Add parallel Print Page Options

12 Ang Efraim ay nanginginain sa hangin,
at humahabol sa hanging silangan sa buong araw;
sila'y nagpaparami ng mga kabulaanan at karahasan;
    sila'y nakikipagkasundo sa Asiria,
    at nagdadala ng langis sa Ehipto.
Ang Panginoon ay may paratang laban sa Juda,
    at parurusahan ang Jacob ayon sa kanyang mga lakad;
    at pagbabayarin siya ayon sa kanyang mga gawa.
Sa(A) (B) sinapupunan ay kanyang hinawakan sa sakong ang kanyang kapatid;
    at sa kanyang pagkabinata ay nakipagbuno siya sa Diyos.
Siya'y(C) nakipagbuno sa anghel, at nanaig;
    siya'y tumangis, at humiling ng pagpapala niya.
Nakatagpo niya siya sa Bethel,
    at doo'y nakipag-usap siya sa kanya.[a]
Ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo;
     Panginoon ang kanyang pangalan!
Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Diyos,
    mag-ingat ng kabutihang-loob at katarungan,
    at hintayin mong lagi ang iyong Diyos.

Isang mangangalakal na may timbangang madaya sa kanyang mga kamay,
    maibigin siya sa pang-aapi.
At sinabi ng Efraim, “Tunay na ako'y mayaman,
    ako'y nagkamal ng kayamanan para sa aking sarili;
sa lahat ng aking pakinabang
    walang natagpuang paglabag sa akin
    na masasabing kasalanan.”
Ngunit(D) ako ang Panginoon mong Diyos
    mula sa lupain ng Ehipto;
muli kitang patitirahin sa mga tolda,
    gaya sa mga araw ng takdang kapistahan.

10 Ako ay nagsalita sa mga propeta,
    at ako ang nagparami ng mga pangitain;
    at sa pamamagitan ng mga propeta ay nagbigay ako ng mga talinghaga.
11 Sa Gilead ba'y may kasamaan?
    Sila'y pawang walang kabuluhan.
Sa Gilgal ay naghahandog sila ng mga toro;
    ang kanilang mga dambana ay parang mga bunton
    sa mga lupang binungkal sa bukid.
12 Si(E) Jacob ay tumakas patungo sa lupain ng Aram,
    at doon ay naglingkod si Israel dahil sa isang asawa,
at dahil sa isang asawa ay nag-alaga siya ng mga tupa.
13 Sa(F) pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ng Panginoon ang Israel mula sa Ehipto,
    at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y napangalagaan.
14 Ang Efraim ay nagbigay ng mapait na galit,
    kaya't ibababa ng kanyang Panginoon ang mga kasamaan niya sa kanya
    at pagbabayarin siya sa kanyang mga panlalait.

Footnotes

  1. Hoseas 12:4 Sa Hebreo ay atin .

12 Ang Ephraim ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay kaniyang alaala.

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

At sinabi ng Ephraim, Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12 At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13 At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

'Hosea 12 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.