Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe

Muli kong itinaas ang aking paningin at aking nakita, at narito, lumabas ang apat na karwahe mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

Ang(A) unang karwahe ay may mga kabayong pula; ang ikalawa ay mga kabayong itim,

ang(B) ikatlo ay may mga kabayong puti; ang ikaapat na karwahe ay mga kabayong kulay abo.

Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”

Ang(C) anghel ay sumagot sa akin, “Ang mga ito ay apat na espiritu ng kalangitan na pumaparoo't parito mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

Ang karwahe na may mga kabayong itim ay patungo sa hilagang lupain, ang mga mapuputi ay sumunod sa kanila, ang mga kulay abo ay patungo sa timugang lupain.”

Nang ang mga malalakas ay lumabas, sila ay nagpipilit na humayo upang libutin ang lupa. Kanyang sinabi, “Sulong, magmanman kayo sa buong lupa.” Kaya't sila'y nagmanman sa buong lupa.

Siya'y sumigaw sa akin, at nagsalita sa akin na sinasabi: “Narito, silang nagtungo sa hilagang lupain ang nagpatahimik sa aking espiritu sa hilagang lupain.”

Ang Utos na Putungan si Josue

Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:

10 “Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias.

11 Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari.

12 Sabihin(D) mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, “Narito ang lalaking ang pangala'y Sanga: sapagkat siya'y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon.

13 Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya'y magtataglay ng karangalan, at siya'y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya'y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.”’

14 Ang korona ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kina Helem, Tobias, Jedias, at Hen na anak ni Sefanias.

15 “Silang nasa malayo ay paparito at magtatayo ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang siyang nagsugo sa akin sa inyo. Ito'y mangyayari kung inyong masikap na susundin ang tinig ng Panginoon ninyong Diyos.”

At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;

At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

10 Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;

11 Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga putong, at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote.

12 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

13 Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.

14 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.

15 At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

И пак вдигнах очите си, и виждам: ето, четири колесници излизат из прохода между две планини; а тия планини бяха медни планини.

(A)В първата колесница конете бяха рижи, във втората колесница – черни;

в третата колесница конете бяха бели, а в четвъртата колесница – сиви, силни.

И, като заговорих, аз рекох на Ангела, който говореше с мене: какво е това, господине мой?

(B)Отговори Ангелът и ми рече: това са четирите небесни духа, които излизат да предстоят пред Господа на цялата земя.

Враните коне там излизат към северна страна, и белите вървят след тях, а сивите отиват към южна страна.

И силните излязоха и се впуснаха да преминат земята; и той рече: идете, преминете земята, – и те преминаха земята.

Тогава той ме повика и ми рече тъй: виж, излезлите за северната страна успокоиха духа ми против северната земя.

И биде слово Господне към мене:

10 вземи от дошлите от плена, от Хелдая, от Товия и от Иедая, и иди в същия ден, иди в дома на Иосия, син Софониев, дето те пристигнаха от Вавилон,

11 вземи от тях сребро и злато и направи венци, и тури ги на главата на Иисуса, син Иоседеков, велик иерей,

12 (C)и му кажи: тъй казва Господ Саваот: ето Мъж, – името Му е Младочка, – Той ще израсте от корена Си и ще създаде храма Господен.

13 (D)Той ще създаде храма Господен и ще получи слава, ще седне на престола Си и ще бъде владетел, ще бъде и свещеник на престола Си, и съгласие за мир ще има между единия и другия.

14 А ония венци ще бъдат за Хелема и Товия, за Иедая и Хена, син Софониев, за спомен в храма Господен.

15 (E)И отдалеч ще дойдат и ще участвуват в постройката на храма Господен, и вие ще познаете, че Господ Саваот ме е пратил при вас, и това ще стане, ако усърдно слушате гласа на вашия Господ Бог.