Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:1-24

Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.

ALEPH.

119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
(B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
(C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

BETH.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (D)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(E)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (F)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (G)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

GIMEL.

17 (H)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (I)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (J)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(K)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (L)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.

Mga Awit 12-14

Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.

12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
(D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(E)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(F)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
(G)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (H)pagka ako'y nakilos.
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
Ako'y aawit sa Panginoon,
(I)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

14 (J)Ang (K)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(L)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(M)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
(N)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(O)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(P)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (Q)kanlungan.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (R)sa Sion!
Kung (S)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Ruth 2:14-23

14 At sa pagkain ay sinabi ni Booz sa kaniya, Parito ka, at kumain ka ng tinapay, at basain mo ang iyong subo (A)sa suka. At siya'y umupo sa siping ng mga mangaani: at iniabot niya sa kaniya, ang sinangag na trigo, at siya'y kumain, at (B)nabusog, at lumabis.

15 At nang siya'y tumindig upang mamulot, ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan, na sinasabi, Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis, at huwag ninyo siyang hiyain.

16 At ihugot din ninyo siya ng ilan sa mga bigkis, at iwan ninyo at pamulutin niya, at huwag ninyong hiyain siya.

17 Sa gayo'y namulot siya sa bukid hanggang sa paglubog ng araw; at kaniyang hinampas yaong kaniyang napamulot, at may isang (C)epa ng sebada.

18 At kaniyang dinala at pumasok sa bayan: at nakita ng kaniyang biyanan ang kaniyang napamulot: at kaniyang inilabas at ibinigay sa kaniya ang (D)lumabis sa kaniya pagkatapos na siya'y nabusog.

19 At sinabi ng kaniyang biyanan sa kaniya, Saan ka namulot ngayon? at saan ka gumawa? (E)Pagpalain nawa yaong lumingap sa iyo, At itinuro niya sa kaniyang biyanan kung kanino siya gumawa, at sinabi, Ang pangalan ng lalake na aking ginawan ngayon ay Booz.

20 At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: (F)Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga (G)buhay at sa mga patay. At sinabi ni Noemi sa kaniya, Ang lalaking yaon ay isa sa mga kamaganak na malapit natin, isang pinakamalapit na (H)kamaganak natin.

21 At sinabi ni Ruth na Moabita, Oo, sinabi niya sa akin, Ikaw ay sumunod na malapit sa aking mga (I)bataan hanggang sa kanilang matapos ang aking ani.

22 At sinabi ni Noemi kay Ruth na kaniyang manugang, Mabuti, anak ko, na ikaw ay lumabas na kasama ng kaniyang mga alila, at huwag kang masumpungan sa ibang bukid.

23 Sa gayo'y nakipisang maliksi na kasiping ng mga alila ni Booz, upang mamulot hanggang sa katapusan ng pagaani ng sebada at pagaani ng trigo; at siya'y tumahang kasama ng kaniyang biyanan.

1 Timoteo 3

Tapat ang pasabi, (A)Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.

(B)Dapat nga na ang (C)obispo ay (D)walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, (E)mapagpatuloy, (F)sapat na makapagturo;

Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;

Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, (G)na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong (H)kahusayan;

(Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa (I)iglesia ng Dios?)

Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa (J)kaparusahan ng diablo.

Bukod dito'y dapat din namang siya'y (K)magkaroon ng mabuting patotoo ng (L)nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan (M)at silo ng diablo.

Gayon din naman (N)ang mga diakono dapat ay (O)mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan;

Na iniingatan (P)ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi.

10 (Q)At ang mga ito rin naman ay subukin muna; kung magkagayo'y mamahalang may pagka diakono, kung walang kapintasan.

11 (R)Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin, mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay.

12 Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan.

13 Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus.

14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;

15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (S)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

16 At walang pagtatalo, dakila (T)ang hiwaga ng kabanalan;

Yaong nahayag (U)sa laman,
(V)Pinapaging-banal sa espiritu,
(W)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(X)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(Y)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.

Lucas 13:18-30

18 Sinabi nga niya, (A)Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?

19 Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.

20 At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?

21 Tulad sa lebadura (B)na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.

22 At siya'y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon, na nagtuturo, at naglalakbay na tungo sa Jerusalem.

23 At may isang nagsabi sa kaniya, Panginoon, (C)kakaunti baga ang mangaliligtas? At sinabi niya sa kanila,

24 Magpilit kayong (D)magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.

25 Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at (E)mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, (F)Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan;

26 Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, (G)Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan;

27 At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.

28 Diyan (H)na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, (I)kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.

29 At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios.

30 At narito, (J)may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978