Book of Common Prayer
Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.
106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
4 (D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
6 (F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
8 Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang tungkulin ng bantay.
33 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, salitain mo (A)sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, (B)Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila;
3 Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan;
4 Sinoman ngang makarinig (C)ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, (D)ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.
5 Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.
6 Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, (E)ngunit ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.
7 Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay (F)inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin.
8 Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay.
9 (G)Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa.
10 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay?
11 Sabihin mo sa kanila, Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, (H)wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; (I)sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?
1 Yaong (A)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (B)yaong nakita ng aming mga mata, (C)yaong aming namasdan, at (D)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at (E)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (F)pinatotohanan, (G)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (H)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (I)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (J)upang ang ating kagalakan ay malubos.
5 At (K)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (L)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.
6 Kung sinasabi nating (M)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (N)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:
7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (O)tayo (P)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (Q)wala sa atin.
9 Kung ipinahahayag natin ang (R)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (S)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.
27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, (A)Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.
29 Nang magkagayo'y (B)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (C)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.
30 At nangadilat ang kanilang mga mata. (D)At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, (E)Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.
31 Datapuwa't sila'y nagsialis, at (F)kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon.
32 At samantalang sila'y nagsisialis, (G)narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na (H)inaalihan ng demonio.
33 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito.
34 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, (I)sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978