Add parallel Print Page Options

Ang Pagkahirang ng Diyos sa Israel

Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo; hindi ako nagsisinungaling, ito'y pinatotohanan ng aking budhi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,

na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.

Sapagkat mamagalingin ko pang ako ay sumpain at mawalay kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, na aking mga kamag-anak ayon sa laman.

Sila'y(A) mga Israelita, na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagtanggap sa kautusan, at ang pagsamba at ang mga pangako;

sa kanila ang mga patriyarka, at sa kanila nagmula ang Cristo ayon sa laman, na siyang nangingibabaw sa lahat, Diyos na maluwalhati magpakailanman. Amen.

Subalit hindi sa ang salita ng Diyos ay nabigo. Sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel;

ni(B) hindi rin dahil sila'y binhi ni Abraham ay mga anak na silang lahat, kundi, “Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.”

Samakatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Diyos, kundi ang mga anak ng pangako ay siyang itinuturing bilang binhi.

Sapagkat(C) ito ang salita ng pangako, “Sa mga ganito ring panahon ay darating ako, at magkakaroon si Sarah ng isang anak na lalaki.”

10 At hindi lamang iyon; kundi gayundin kay Rebecca nang siya'y naglihi sa pamamagitan ng isang lalaki, na si Isaac na ating ama.

11 Sapagkat bagaman ang mga anak ay hindi pa isinisilang, at hindi pa nakakagawa ng anumang mabuti o masama, (upang ang layunin ng Diyos ay manatili alinsunod sa pagpili,

12 na(D) hindi sa pamamagitan ng mga gawa, kundi doon sa tumatawag) ay sinabi sa kanya, “Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”

13 Gaya(E) ng nasusulat,

“Si Jacob ay aking minahal,
    ngunit si Esau ay aking kinasuklaman.”

14 Ano nga ang ating sasabihin? May kawalang-katarungan ba sa Diyos? Huwag nawang mangyari.

15 Sapagkat(F) sinasabi niya kay Moises,

“Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan,
    at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.”

16 Kaya ito ay hindi ayon sa kalooban o pagsisikap ng tao, kundi ayon sa habag ng Diyos.

17 Sapagkat(G) sinasabi ng kasulatan kay Faraon, “Dahil sa layuning ito, ay itinaas kita, upang aking maipakita sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay maipahayag sa buong lupa.”

18 Kaya nga siya'y may awa sa kanyang maibigan, at kanyang pinagmamatigas ang puso ng sinumang kanyang maibigan.

Ang Poot at Habag ng Diyos

19 Kaya't sasabihin mo sa akin, “Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagkat sino ang makakasalungat sa kanyang kalooban?”

20 Ngunit,(H) sino ka, O tao, na makikipagtalo sa Diyos? Sasabihin ba ng bagay na hinubog doon sa humubog sa kanya, “Bakit mo ako ginawang ganito?”

21 O wala bang karapatan ang magpapalayok sa luwad, upang gumawa mula sa iisang limpak ng isang sisidlan para sa marangal na gamit at ang isa'y para sa pangkaraniwang gamit?

22 Ano nga kung sa pagnanais ng Diyos na ipakita ang kanyang poot, at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, ay nagtitiis na may pagtitiyaga sa mga kinapopootan niya[a] na inihanda para sa pagkawasak;

23 upang maipakilala niya ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian sa mga kinaaawaan,[b] na kanyang inihanda nang una pa para sa kaluwalhatian,

24 maging sa atin na kanyang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil?

25 Gaya(I) naman ng sinasabi niya sa Hoseas,

“Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan;
    at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”
26 “At(J) mangyayari, na sa lugar na kung saan ay sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
    doon sila tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’”

27 At(K) si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, “Bagaman ang bilang ng mga anak ng Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas:

28 sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa.”

29 At(L) gaya ng sinabi nang una ni Isaias,

“Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
    tayo'y naging katulad sana ng Sodoma,
    at naging gaya ng Gomorra.”

Ang Israel at ang Ebanghelyo

30 Ano nga ang ating sasabihin? Ang mga Hentil na hindi nagsumikap sa katuwiran ay nagkamit ng katuwiran, samakatuwid ay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya;

31 ngunit ang Israel na nagsusumikap sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi nakaabot sa pagsunod sa kautusang iyon.

32 Bakit? Sapagkat hindi nila pinagsikapan iyon batay sa pananampalataya, kundi batay sa mga gawa. Sila'y natisod sa batong katitisuran,

33 gaya ng nasusulat,

“Tingnan ninyo,(M) inilalagay ko sa Zion ang isang batong ikabubuwal at batong katitisuran,
    at ang sumasampalataya sa kanya'y hindi malalagay sa kahihiyan.”

Footnotes

  1. Roma 9:22 Sa Griyego ay sisidlan ng poot .
  2. Roma 9:23 Sa Griyego ay sisidlan ng awa .

Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, (A)na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,

Na mayroon akong malaking kalungkutan (B)at walang tigil na karamdaman sa aking puso.

Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man (C)ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak (D)ayon sa laman.

Na pawang mga Israelita; (E)na sa kanila ang pagkukupkop, at (F)ang kaluwalhatian, at (G)ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at (H)ang paglilingkod sa Dios, at (I)ang mga kapangakuan;

Na sa kanila (J)ang mga magulang, at (K)sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, (L)na siyang lalo sa lahat, Dios na (M)maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.

Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't (N)hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:

(O)Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, (P)Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.

Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga (Q)anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.

Sapagka't ito ang salita ng pangako, (R)Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.

10 At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni (S)Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac—

11 Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi (T)doon sa tumatawag,

12 Ay sinabi sa kaniya, (U)Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.

13 Gaya ng nasusulat, (V)Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.

14 Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.

15 Sapagka't sinasabi niya kay Moises, (W)Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.

16 Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.

17 Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, (X)Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.

18 Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas.

19 Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?

20 (Y)Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? (Z)Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?

21 O wala bagang (AA)kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang (AB)isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.

22 Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking (AC)pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira:

23 At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na (AD)kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,

24 Maging sa atin na kaniya namang tinawag, (AE)hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?

25 Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas,

(AF)Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan;
At iniibig, na hindi dating iniibig.
26 At mangyayari, (AG)na sa dakong pinagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi ko bayan,
Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.

27 At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, (AH)Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, (AI)ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:

28 Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin (AJ)at paiikliin.

29 At gaya ng sinabi nang una ni Isaias,

(AK)Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
(AL)Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.

30 Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y (AM)ng katuwiran sa pananampalataya:

31 Datapuwa't ang Israel (AN)sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan.

32 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. (AO)Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;

33 Gaya ng nasusulat,

(AP)Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal:
(AQ)At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.

Ang Pagkahirang ng Diyos sa Israel

Yamang ako'y kay Cristo, katotohanan ang sinasabi ko; sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagpapatotoo ang aking budhi at hindi ako nagsisinungaling. Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso, dahil sa aking mga kababayan at kalahi. Nanaisin ko pang ako'y sumpain at mahiwalay kay Cristo alang-alang sa kanila. Sila'y (A) mga Israelita, sila'y kinupkop bilang mga anak. Ipinakita sa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos; ibinigay sa kanila ang pakikipagtipan at ang Kautusan, ang tungkol sa pagsamba, at ang mga pangako. Sa kanila ang mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Cristo ayon sa laman, Diyos na Kataas-taasan at Maluwalhati magpakailanpaman. Amen.[a]

Hindi nangangahulugang nawalan ng saysay ang salita ng Diyos. Sapagkat hindi naman lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel. At (B) hindi rin lahat ng nagmula kay Abraham ay mga anak ni Abraham, sa halip—nasusulat, “Sa pamamagitan ni Isaac, ang iyong mga anak ay kikilalanin.” Ang ibig sabihin nito, hindi lahat ng anak ayon sa laman ay ibinibilang na anak ng Diyos, kundi iyong mga ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos. Sapagkat (C) ganito ang isinasaad ng pangako, “Sa ganito ring panahon ay babalik ako at magkakaanak si Sarah ng isang lalaki.” 10 At hindi lamang iyon, si Rebecca rin nang siya'y nagdalang-tao sa pamamagitan ng isang lalaki, si Isaac, na ating ninuno, 11 bagaman ang mga bata ay hindi pa isinisilang, at hindi pa nakagagawa ng anumang mabuti o masama, ipinakita ng Diyos ang kanyang pagpili. 12 At ito'y (D) hindi batay sa mga gawa, kundi ayon sa layunin ng tumatawag. Sinabihan si Rebecca ng ganito, “Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata.” 13 Gaya (E) ng nasusulat,

“Si Jacob ay aking minahal,
    ngunit si Esau ay aking kinasuklaman.”

14 Ano ngayon ang ating sasabihin? Ang Diyos ba ay hindi makatarungan? Huwag nawang mangyari! 15 Sapagkat (F) ganito ang sinabi niya kay Moises,

“Maaawa ako sa nais kong kaawaan,
    at kahahabagan ko ang nais kong kahabagan.”

16 Samakatuwid ang pagpili ay hindi ayon sa kagustuhan o pagsisikap ng tao, kundi ayon sa awa ng Diyos. 17 Sapagkat (G) sinasabi ng Kasulatan kay Faraon, “Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong daigdig.” 18 Kaya kinaawaan ng Diyos ang nais niyang kaawaan, at pinatitigas ang puso ng sinumang nais niyang pagmatigasin.

Ang Poot at Habag ng Diyos

19 Maaaring sabihin ninyo sa akin, “Kung gayo'y bakit sinisisi pa tayo ng Diyos? Sino ba ang maaaring sumalungat sa kanyang kagustuhan?” 20 Ngunit, (H) sino ka ba, O tao, na sasagot nang laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinubog doon sa humubog sa kanya, “Bakit mo ako ginawang ganito?” 21 Wala bang karapatan ang magpapalayok na bumuo mula sa isang tumpok ng putik ng isang sisidlan para sa mahalagang gamit at ng isa pang sisidlan para sa pangkaraniwang gamit? 22 Kung nais ipakita ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin ba niyang pagtitiisan ang mga sisidlan ng poot na inihanda para sa pagkawasak? 23 Hindi ba't ginawa niya ito upang ipakilala ang yaman ng kanyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noong una pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian? 24 Hindi ba kabilang tayo sa kanyang mga tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil? 25 Gaya (I) ng sinasabi niya sa aklat ni Hosea,

“Tatawagin kong ‘Bayan ko’ ang dating hindi ko bayan;
    at ‘Minamahal’ ang dating hindi ko mahal.”
26 “At (J) sa mismong lugar kung saan sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
    ay tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’ ”

27 Ito (K) naman ang isinisigaw ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, ang kaunting nalabi lamang sa kanila ang maliligtas. 28 Sapagkat mabilis at tiyak na igagawad ng Panginoon ang kanyang hatol sa daigdig.” 29 Gaya ng sinabi (L) ni Isaias noong una,

“Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng mga anak,[b]
    tayo sana'y naging tulad ng Sodoma,
    at naging gaya ng Gomorra.”

Ang Israel at ang Ebanghelyo

30 Ano ngayon ang sasabihin natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay naging matuwid, at ito'y mula sa pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel na nagsikap maging matuwid batay sa Kautusan ay nabigo. 32 Bakit? Sapagkat sinikap nilang maging matuwid batay sa mga gawa, at hindi batay sa pananampalataya. Natisod sila sa batong katitisuran, 33 gaya ng nasusulat,

“Tingnan ninyo, (M) maglalagay ako sa Zion ng isang katitisurang bato,
    isang malaking batong ikabubuwal ng mga tao,
ngunit ang sinumang sa kanya'y magtitiwala,
    kailanman ay hindi mapapahiya.”

Footnotes

  1. Roma 9:5 O kaya'y Purihin ang Kataas-taasang Diyos na naghahari sa lahat magpakailanman. Amen.
  2. Roma 9:29 Sa Griyego, binhi.

The Lot of the Jewish People[a]

Chapter 9

Paul’s Love for Israel. I am speaking the truth in Christ—I am not lying, as my conscience bears witness for me through the Holy Spirit that I have great sorrow and unending anguish in my heart. I would even be willing to be accursed, cut off from Christ for the sake of my brethren who are my kinsmen according to the flesh. They are Israelites[b] who have the adoption, the glory, the covenants, the Law, the worship, and the promises. To them belong the patriarchs, and from them, according to the flesh, came the Christ, God forever, who is over all.[c] Amen.

The Word of God Has Not Proved False. It is not as though the word of God has proved false. For not all who were Israelites truly belong to Israel, and not all of Abraham’s children are his true descendants. On the contrary, “It is through Isaac that descendants will bear your name.”

In other words, it is not through physical descent that people are regarded as children of God. Rather, the children of the promise are those who are counted as descendants. For this is how the promise was worded: “About this time next year I shall return, and Sarah will have a son.”

10 And not only that, but Rebekah became pregnant by one man, her husband Isaac. 11 Yet even before her children had been born or done anything good or bad, in order that God’s purpose of election might prevail, 12 dependent not on human works but on his call, she was told, “The older shall serve the younger.” 13 As it is written,

“I loved Jacob,
    but Esau I hated.”[d]

14 Has God Been Unjust?[e]What then are we to say to that? Has God been unjust? Of course not! 15 For he says to Moses,

“I will have mercy
    on whomever I will have mercy,
and I will have pity
    on whomever I will have pity.”

16 Therefore, it does not depend on anyone’s will or exertion but on God’s mercy. 17 For Scripture says to Pharaoh, “I have raised you up so that I may display my power in you and that my name may be proclaimed throughout the earth.” 18 Consequently, he shows mercy to whomever he wills, and he hardens the hearts of whomever he wills.

19 In response, you will say to me, “Why then does he still find fault? Who can resist his will?” 20 But who indeed are you, a human being, to argue with God? Can something that is made say to its maker, “Why did you make me like this?” 21 Surely, the potter can mold the clay as he wishes. Does he not have the right to make out of the same lump of clay one vessel for a noble purpose and another for ordinary use?

22 What if God, although wishing to show his wrath and to make known his power, nevertheless with great patience endured the objects of his wrath[f] destined for destruction? 23 He did so in order to make known the riches of his glory to the recipients of his mercy whom he prepared long ago for glory. 24 We are the ones whom he has called not only from the Jews but also from the Gentiles.

25 Witness of the Old Testament. As indeed he says in Hosea,

“Those who were not my people
    I will call ‘my people,’
and her who was not beloved
    I will call ‘beloved.’
26 And in the very place
    where it was said to them,
    ‘You are not my people,’
there they shall be called
    children of the living God.”

27 And Isaiah cries out in regard to Israel:

“Though the number of the Israelites
    will be like the sand of the sea,
    only a remnant of them will be saved.
28 For the sentence of the Lord on the earth
    will be executed quickly and with finality.”

29 Isaiah had foretold previously:

“If the Lord of hosts
    had not left us any descendants,
we would have become like Sodom
    and been made like Gomorrah.”

30 A Misguided Zeal. What then shall we say? That the Gentiles who did not strive for righteousness have achieved it, that is, righteousness based on faith, 31 but that Israel, who did strive for righteousness based on the Law, did not succeed in attaining it? 32 Why did this happen? Because they did not pursue it by faith but on the basis of works. They tripped over the stone that causes one to stumble, 33 as it is written:

“Behold, I am laying in Zion
    a stone that will make people stumble
    and a rock that will cause them to fall.
But the one who trusts in him
    will never be put to shame.”[g]

Footnotes

  1. Romans 9:1 Paul was born a Jew. In his eyes, Christianity was the historical fulfillment of the destiny and hope of Israel, the authentic conclusion of the Old Covenant, which was destined to shine out brightly in the New Covenant that was inaugurated by the Passover of Christ. But reality confronts him with agonizing problems. It had been necessary to make Jewish Christians understand that the salvation given by Jesus Christ caused a break from the Jewish religious system (see 2 Cor 3; Gal 3; Rom 7). An even more serious problem: Israel had officially rejected Jesus and now rejected the Gospel and the young Church. Paul’s reflections are organized in three stages: first, he stresses the fidelity of God (Rom 9:6-29); he then points out Israel’s responsibility (Rom 9:31—10:21); finally, with the entire plan of God in view, he insists that the infidelity of Israel is only provisional and partial (Rom 11:1-32). A hymn to the wisdom of God (Rom 11:33-36) ends these difficult pages.
  2. Romans 9:4 Israelites: descendants of Jacob, who was named Israel by God (see Gen 32:28). The name originally designated the whole nation of Israel (see Jdg 5:7), but after the division into two kingdoms it was given to the northern kingdom alone. In New Testament times, Palestinian Jews used the term “Israelites” to indicate that they were God’s chosen people.
    Paul shows that God’s promises to them are still in effect: adoption, i.e., as God’s children (see Ex 4:22f; Jer 31:9; Hos 1:1); glory, i.e., God’s presence among them (see Ex 16:7, 10; Lev 9:6, 23; Num 16:19); covenants, e.g., the Abrahamic (see Gen 15:17-21; 17:1-8), the Mosaic (see Ex 19:5; 24:1-10); the Levitical (Num 25:12f; Jer 33:21; Mal 2:4f), the Davidic (see 2 Sam 7; 23:5; Pss 89:4f, 29f; 132:11f), and the New Covenant (prophesied in Jer 31:31-40); and the promises, especially those made to Abraham (see Gen 12:7; 13:14-17; 17:4-8; 22:16-18) and the Messianic promises (e.g., 2 Sam 7:12, 16; Isa 9:6f; Jer 23:5; 31:31-34; Ezek 34:23f; 37:24-28).
  3. Romans 9:5 Came the Christ, God forever, who is over all: another possible translation is: “came the Christ. God who is over all be praised.”
  4. Romans 9:13 Hated: in the Biblical sense of the word, that is, “I preferred Jacob.”
  5. Romans 9:14 Paul thinks with astonishment of the unforeseeable calls of God, who chooses individuals and people from the midst of a sinful world. The image of the potter signifies in the Bible the sovereign freedom of God that defies all expectations. The texts from Hosea (2:25 and 11:10) spoke of the conversion of Israel; Paul interprets them as proclamations of an unprecedented initiative of God: the call of the Gentiles.
  6. Romans 9:22 Objects of his wrath: human beings who by sinning incur God’s anger.
  7. Romans 9:33 This verse uses a combination of two texts from Isaiah that was apparently in common use by the early Christians to defend Christ’s Messiahship (see 1 Pet 2:4, 6-8; see also Ps 118:22; Lk 20:17f).