Dios ni Abraham, (E)at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
33 At nang marinig ito ng karamihan ay (F)nangagtaka sa kaniyang aral.
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 At isa sa kanila, na (G)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 At sinabi sa kaniya, (H)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, (I)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978