Add parallel Print Page Options

Ang (A)Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng (B)Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam (C)sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;

Na sumaksi (D)sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.

Mapalad (E)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (F)ang panaho'y malapit na.

Si Juan sa (G)pitong iglesia na nasa Asia: (H)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (I)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (J)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;

At mula kay Jesucristo na siyang (K)saksing tapat, (L)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (M)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (N)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

At ginawa (O)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.

Narito, (P)siya'y pumaparitong (Q)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (R)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.

Ako ang Alpha (S)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (T)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (U)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.

10 Ako'y (V)nasa Espiritu (W)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (X)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (Y)pitong iglesia: sa (Z)Efeso, at sa (AA)Smirna, at sa (AB)Pergamo, at sa (AC)Tiatira, at sa (AD)Sardis, at sa (AE)Filadelfia, at sa (AF)Laodicea.

12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (AG)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (AH)isang katulad ng isang anak ng tao, (AI)na may suot na (AJ)damit hanggang sa paa, at (AK)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang (AL)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (AM)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (AN)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (AO)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

17 At (AP)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (AQ)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (AR)ako'y ang una at ang huli,

18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (AS)nasa akin ang mga susi ng (AT)kamatayan at ng Hades.

19 Isulat mo nga (AU)ang mga bagay na nakita mo, (AV)at ang mga bagay ngayon, (AW)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;

20 Ang hiwaga (AX)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AY)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Sa (AZ)anghel ng iglesia sa (BA)Efeso ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (BB)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (BC)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (BD)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (BE)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (BF)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (BG)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (BH)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (BI)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (BJ)Paraiso ng Dios.

At (BK)sa anghel ng iglesia sa (BL)Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (BM)na namatay, at muling nabuhay:

Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (BN)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (BO)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (BP)kundi isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (BQ)magkakaroon kayo ng kapighatiang (BR)sangpung araw. (BS)Magtapat (BT)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (BU)ng putong ng buhay.

11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (BV)ng ikalawang kamatayan.

12 At (BW)sa anghel ng iglesia sa (BX)Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi (BY)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni (BZ)Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, (CA)upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at (CB)makiapid.

15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng (CC)mga Nicolaita.

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (CD)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (CE)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At (CF)sa anghel ng iglesia sa (CG)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (CH)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa't (CI)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (CJ)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang (CK)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (CL)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (CM)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (CN)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (CO)ako'y pumariyan.

26 (CP)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (CQ)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (CR)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya'y ibibigay ko (CS)ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

At sa anghel ng iglesia sa (CT)Sardis ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (CU)may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, (CV)at ikaw ay patay.

Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.

Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat (CW)ay paririyan akong (CX)gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

Nguni't mayroon kang (CY)ilang pangalan sa Sardis na hindi (CZ)nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad (DA)na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.

(DB)Ang magtagumpay (DC)ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko (DD)papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan (DE)sa aklat ng buhay, at (DF)ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at (DG)sa harapan ng kaniyang mga anghel.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

At (DH)sa anghel ng iglesia sa (DI)Filadelfia ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong (DJ)totoo, (DK)niyaong may susi ni David, (DL)niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.

Narito, ibinibigay ko (DM)sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y (DN)aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

10 Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

11 (DO)Ako'y dumarating na madali: (DP)panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang (DQ)iyong putong.

12 (DR)Ang magtagumpay, ay gagawin kong (DS)haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya (DT)ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang (DU)bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang (DV)aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

14 At sa anghel ng iglesia sa (DW)Laodicea ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (DX)Siya (DY)Nawa, ng saksing tapat at totoo, (DZ)ng pasimula ng paglalang ng Dios:

15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.

16 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.

17 Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:

18 Ipinapayo ko sa iyo (EA)na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng (EB)mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

19 Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway (EC)at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at (ED)magsisi.

20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at (EE)tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, (EF)ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

21 Ang magtagumpay, (EG)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (EH)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

22 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at (EI)ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, (EJ)at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.

Pagdaka'y napasa Espiritu (EK)ako: at narito, (EL)may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;

At ang nakaupo ay katulad ng isang batong (EM)jaspe at isang (EN)sardio: (EO)at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.

At sa palibot ng luklukan ay (EP)may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang (EQ)dalawangpu't apat na matatanda, na (ER)nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.

At mula sa luklukan ay may lumalabas na (ES)kidlat, at mga tinig at mga kulog. (ET)At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na (EU)siyang pitong Espiritu ng Dios;

At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang (EV)dagat na bubog na katulad ng salamin; (EW)at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

At (EX)ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.

At ang apat na nilalang na buhay, na may (EY)anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi,

(EZ)Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, (FA)na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.

At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,

10 Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi,

11 (FB)Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't (FC)nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.

19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi,

Aleluya; (B)Kaligtasan, at (C)kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
Sapagka't tunay at matuwid ang (D)kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya (E)ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at (F)iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (G)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (H)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (I)Siya nawa; Aleluya.

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,

(J)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

At narinig ko ang (K)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (L)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (M)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (N)kaniyang asawa ay nahahanda na.
At (O)sa kaniya'y ipinagkaloob na (P)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, (Q)Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, (R)Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.

10 At (S)ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, (T)Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid (U)na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't (V)ang patotoo ni Jesus ay siyang (W)espiritu ng hula.

11 At nakita kong bukas ang (X)langit; at narito, ang isang (Y)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (Z)Tapat at (AA)Totoo; (AB)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

12 At ang (AC)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (AD)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (AE)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

13 At siya'y nararamtan (AF)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (AG)Ang Verbo ng Dios.

14 At ang mga hukbong (AH)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (AI)linong maputi at dalisay.

15 At (AJ)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (AK)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (AL)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (AM) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, (AN)Halikayo at mangagkatipon (AO)sa dakilang hapunan ng Dios;

18 Upang kayo'y (AP)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (AQ)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.

19 At nakita ko (AR)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (AS)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

20 At sinunggaban ang hayop, (AT)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (AU)sa harapan nito, na siyang (AV)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (AW)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (AX)niyaong nakasakay sa kabayo, at (AY)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

20 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, (AZ)na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.

At sinunggaban niya (BA)ang dragon, (BB)ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,

At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at (BC)tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.

At nakakita ako ng mga (BD)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (BE)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (BF)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (BG)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (BH)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (BI)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito (BJ)ang unang pagkabuhay na maguli.

Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan (BK)ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging (BL)mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan (BM)sa kaniyang bilangguan,

At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, (BN)sa Gog at sa Magog, (BO)upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.

At (BP)nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at (BQ)ang bayang iniibig: at bumaba ang (BR)apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.

10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, (BS)na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

11 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, (BT)ang lupa at ang langit ay tumakas; at (BU)walang nasumpungang kalalagyan nila.

12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan (BV)ang mga aklat: (BW)at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, (BX)ayon sa kanilang mga gawa.

13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; (BY)at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.

14 At (BZ)ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito (CA)ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

21 At nakita ko ang isang bagong langit (CB)at ang isang bagong lupa: sapagka't (CC)ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

At nakita (CD)ko (CE)ang bayang banal, ang bagong (CF)Jerusalem, (CG)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (CH)gaya ng isang babaing kasintahan na (CI)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (CJ)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (CK)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

At papahirin niya ang bawa't luha (CL)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (CM)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (CN)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

(CO)At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, (CP)Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: (CQ)sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.

At sinabi niya sa akin, Nagawa na. (CR)Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. (CS)Ang nauuhaw ay aking (CT)paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.

(CU)Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at (CV)ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.

Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga (CW)mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay (CX)sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na (CY)siyang ikalawang kamatayan.

At dumating ang (CZ)isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo (DA)ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.

10 (DB)At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,

11 (DC)Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng (DD)batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:

12 Na may isang malaki at mataas na kuta; na may (DE)labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:

13 Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.

14 At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at (DF)sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.

15 At ang nakikipagusap sa akin ay (DG)may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.

16 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.

17 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.

18 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.

19 Ang mga pinagsasaligan ng kuta (DH)ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;

20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.

21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; (DI)at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.

22 At hindi ako nakakita ng templo doon: (DJ)sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.

23 At ang bayan ay (DK)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.

24 At (DL)ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga (DM)hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.

25 At (DN)ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon (DO)doon ng gabi):

26 At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:

27 At (DP)hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat (DQ)sa aklat ng buhay ng Cordero.

22 At ipinakita niya sa akin ang (DR)isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,

Sa gitna ng (DS)lansangang yaon. (DT)At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon (DU)ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.

At (DV)hindi na magkakaroon pa ng sumpa: (DW)at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;

At makikita nila ang (DX)kaniyang mukha; at ang (DY)kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.

(DZ)At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila (EA)ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.

At sinabi niya sa akin, (EB)Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay (EC)nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.

(ED)At narito, ako'y madaling pumaparito. (EE)Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.

At akong si (EF)Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, (EG)ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.

At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.

10 At sinasabi niya sa akin, (EH)Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; (EI)sapagka't malapit na ang panahon.

11 Ang liko, ay (EJ)magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.

12 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang (EK)aking ganting-pala ay nasa akin, (EL)upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.

13 (EM)Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.

14 Mapapalad (EN)ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa (EO)punong kahoy ng buhay, (EP)at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.

15 Nangahas labas (EQ)ang mga aso, at ang mga (ER)manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.

16 Akong si Jesus ay nagsugo ng (ES)aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. (ET)Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na (EU)tala sa umaga.

17 At ang Espiritu at ang (EV)kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. (EW)At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.

18 Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios (EX)ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:

19 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng (EY)Dios ang kaniyang bahagi (EZ)sa punong kahoy ng buhay, at (FA)sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.

20 Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, (FB)Oo: ako'y madaling pumaparito. (FC)Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus.

21 Ang biyaya ng Panginoong (FD)Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.