Add parallel Print Page Options

The Beast From the Sea

13 Then I saw a beast coming up out of the sea. It had ten horns and seven heads. There was a crown on each of its horns. It had an evil name written on each head. This beast looked like a leopard, with feet like a bear’s feet. It had a mouth like a lion’s mouth. The dragon gave the beast all of its power and its throne and great authority.

One of the heads of the beast looked as if it had been wounded and killed, but the death wound was healed. All the people in the world were amazed, and they all followed the beast. People worshiped the dragon because it had given its power to the beast, and they also worshiped the beast. They asked, “Who is as powerful as the beast? Who can make war against it?”

The beast was allowed to boast and speak insults against God. It was allowed to use its power for 42 months. The beast opened its mouth to insult God—to insult his name, the place where he lives, and all those who live in heaven. It was given power to make war against God’s holy people and to defeat them. It was given power over every tribe, race of people, language, and nation. Everyone living on earth would worship the beast. These are all the people since the beginning of the world whose names are not written in the Lamb’s book of life. The Lamb is the one who was killed.

Anyone who hears these things should listen to this:

10 Whoever is to be a prisoner,
    will be a prisoner.
Whoever is to be killed with a sword,
    will be killed with a sword.

This means that God’s holy people must have patience and faith.

The Beast From the Earth

11 Then I saw another beast coming up out of the earth. He had two horns like a lamb, but he talked like a dragon. 12 This beast stood before the first beast and used the same power the first beast had. He used this power to make everyone living on the earth worship the first beast. The first beast was the one that had the death wound that was healed. 13 The second beast did great miracles.[a] He even made fire come down from heaven to earth while people were watching.

14 This second beast fooled the people living on earth by using the miracles that he had been given the power to do for the first beast. He ordered people to make an idol to honor the first beast, the one that was wounded by the sword but did not die. 15 The second beast was given power to give life to the idol of the first beast. Then the idol could speak and order all those who did not worship it to be killed. 16 The second beast also forced all people, small and great, rich and poor, free and slave, to have a mark put on their right hand or on their forehead. 17 No one could buy or sell without this mark. (This mark is the name of the beast or the number of its name.)

18 Anyone who has understanding can find the meaning of the beast’s number. This requires wisdom. This number is the number of a man. It is 666.

Footnotes

  1. Revelation 13:13 miracles False miracles—amazing acts done by the power of the devil.

Ang Dalawang Halimaw

13 At (A) nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo; at sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa mga ulo nito ay may mga pangalang mapaglapastangan. Tulad (B) ng isang leopardo ang halimaw na nakita ko, ang mga paa nito ay tulad ng sa oso, at ang bibig ay parang sa leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan, ang trono, at ang kanyang malawak na pamamahala. Ang isa sa mga ulo nito ay may malubhang sugat na maaari nitong ikamatay, subalit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig at sumunod sa halimaw. Sinamba nila ang dragon dahil ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw, at sino ang may kakayahang lumaban sa kanya?”

Binigyan (C) ng halimaw ang isang bibig na nagsasalita ng mga kapalaluan at mga kalapastanganan, at pinahintulutan nitong mamahala sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. Sinimulan niyang lapastanganin ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, at ang tahanan ng Diyos, at ang mga naninirahan doon. Pinahintulutan (D) din itong makipaglaban sa mga banal at daigin sila. Binigyan siya ng kapangyarihan sa bawat lipi, bayan, wika, at bansa. Lahat (E) ng naninirahan sa ibabaw ng lupa ay sasamba sa kanya, bawat isang ang pangalan ay hindi nakasulat sa balumbon ng buhay ng Kordero na pinatay mula pa nang likhain ang sanlibutan.[a]

Makinig ang may pandinig:

10 (F) Sinumang matakdang mabihag,
    sadyang mabibihag;
sinumang matakdang mamatay sa tabak,
    sadyang mamamatay sa tabak.

Ito ay panawagan para sa pagtitiis at katapatan ng mga banal.

11 At pagkatapos isa pang halimaw ang nakita kong umaahon mula sa lupa. Mayroon itong dalawang sungay tulad ng sa kordero ngunit nagsasalita itong parang dragon. 12 Ginagamit nito ang lahat ng kapangyarihan ng halimaw na nauna sa kanya, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang halimaw, siya na may malubhang sugat na gumaling. 13 Gumagawa ito ng mga kamangha-manghang tanda, ginagawa nitong magpababa ng apoy sa lupa mula sa langit sa paningin ng mga tao. 14 Sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulot na gawin niya sa harapan ng unang halimaw, nililinlang niya ang mga nakatira sa lupa, sinasabihan silang gumawa ng isang larawan ng halimaw na nasugatan ng tabak subalit nabuhay. 15 Pinayagan itong magbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ay makapagsalita at maipapatay ang mga ayaw sumamba sa larawan nito. 16 Pinatatakan nito ang kanang kamay o noo ng lahat—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at mga alipin, 17 upang walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito. 18 Nangangailangan ito ng karunungan: sinumang may pang-unawa ay unawain ang bilang ng halimaw, sapagkat ito ay bilang ng isang tao. Ang bilang niya ay 666.

Footnotes

  1. Pahayag 13:8 o bawat isa na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero mula pa nang itatag ang sanlibutan.