Add parallel Print Page Options

At (A) itinaas ng anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay sa langit. Sumumpa siya sa kanya na nabubuhay magpakailanman, sa kanya na lumikha ng langit at ng lahat ng naroroon, ng lupa at lahat ng naroroon, at ng dagat at lahat ng naroroon: “Hindi na patatagalin pa, ngunit sa mga araw na hihipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, magaganap ang hiwaga ng Diyos ayon sa inihayag niya sa kanyang mga lingkod na propeta.”

Read full chapter