Roma 8
Ang Biblia (1978)
8 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
2 Sapagka't ang kautusan (A)ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya (B)ako sa (C)kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagka't (D)ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng (E)Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin (F)at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
5 Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima (G)sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa (H)mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka't (I)ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
7 Sapagka't (J)ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
9 Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang (K)Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.
10 At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't (L)ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.
11 Nguni't kung ang Espiritu (M)niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.
12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:
13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay (N)pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.
14 Sapagka't ang lahat (O)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
15 Sapagka't (P)hindi ninyo muling tinanggap (Q)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (R)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (S)Abba, Ama.
16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; (T)mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; (U)kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.
18 Sapagka't napatutunayan ko na (V)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
19 Sapagka't (W)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.
20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (X)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (Y)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa
21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (Z)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.
22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.
23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (AA)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (AB)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (AC)ng pagkukupkop, na dili iba't, (AD)ang pagtubos sa ating katawan.
24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?
25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.
26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: (AE)sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't (AF)ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (AG)namamagitan dahil sa mga banal (AH)alinsunod sa kalooban ng Dios.
28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (AI)alinsunod sa kaniyang nasa.
29 Sapagka't (AJ)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (AK)ay itinalaga naman niya (AL)na maging katulad (AM)ng larawan ng kaniyang Anak, (AN)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (AO)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (AP)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (AQ)niluwalhati din naman niya.
31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait (AR)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?
33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa (AS)mga hirang ng Dios? (AT)Ang Dios ay ang umaaring-ganap;
34 Sino (AU)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (AV)siyang nasa kanan ng Dios, (AW)na siya namang namamagitan dahil sa atin.
35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36 Gaya ng nasusulat,
(AX)Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito (AY)tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga (AZ)pamunuan, kahit (BA)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa (BB)pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Roma 8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pamumuhay ayon sa Espiritu
8 Ngayon nga'y wala nang hatol na parusa sa mga nakipag-isa kay Cristo Jesus.[a] 2 Sapagkat pinalaya na tayo[b] ng Kautusan ng Espiritu na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang makatarungang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin, na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa laman. 5 Ang mga namumuhay ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang isipan sa masasamang hilig nito. Subalit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nakatuon sa mga nais ng Espiritu. 6 Ang pag-iisip ng laman ay naghahatid sa kamatayan, subalit ang pag-iisip ng Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Ang pag-iisip ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, at talaga namang hindi niya ito magagawa. 8 At ang mga namumuhay ayon sa laman ay hindi makapagbibigay-lugod sa Diyos. 9 Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu, kung naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Subalit sinumang walang Espiritu ni Cristo ay hindi kay Cristo. 10 Ngunit kung nasa inyo si Cristo, ang katawan ninyo ay patay dahil sa kasalanan, ngunit ang Espiritu ay buháy dahil sa katuwiran. 11 Kung (A) naninirahan sa inyo ang Espiritu niya na muling bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan, siya na muling bumuhay kay Cristo Jesus mula sa kamatayan[c] ay magbibigay rin ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na naninirahan sa inyo. 12 Kaya nga, mga kapatid, may pananagutan tayo, ngunit hindi sa laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa laman, subalit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay. 14 Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat (B) (C) hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muli kayong matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkupkop, bilang mga anak na sa pamamagitan nito'y tumawag tayo, “Abba! Ama!” 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At dahil tayo'y mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung tunay ngang tayo'y nagtitiis kasama niya, nang sa gayon, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Ang Kaluwalhatiang Mapapasaatin
18 Ipinalalagay kong hindi kayang ihambing ang pagtitiis sa kasalukuyang panahon sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin. 19 Masidhi ang pananabik ng sangnilikha sa inaasahang paghahayag ng Diyos sa kanyang mga anak. 20 Sapagkat (D) ang sangnilikha ay nasakop ng kabiguan, hindi dahil sa kanyang kagustuhan, kundi dahil doon sa sumakop sa kanya, sa pag-asa 21 na ang sangnilikha ay mapalalaya mula sa pagkaalipin sa pagkabulok at tungo sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang ngayon, ang buong sangnilikha ay dumaraing at naghihirap sa tindi ng kirot tulad ng babaing nanganganak. 23 At (E) hindi lamang ang sangnilikha, kundi pati tayo na mga tumanggap ng mga unang bunga ng Espiritu. Naghihirap din ang ating mga kalooban at dumaraing habang hinihintay ang ganap na pagkupkop sa atin bilang mga anak, ang paglaya ng ating katawan. 24 Iniligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi na matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sinong tao ang aasa pa sa bagay na nakikita na? 25 Subalit kung umaasa tayo sa hindi pa natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong pagtitiyaga.
26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, ngunit ang Espiritu mismo ang dumaraing[d] sa paraang hindi kayang bigkasin sa salita. 27 At ang Diyos na nakasisiyasat ng ating mga puso ang nakaaalam sa kaisipan ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos. 28 At alam nating ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 At ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid; at ang mga itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.
Ang Pag-ibig ng Diyos
31 Ano ngayon ang ating sasabihin tungkol sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang makalalaban sa atin? 32 Kung hindi niya ipinagkait ang sariling Anak kundi ibinigay siya para sa ating lahat, hindi kaya kasama rin niyang ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ngayon ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang nagtuturing na matuwid. 34 Sino ang hahatol upang ang tao'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay ngunit muling binuhay, na ngayon ay nasa kanan ng Diyos at siya ring namamagitan para sa atin? 35 Mayroon bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, kapighatian, pag-uusig, taggutom, kahubaran, panganib, o ang tabak? 36 Gaya (F) ng nasusulat,
“Dahil sa iyo'y maghapon kaming nabibingit sa kamatayan;
itinuring kaming mga tupa sa katayan.”
37 Subalit sa lahat ng mga ito tayo'y lubos na nagtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat lubos akong naniniwala na kahit kamatayan o buhay, mga anghel, mga pamunuan, mga bagay na kasalukuyan, mga bagay na darating, maging mga kapangyarihan, 39 kataasan, o kalaliman, o kahit anumang bagay na nilikha ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Romans 8
New Catholic Bible
The Spirit of God Dwells in Christians[a]
Chapter 8
There Is No Longer Any Condemnation. 1 Hence, there is now no condemnation for those who are in Christ Jesus. 2 For the law of the Spirit of life in Christ Jesus has set you free from the law of sin and death. 3 That which the Law, weakened by the flesh, was unable to do, God has done. By sending his own Son in the likeness of our sinful nature as a sin offering, he condemned sin in the flesh 4 so that the righteous requirements of the Law[b] might be fulfilled in us who live not according to the flesh but according to the Spirit.
Animated by the Spirit and Rendered Children of God.[c] 5 Those who live according to the flesh fix their attention on the things of the flesh, while those who live according to the Spirit set their thoughts on spiritual things. 6 The desires of the flesh result in death, but the desires of the Spirit result in life and peace. 7 Indeed, the desires of the flesh will be hostile to God, for they do not submit to the Law of God, nor could they do so. 8 Those who live according to the flesh can never be pleasing to God.
9 You, however, do not live according to the flesh but according to the Spirit, since the Spirit of God dwells in you. Anyone who does not possess the Spirit of Christ cannot belong to him. 10 But if Christ is in you, then even though the body is dead as a result of sin, the Spirit is alive in you because of righteousness. 11 If the Spirit of him who raised Jesus from the dead dwells in you, then the one who raised Christ from the dead will also give life to your mortal bodies through his Spirit that dwells in you.[d]
12 Consequently, brethren, we are not debtors to the flesh and obliged to live according to the flesh. 13 If you do live according to the flesh, you will die. However, if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live.
14 [e]Those who are led by the Spirit of God are children of God. 15 For you did not receive a spirit of slavery leading to fear; rather, you received the Spirit of adoption, enabling us to cry out, “Abba! Father!” 16 The Spirit himself bears witness with our Spirit that we are children of God. 17 And if we are children, then we are heirs—heirs of God and joint heirs with Christ, provided that we share his sufferings so that we may also share his glory.
18 The Future Glory That Shall Be Revealed.[f] I consider that the sufferings we presently endure are not worth comparing with the glory to be revealed in us. 19 Indeed, creation itself eagerly awaits the revelation of the children of God. 20 For creation was subjected to frustration, not of its own choice but by the will of the one who subjected it, in the hope 21 that creation itself will be freed from its slavery to corruption and share in the glorious freedom of the children of God.
22 As we know, the entire creation has been groaning in labor pains until now— 23 and not only creation, but we ourselves, who have the firstfruits of the Spirit, groan inwardly as we wait for our adoption as children, the redemption of our bodies. 24 For in hope we were saved. Now to see something does not involve hope. For why should we hope for what we have already seen? 25 But if we hope for what we do not yet see, then we wait for it with patience.
26 In the same way, even the Spirit helps us in our weakness. For we do not know how to pray as we should, but the Spirit himself intercedes for us with sighs that cannot be put into words. 27 And the one who searches hearts knows the mind of the Spirit, because the Spirit intercedes for the saints in accordance with God’s will.
28 We know that God makes all things work together for good for those who love him[g] and who are called according to his purpose. 29 For those whom he foreknew he also predestined to be conformed to the image of his Son so that he might be the firstborn among many brethren. 30 Those whom he predestined he also called, and those whom he called he also justified, and those whom he justified he also glorified.
31 Who Can Separate Us from the Love of Christ? What then can we say in response to all this? If God is for us, who can be against us? 32 He did not spare his own Son but gave him up for all of us. How then can he fail also to give us everything else along with him?
33 Who will bring any charge against those whom God has chosen? It is God who acquits. 34 Who will condemn? Christ Jesus, who died, or rather rose again, who is at God’s right hand and intercedes for us?[h] 35 Who then can separate us from the love of Christ? Will hardship, or distress, or persecution, or famine, or nakedness, or danger, or the sword? 36 As it is written,
“For your sake we are being slain all day long;
we are treated like sheep to be slaughtered.”
37 No, throughout all these things we are conquerors because of him who loved us. 38 For I am convinced that neither death, nor life, nor angels, nor principalities, nor present things, nor things to come, nor powers, 39 nor height, nor depth,[i] nor any other creature will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord.
Footnotes
- Romans 8:1 In the experience of the love of God there are three dominant elements: the life of the Spirit (vv. 5-13), the sure realization of being children of God (vv. 14-17), and the certainty of future glory (vv. 18-30). This ascending description ends with a triumphant hymn to the unfailing love of the Lord (vv. 31-39).
- Romans 8:4 Righteous requirements of the Law: although the Law is not a means of salvation, it still plays a role in the life of a believer as a moral guide, obeyed out of love for God and by the power of the Holy Spirit. This marks the fulfillment of Jeremiah’s prophecy of the New Covenant (Jer 31:33ff).
- Romans 8:5 What is the Christian life in its deepest reality? Paul thinks of all that the Holy Spirit inaugurates in the existence of the believer. He is the Spirit of the Father and of Christ, dwells in every Christian, and is a source of spiritual life for each. We can look upon him as the soul of the Church. He is the power of a progressive transformation, which culminates in the resurrection of the body. In a privileged moment—that of prayer—believers grasp their new state as children of God. Thus, believers escape from the flesh, i.e., an orientation to and a realization of a life without future and without accomplishment (see Gal 5:16-25).
- Romans 8:11 For the connection between the Resurrection of Christ and that of believers, see 1 Cor 6:14; 15:20, 23; 2 Cor 4:14; Phil 3:21; 1 Thes 4:14.
- Romans 8:14 Because of the Holy Spirit’s presence in them, Christians possess a new life as well as a new relationship with God. They have become adopted children of God and heirs through Christ, sharing both in his sufferings and in his glory.
- Romans 8:18 The exalting perspective of salvation is expanded to the dimensions of the universe. Paul takes up a Biblical idea: the cosmos is linked with the fate of humankind, cursed then redeemed. All creation prepares for the new world (v. 22). Paul beautifully sketches the proofs of this movement that is nearing its fulfillment:
(1) the presentiment of the universe whose Creator and Lord is Christ (vv. 19-22); (2) the firm hope of believers transformed through Baptism and urged to seize fully that which—even here below—the Spirit inaugurates in them (vv. 23-25); (3) the very prayer by which the Spirit inspires this grand aspiration (vv. 26-27); and finally (4) the will of God, whose love embraces believers in order to associate them with the risen and glorified Christ, so that they may be in the image of his Son, who is himself the perfect image of the Father (see Col 1:15) (vv. 28-30). - Romans 8:28 We know that God makes all things work together for good for those who love him: some manuscripts have: “We know that all things work together for good to those who love God.”
- Romans 8:34 The reasons why no one can condemn us who are God’s elect are three: (1) Christ died for us; (2) Christ is alive and seated at God’s right hand, a position of awesome power; and (3) Christ himself makes intercession for us.
- Romans 8:39 In the terms angels . . . principalities . . . height . . . depth Paul is perhaps speaking of spiritual entities that were considered to be intermediaries between God and humanity.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

