Add parallel Print Page Options

Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias.

Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain.

(A)Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang (B)lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa (C)pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng (D)halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng (E)Araba.

Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico: at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya.

Nang magkagayo'y kinuha nila ang hari (F)at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa (G)Ribla; at sila'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya.

At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y (H)nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.

Giniba ang Jerusalem at ang templo.

(I)Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na (J)punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.

(K)At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang (L)lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.

10 At (M)ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay.

11 At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.

Read full chapter

Nang ikalabing isang taon ni Sedechias, nang ikaapat na buwan, nang ikasiyam na araw ng buwan, isang sira ay nagawa sa bayan),

Read full chapter

Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias.

Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan, ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa't walang tinapay para sa bayan ng lupain.

Read full chapter

Anak ng tao, (A)sapagka't ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem, Aha, siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira; siya'y nabalik sa akin: ako'y mapupuno ngayong siya'y sira:

Read full chapter