Book of Common Prayer
Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.
120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (E)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 (F)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 (G)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (H)hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (I)lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan (J)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (K)iingatan ang iyong kaluluwa.
8 (L)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (M)sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (N)siksikan:
4 (O)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(P)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 (Q)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 (R)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(S)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(T)Hahanapin ko ang iyong buti.
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (U)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (V)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (W)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(X)Ng duwahagi ng mga (Y)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
124 (Z)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(AA)Sabihin ng Israel ngayon,
2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3 Nilamon nga nila sana (AB)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4 Tinabunan nga sana tayo (AC)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6 Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7 (AD)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8 (AE)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.
Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (AF)hindi bubuhatin sa (AG)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa (AH)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(AI)Kapayapaan nawa ay suma Israel.
Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa
126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(AJ)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 (AK)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (AL)dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 (AM)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(AN)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(AO)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 (AP)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (AQ)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (AR)pintuang-bayan.
Kung bakit at sinaktan ang Jerusalem.
21 At nangyari, nang ikalabing dalawang taon (A)ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, (B)Ang bayan ay nasaktan.
22 (C)Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at (D)hindi na ako pipi.
23 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
24 Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga (E)gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana.
25 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (F)Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain?
26 Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain?
27 Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot.
28 At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan.
29 Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa.
30 At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at (G)nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon.
31 At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y (H)nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't (I)ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.
32 At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa.
33 At pagka ito'y nangyari, ((J)narito, nangyayari,) (K)kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila.
2 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay (A)may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:
2 At (B)siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan (C)din naman.
3 At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung (D)tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
4 (E)Ang nagsasabing, (F)Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, (G)ay sinungaling, at ang katotohanan ay (H)wala sa kaniya;
5 Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal (I)ang pagibig ng Dios. (J)Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:
6 Ang nagsasabing siya'y (K)nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.
7 Mga minamahal, (L)wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos (M)na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
8 Muli, (N)isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; (O)sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at (P)ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.
9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hangga ngayon.
10 (Q)Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y (R)walang anomang kadahilanang ikatitisod.
11 Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.
35 At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, (A)at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.
36 Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay (B)nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na (C)gaya ng mga tupa na walang pastor.
37 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (D)Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa.
38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
10 At (E)pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.
2 (F)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (G)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (H)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (I)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;
4 Si Simon na Cananeo, (J)at si Judas (K)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978