Add parallel Print Page Options

Sapagkat ang mga pinuno ay hindi kilabot sa mabuting gawa, kundi sa masama. At ibig mo bang huwag magkaroon ng takot sa may kapangyarihan? Gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan mula sa kanya:

sapagkat siya'y lingkod ng Diyos para sa kabutihan mo. Ngunit kung masama ang ginagawa mo, matakot ka, sapagkat hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak. Siya'y lingkod ng Diyos, upang ilapat ang poot sa gumagawa ng masama.

Kaya't nararapat na magpasakop, hindi lamang dahil sa galit, kundi dahil din sa budhi.

Read full chapter

Ang mga namumuno ay hindi nagdadala ng takot sa mga gumagawa ng mabuti kundi sa mga gumagawa ng masama. Kung ayaw mong matakot sa maykapangyarihan, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka niya. Sapagkat siya'y lingkod ng Diyos sa ikabubuti mo. Ngunit matakot ka kung masama ang ginagawa mo, sapagkat may dahilan ang pagdadala niya ng tabak. Siya'y lingkod ng Diyos upang igawad ang poot ng Diyos sa gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop, hindi lamang upang iwasan ang poot ng Diyos, kundi alang-alang na rin sa budhi.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 13:5 kundi dahil sa iyon ang matuwid: Sa Griyego, kundi dahil din sa budhi.

Ito ay sapagkat ang mga namumuno ay hindi nagbibigay takot sa mga gumagawa ng mabuti kundi sa mga gumagawa ng masama. Hindi mo ba ninanais na matakot sa pamahalaan? Gumawa ka ng mabuti at ang kapamahalaan ang pupuri sa iyo. Ito ay sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos para sa iyong kabutihan. Ngunit kung ang ginagawa mo ay masama, matakot ka dahil hindi siya nagdadala ng tabak ng walang kahihinatnan sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos, na isang tagapaghiganti upang magdala ng poot sa gumagawa ng masasama. Kaya nga, magpasakop ka hindi lang dahil sa galit kundi dahil sa budhi.

Read full chapter