Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 85-86

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (O)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (P)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(Q)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(R)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (S)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(T)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(U)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (V)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(W)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(X)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (Y)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (Z)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (AA)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (AB)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (AC)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (AD)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (AE)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (AF)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Mga Awit 91-92

Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.

91 Siyang (A)tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.
Ay mananatili (B)sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (C)siyang aking tinitiwalaan.
Sapagka't kaniyang ililigtas (D)ka sa silo ng paninilo,
At sa mapamuksang salot.
Kaniyang tatakpan ka (E)ng kaniyang mga bagwis,
At sa (F)ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:
Ang kaniyang katotohanan (G)ay kalasag at baluti.
(H)Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,
Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,
(I)Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,
At sangpung libo sa iyong kanan;
Nguni't hindi lalapit sa iyo.
(J)Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,
At iyong makikita ang ganti sa masama.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!
Iyong ginawa ang Kataastaasan na (K)iyong tahanan;
10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,
Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
11 (L)Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
(M)Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:
Ang batang leon at ang ahas (N)ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya:
Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't (O)kaniyang naalaman ang pangalan ko.
15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;
Ako'y (P)sasa kaniya sa kabagabagan:
Aking ililigtas siya, at pararangalan (Q)siya.
16 Aking bubusugin siya (R)ng mahabang buhay,
At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (S)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (T)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(U)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
(V)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (W)totoong malalim.
(X)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
Sapagka't, narito, (Y)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (Z)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (AA)iyong pinataas na parang sungay ng (AB)mailap na toro:
(AC)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (AD)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (AE)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (AF)cedro sa Libano.
13 (AG)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (AH)aking malaking bato, (AI)at walang kalikuan sa kaniya.

Ezekiel 1:28-3:3

28 (A)Kung paano ang anyo ng bahaghari (B)na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng (C)kaluwalhatian ng Panginoon. (D)At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.

Ang tawag sa Propeta.

At sinabi niya sa akin, (E)Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.

At ang Espiritu (F)ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.

At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.

At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (G)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.

At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (H)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.

At ikaw, anak ng tao, (I)huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

At iyong sasalitain (J)ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.

Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (K)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.

At nang ako'y tumingin, narito, (L)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (M)ay nandoon;

10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (N)sa loob at sa labas; at may (O)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.

Ang pagkakasugo sa Propeta.

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; (P)kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.

Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. (Q)Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.

Mga Hebreo 4:14-5:6

14 Yaman ngang tayo'y mayroong (A)isang lubhang dakilang saserdote, (B)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (C)ingatan nating matibay ang ating (D)pagkakilala.

15 Sapagka't tayo'y (E)walang isang dakilang saserdote (F)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (G)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (H)gayon ma'y walang kasalanan.

16 (I)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (J)ay inilagay dahil sa mga tao (K)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (L)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:

Na makapagtitiis na may kaamuan (M)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (N)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;

At (O)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.

(P)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (Q)gaya ni Aaron.

Gayon din si Cristo man ay (R)hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,

(S)Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:

Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,

(T)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Lucas 9:28-36

28 At (A)nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok (B)upang manalangin.

29 At samantalang siya'y nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw.

30 At narito, dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya, na ang mga ito'y si Moises at si Elias;

31 Na napakitang may kaluwalhatian, at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang (C)pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem.

32 Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwa't nang sila'y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya.

33 At nangyari, samantalang sila'y nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: (D)na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi.

34 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at sila'y naliliman: at sila'y nangatakot nang sila'y mangapasok sa alapaap.

35 At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.

36 At nang dumating ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nagiisa. (E)At sila'y di nagsisiimik, at nang mga araw na yao'y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978