Pahayag 9:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Kaya sa loob ng limang buwan, mas gugustuhin pa ng mga tao na mamatay, ngunit hindi ito mangyayari kahit gustuhin man nila.
7 Ang mga balang ay parang mga kabayong nakahanda sa digmaan. May nakapatong sa mga ulo nila na parang koronang ginto. Ang mga mukha nila ay parang mukha ng tao. 8 Mahaba ang buhok nila tulad ng sa mga babae, at ang ngipin nila ay parang ngipin ng leon.
Read full chapter
Pahayag 9:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Sa (A) mga araw na iyon, nanaisin ng mga tao ang mamatay, subalit hinding-hindi ito mangyayari sa kanila. Maghahangad silang mamatay, ngunit lalayuan sila ng kamatayan.
7 (B) Tulad ng mga kabayong inihanda para sa labanan ang anyo ng mga balang. May tila mga koronang ginto sa kanilang mga ulo; ang mukha naman nila ay parang sa mga tao. 8 (C) Ang buhok nila ay tulad ng sa mga babae, at ang kanilang ngipin ay tulad ng sa leon.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.