Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 30

Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.

30 Dadakilain kita, Oh (A)Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
At hindi mo (B)pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at (C)ako'y pinagaling mo.
Oh Panginoon, (D)iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong (E)bumaba sa hukay.
(F)Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
Sapagka't ang kaniyang galit ay (G)sangdali lamang;
(H)Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
(I)Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
(J)Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
(K)Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 (L)Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na (M)pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.

Mga Awit 32

Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.

32 Mapalad (A)siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng (B)Panginoon,
At (C)walang pagdaraya ang diwa niya.
Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang (D)aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
Sapagka't araw at gabi ay (E)mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
Aking kinilala ang (F)aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, (G)Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa (H)panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
(I)Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
(J)Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
(K)Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
(L)Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 (M)Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't (N)siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 (O)Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Mga Awit 42-43

IKALAWANG AKLAT

Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.

42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
(B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
(J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
(M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Panalangin sa pagliligtas.

43 Hatulan mo ako, (T)Oh Dios, at (U)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (V)itinakuwil?
(W)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
(X)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (Y)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
(Z)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

1 Samuel 22

Tumakas sa yungib ng Adullam.

22 Umalis nga si David doon, at (A)tumakas (B)sa yungib ng Adullam: at nang mabalitaan ng kaniyang mga kapatid at ng sangbahayan ng kaniyang ama, kanilang nilusong siya roon.

At bawa't isa na napipighati, at bawa't isa na may utang, at bawa't isa na may kalumbayan ay nakipisan sa kaniya; at siya'y naging punong kawal nila: at nagkaroon siya ng may (C)apat na raang tao.

At naparoon si David mula roon sa Mizpa ng Moab, at kaniyang sinabi sa hari sa (D)Moab: Isinasamo ko sa iyo na ang aking ama at aking ina ay makalabas, at mapasama sa inyo, hanggang sa aking maalaman kung ano ang gagawin ng Dios sa akin.

At kaniyang dinala sila sa harap ng hari sa Moab: at sila'y tumahan na kasama niya buong panahon na si David ay nasa moog.

(E)At sinabi ng propetang si Gad kay David, Huwag kang tumahan sa moog; ikaw ay yumaon at pumasok sa lupain ng Juda. Nang magkagayo'y yumaon si David, at pumasok sa gubat ng Hareth.

At nabalitaan ni Saul na si David ay nasumpungan, at ang mga lalake na kasama niya: si Saul nga'y nauupo sa (F)Gabaa sa ilalim ng punong tamarisko sa (G)Rama, na tangan ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay, at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot niya.

At sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya, Dinggin ninyo ngayon, mga Benjamita; bibigyan ba ng anak ni Isai ang bawa't isa sa inyo ng mga bukiran at mga ubasan, gagawin ba niya kayong lahat na mga punong kawal ng lilibuhin at mga punong kawal ng dadaanin;

Upang kayong lahat ay magsipagsuwail laban sa akin, at walang nagpakilala sa akin (H)nang gawin ng aking anak ang isang pakikipagtipan sa anak ni Isai, at wala sinoman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin, o nagpakilala sa akin na ang aking anak ay humihikayat sa aking lingkod laban sa akin upang bumakay, gaya sa araw na ito?

Nang magkagayo'y sumagot si (I)Doeg na Idumeo na nakatayo sa siping ng mga lingkod ni Saul, at nagsabi, Aking nakita ang anak ni Isai na naparoroon sa Nob, kay (J)Ahimelech na anak ni Ahitob.

10 (K)At isinangguni niya siya sa Panginoon, at (L)binigyan siya ng mga pagkain, at ibinigay sa kaniya ang tabak ni Goliath na Filisteo.

Pagpapapatay sa mga saserdote.

11 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari si Ahimelech na saserdote na anak ni Ahitob, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, na mga saserdote na nasa Nob, at sila'y naparoong lahat sa hari.

12 At sinabi ni Saul, Iyong dinggin ngayon, ikaw na anak ni Ahitob. At siya'y sumagot. Narito ako, panginoon ko.

13 At sinabi ni Saul sa kaniya, Bakit kayo ay nagsipagsuwail laban sa akin, ikaw, at ang anak ni Isai, na iyong binigyan siya ng tinapay, at ng tabak, at isinangguni siya sa Dios upang siya'y bumangon laban sa akin na bumakay, gaya sa araw na ito?

14 Nang magkagayo'y sumagot si Ahimelech sa hari, at nagsabi, At sino sa gitna ng lahat ng iyong mga lingkod ang tapat na gaya ni David, na manugang ng hari, at tinatanggap sa iyong pulong, at karangaldangal sa iyong bahay?

15 Pinasimulan ko bang isangguni siya ngayon sa Dios? malayo sa akin: huwag ibintang ng hari ang anomang bagay sa kaniyang lingkod, o sa buong sangbahayan man ng aking ama: sapagka't walang nalalamang bagay ang iyong lingkod tungkol sa lahat na ito, munti o malaki.

16 At sinabi ng hari, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Ahimelech, ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama.

17 At sinabi ng hari sa (M)bantay na nangakatayo sa palibot niya, Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon; sapagka't ang kanilang kamay man ay sumasa kay David, at sapagka't kanilang nalaman na siya'y tumakas, at hindi nila ipinakilala sa akin. Nguni't hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon.

18 At sinabi ng hari kay Doeg: Pumihit ka, at iyong daluhungin ang mga saserdote. At pumihit si Doeg na Idumeo, at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote, at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu't limang lalake na (N)nagsusuot ng epod na lino.

19 (O)At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob, ang bayan ng mga saserdote, ang mga lalake at gayon din ang mga babae, ang mga bata at ang mga pasusuhin, at ang mga baka at mga asno at mga tupa, ng talim ng tabak.

20 (P)At isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan, at tumakas na sumunod kay David.

21 At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon.

22 At sinabi ni David kay Abiathar, Talastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon, na kaniyang tunay na sasaysayin kay Saul: ako'y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sangbahayan ng iyong ama.

23 Matira kang kasama ko, huwag kang matakot; sapagka't (Q)siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay: sapagka't kasama kita ay maliligtas ka.

Mga Gawa 13:26-43

26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (A)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.

27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (B)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (C)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (D)ang hatol sa kaniya.

28 At bagaman (E)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.

29 At (F)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (G)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.

30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (H)Dios sa mga patay:

31 At (I)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (J)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.

32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (K)pangakong ipinangako sa mga magulang,

33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (L)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (M)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (N)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.

38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (O)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (P)ang kapatawaran ng mga kasalanan:

39 At sa (Q)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (R)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

41 Tingnan ninyo, (S)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

42 At pagalis nila, (T)ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.

43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (U)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.

Marcos 3:19-35

19 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.

20 At muling nagkatipon ang karamihan, (A)ano pa't sila'y hindi man lamang makakain ng tinapay.

21 At nang mabalitaan yaon (B)ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya'y hulihin: (C)sapagka't kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait.

22 At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, (D)Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

23 At sila'y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi (E)sa kanila sa mga talinghaga, Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas?

24 At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.

25 At kung ang isang bahay ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon.

26 At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili, at magkabahabahagi, hindi siya makapanananatili, kundi magkakaroon ng isang wakas.

27 Datapuwa't walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao, at samsamin ang kaniyang mga pagaari, malibang gapusin muna niya ang malakas na tao; at kung magkagayo'y masasamsaman ang kaniyang bahay.

28 (F)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma't sila'y mangagsasalita ng kapusungan:

29 Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan:

30 Sapagka't sinabi nila, Siya'y may isang karumaldumal na espiritu.

31 At (G)dumating nga ang kaniyang ina at ang (H)kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.

32 At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka.

33 At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid?

34 At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid!

35 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978