Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 146-147

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
(C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
(D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
(E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
(F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
(G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
(J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
(L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (O)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(P)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (Q)ay nakalulugod.
(R)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (S)natapon na Israel.
(T)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
(U)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
(V)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
(W)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
(X)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (Y)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (Z)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(AA)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (AB)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (AC)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (AD)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(AE)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (AF)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 111-113

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (L)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(M)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(N)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (O)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(P)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(Q)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (R)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (S)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (T)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (U)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (V)mapaparam.

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
(W)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
(X)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
Ang Panginoon ay (Y)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (Z)sa itaas ng mga langit.
(AA)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
(AB)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
(AC)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
(AD)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Samuel 14:36-45

36 At sinabi ni Saul, Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan, at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila. At kanilang sinabi, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. Nang magkagayo'y sinabi ng (A)saserdote, Tayo'y lumapit dito sa Dios.

37 At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? (B)Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon.

38 At sinabi ni Saul, (C)Lumapit kayo rito, kayong lahat na (D)puno ng bayan: at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito.

39 Sapagka't (E)buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, na kahit si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay. Nguni't walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya.

40 Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel, Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako. At sinabi ng bayan kay Saul, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo.

41 Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon, sa Dios ng Israel, Ituro mo ang matuwid. At si Jonathan at si Saul ay (F)napili: nguni't ang bayan ay nakatanan.

42 At sinabi ni Saul, Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak: at si Jonatan ay napili.

43 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay Jonathan, (G)Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa. (H)At isinaysay ni Jonathan sa kaniya, at sinabi, Tunay na ako'y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay: at, narito, ako'y marapat mamatay.

44 At sinabi ni Saul, (I)Gawing gayon ng Dios at lalo na: (J)sapagka't ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan.

45 At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: (K)buhay ang Panginoon, (L)hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay.

Roma 5:1-11

Yaman nga na (A)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (B)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (C)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (D)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (E)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (F)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (G)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (H)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Sapagka't (I)nang tayo ay mahihina pa ay (J)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (K)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (L)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't (M)kung, noong tayo'y mga kaaway (N)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (O)sa kaniyang buhay;

11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.

Mateo 22:1-14

22 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan (A)sila sa mga talinghaga, na sinasabi,

Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng (B)piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,

At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.

Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.

Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;

At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.

Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi (C)karapatdapat ang mga inanyayahan.

Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.

10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, (D)masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.

11 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na (E)hindi nararamtan ng damit-kasalan:

12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.

13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; (F)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

14 Sapagka't (G)marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978