Revelation 18
Easy-to-Read Version
Babylon Is Destroyed
18 Then I saw another angel coming down from heaven. This angel had great power. The angel’s glory made the earth bright. 2 The angel shouted with a powerful voice,
“She is destroyed!
    The great city of Babylon is destroyed!
She has become a home for demons.
    That city has become a place for every unclean spirit to live.
She is a city filled with all kinds of unclean birds.
    She is a place where every unclean and hated animal lives.
3 All the peoples of the earth have drunk the wine
    of her sexual sin and of God’s anger.
The rulers of the earth sinned sexually with her,
    and the merchants of the world grew rich from the great wealth of her luxury.”
4 Then I heard another voice from heaven say,
“Come out of that city, my people,
    so that you will not share in her sins.
    Then you will not suffer any of the terrible punishment she will get.
5 That city’s sins are piled up as high as heaven.
    God has not forgotten the wrongs she has done.
6 Give that city the same as she gave to others.
    Pay her back twice as much as she did.
Prepare wine for her that is twice as strong
    as the wine she prepared for others.
7 She gave herself much glory and rich living.
    Give her that much suffering and sadness.
She says to herself, ‘I am a queen sitting on my throne.
    I am not a widow;
    I will never be sad.’
8 So in one day she will suffer
    great hunger, mourning, and death.
She will be destroyed by fire,
    because the Lord God who judges her is powerful.
9 “The rulers of the earth who sinned sexually with her and shared her wealth will see the smoke from her burning. Then they will cry and be sad because of her death. 10 The rulers will be afraid of her suffering and stand far away. They will say,
‘Terrible! How terrible, O great city,
    O powerful city of Babylon!
Your punishment came in one hour!’
11 “And the merchants of the earth will cry and be sad for her. They will be sad because now there is no one to buy the things they sell— 12 gold, silver, jewels, pearls, fine linen cloth, purple cloth, silk, and scarlet cloth, all kinds of citron wood, and all kinds of things made from ivory, expensive wood, bronze, iron, and marble. 13 They also sell cinnamon, spice, incense, frankincense, myrrh, wine, olive oil, fine flour, wheat, cattle, sheep, horses, carriages, and slaves—yes, even human lives. The merchants will cry and say,
14 ‘O Babylon, the good things you wanted have left you.
All your rich and fancy things have disappeared.
    You will never have them again.’
15 “The merchants will be afraid of her suffering and will stand far away from her. They are the ones who became rich from selling those things to her. They will cry and be sad. 16 They will say,
‘Terrible! How terrible for the great city!
    She was dressed in fine linen;
    she wore purple and scarlet cloth.
    She was shining with gold, jewels, and pearls!
17 All these riches have been destroyed in one hour!’
“Every sea captain, all those who travel on ships, the sailors, and all those who earn money from the sea stood far away from Babylon. 18 They saw the smoke from her burning. They cried out, ‘There was never a city like this great city!’ 19 They threw dust on their heads and cried loudly to show the deep sorrow they felt. They said,
‘Terrible! How terrible for the great city!
    All those who had ships on the sea became rich because of her wealth!
    But she has been destroyed in one hour!
20 Be happy because of this, O heaven!
    Be happy, God’s holy people and apostles and prophets!
God has punished her because of what she did to you.’”
21 Then a powerful angel picked up a large rock. This rock was as big as a large millstone. The angel threw the rock into the sea and said,
“That is how the great city of Babylon will be thrown down.
    It will never be found again.
22 O Babylon, the music of people playing harps and other instruments, flutes and trumpets
    will never be heard in you again.
No worker doing any job
    will ever be found in you again.
The sound of a millstone
    will never be heard in you again.
23 The light of a lamp
    will never shine in you again.
The voices of a bridegroom and bride
    will never be heard in you again.
Your merchants were the world’s great people.
    All the nations were tricked by your magic.
24 You are guilty of the death of the prophets, of God’s holy people,
    and of all those who have been killed on earth.”
Pahayag 18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagbagsak ng Babilonia
18 Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. 2 Sumigaw (A) siya nang napakalakas,
“Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonia!
    Tirahan na ito ng mga demonyo,
kulungan ng bawat maruming espiritu,
    kulungan ng bawat maruming ibon,
    at kulungan ng bawat marumi't nakapandidiring hayop.
3 Sapagkat (B) lahat ng bansa ay uminom
    ng alak ng kanyang kahalayan,
at sa kanya'y nakiapid ang mga hari ng daigdig,
    at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan,
    ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.”
4 Pagkatapos, (C) mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi,
“Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko,
    upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan,
at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay;
5 sapagkat (D) abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan,
    at binalingan ng Diyos ang kanyang mga kasamaan.
6 Ibalik (E) ninyo sa kanya kung ano'ng ibinigay niya,
    at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa;
    sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble.
7 Gaya (F) ng pagpaparangal niya sa kanyang sarili at kaluhuan,
    ganoon din karaming pahirap at pighati ang ibigay ninyo sa kanya.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Nakaupo akong isang reyna,
hindi ako isang balo,
    at kailanma'y hindi ko malalasap ang dalamhati.’
8 Dahil dito ay darating ang mga salot sa kanya sa loob ng isang araw—
    kamatayan, pagluluksa, taggutom—
at siya'y susunugin sa apoy;
    sapagkat ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya ay makapangyarihan.”
9 At (G) ang mga hari ng daigdig na nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kaluhuan kasama niya ay tatangisan at pagluluksaan siya kapag nakita na nila ang usok ng pagsunog sa kanya. 10 Tatayo sila sa malayo dahil sa takot sa kanyang paghihirap at sasabihing,
“Kakila-kilabot ang sinapit mo, dakilang lungsod,
    makapangyarihang lungsod ng Babilonia!
Sapagkat sa loob ng isang oras, naigawad ang parusa sa iyo.”
11 At (H) ang mga mangangalakal ng daigdig ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bumibili ng kanilang paninda— 12 panindang (I) ginto, pilak, mamahaling bato at perlas, pinong lino; granate, sutla at pulang tela; lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kasangkapang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 sinamon, pampalasa, kamanyang, mira at insenso, alak, langis, magandang uri ng harina at trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga katawan, samakatuwid ay mga kaluluwa ng tao.
14 “Ang mga bungang ninasa ng kaluluwa mo'y
    wala na sa iyo,
at lahat ng mga marangya at maringal na bagay
    ay naglaho sa iyo,
    at kailanma'y hindi na matatagpuan ang mga ito!”
15 Ang (J) mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa paghihirap niya, na sila'y nagluluksa, malakas na tumatangis, 16 na nagsasabi,
Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    siya na nakasuot ng pinong lino at kulay ube at pulang damit,
    at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!
17 Sapagkat (K) ang lahat ng yamang iyon ay naglaho sa loob ng isang oras!”
At lahat ng kapitan ng barko at mga naglalayag, ang mga mandaragat at lahat ng mangangalakal sa dagat ay tumayo sa malayo. 18 Sumigaw (L) (M) sila habang pinagmamasdan ang usok ng kanyang pagkasunog na nagsasabi,
“Saan mo ihahambing ang tanyag na lungsod?”
19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo habang tumatangis at nagluluksa na sumisigaw,
“Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    na nagpayaman sa lahat ng may barko sa dagat, mula sa kanyang kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.
20 O (N) langit, magalak ka dahil sa kanya,
    kayong mga banal at mga apostol at mga propeta!
Sapagkat alang-alang sa inyo ay iginawad ng Diyos ang parusang hatol sa kanya.”
21 Pagkatapos, (O) isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel,
“Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonia,
    at hindi na siya muling makikita;
22 at (P) (Q) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
    kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
    kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
    kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
    at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.
24 Sa (R) kanya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
    at lahat ng mga pinaslang sa ibabaw ng lupa.”
Copyright © 2006 by Bible League International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
