Add parallel Print Page Options

24 Naiwang(A) nag-iisa si Jacob at nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa magbukang-liwayway.

25 Nang makita ng lalaki na hindi siya manalo laban kay Jacob,[a] hinawakan niya ang kasu-kasuan ng hita ni Jacob, at ang kasu-kasuan ni Jacob ay nalinsad samantalang nakikipagbuno sa kanya.

26 Sinabi niya, “Bitawan mo ako, sapagkat nagbubukang-liwayway na.” At sinabi ni Jacob,[b] “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 32:25 Sa Hebreo ay sa kanya .
  2. Genesis 32:26 Sa Hebreo ay niya .