Book of Common Prayer
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
21 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At (J)sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2 Ibinigay mo sa kaniya (K)ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 (L)Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang (M)putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4 Siya'y humingi ng (N)buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
(O)Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay (P)dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
(Q)Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay (R)hindi siya makikilos.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 (S)Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng (T)apoy.
10 (U)Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila,
(V)Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Awit ni David.
110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2 Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 (F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
5 Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
6 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7 Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
116 Aking iniibig (A)ang Panginoon, sapagka't (B)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka't kaniyang (C)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay (D)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 (E)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 (F)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(G)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (H)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 (I)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(J)Sa lupain ng mga buháy.
10 (K)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (L)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (M)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (N)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (O)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (P)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (Q)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (R)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit ng Pagpapasalamat.
51 Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang (A)pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.
Ang kaban ay iniahon.
8 Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel (B)at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga (C)prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban (D)ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David (E)na siyang Sion.
2 At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon (F)sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.
3 At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at (G)binuhat ng mga saserdote ang kaban.
4 At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.
5 At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, (H)na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
6 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon (I)sa karoroonan, (J)sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga (K)pakpak ng mga querubin.
7 Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
8 At ang mga pingga ay nangapakahaba, (L)na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa (M)dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
9 (N)Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, (O)nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.
10 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na (P)napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
11 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
Talumpati ni Salomon.
12 (Q)Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na (R)kadiliman.
13 Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay (S)na tahanan, (T)ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.
14 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at (U)binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.
15 At kaniyang sinabi, Purihin (V)ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, (W)na sinasabi,
16 Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; (X)nguni't aking pinili si David upang maging pangulo (Y)sa aking bayang Israel.
17 Nasa (Z)puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
18 Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;
19 Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, (AA)siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.
20 At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
21 At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon (AB)na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.
17 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio: at nang sila'y mangagkatipon na, ay sinabi niya sa kanila, Ako, mga kapatid, bagaman (A)wala akong ginawang anoman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga magulang, (B)ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma:
18 Na, nang ako'y kanilang masulit na, (C)ay ibig sana nila akong palayain, sapagka't wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan.
19 Datapuwa't nang magsalita laban dito ang mga Judio, (D)ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa.
20 Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagka't (E)dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang (F)ito.
21 At sinabi nila sa kaniya, Kami'y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo.
22 Datapuwa't ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagka't tungkol sa (G)sektang ito'y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.
23 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan (H)ang kaharian ng Dios, (I)at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, (J)sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
24 At (K)ang mga iba'y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga iba'y hindi nagsipaniwala.
25 At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,
26 Na sinasabi,
Pumaroon (L)ka sa bayang ito, at sabihin mo,
Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
27 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik-loob,
At sila'y aking pagalingin.
28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang (M)kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala (N)sa mga Gentil: sila'y makikinig[a]naman.
30 At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya,
31 Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo (O)ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.
43 At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, (A)ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda.
44 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat.
45 At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.
46 At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip.
47 Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga.
48 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako?
49 Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.
50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.
51 At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya;
52 Datapuwa't kaniyang binitiwan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978