Add parallel Print Page Options

Mula (A) sa trono ay lumabas ang isang tinig,

“Purihin ninyo ang ating Diyos,
    kayong lahat na mga lingkod niya,
kayong mga natatakot sa kanya,
    mga hamak man o dakila.”

At (B) narinig ko ang parang tinig ng napakaraming tao, tulad ng lagaslas ng maraming tubig at tulad ng malalakas na dagundong ng kulog, na nagsasabi,

“Aleluia!
Sapagkat ang Panginoon nating Diyos
    na Makapangyarihan sa lahat ay naghahari.
Magalak tayo at magdiwang,
    luwalhatiin natin siya,
sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero,
    at inihanda ng kanyang kasintahan ang kanyang sarili.

Read full chapter