Mga Hebreo 9
Ang Biblia, 2001
Ang Panlupa at ang Panlangit na mga Santuwaryo
9 Ngayon, maging ang unang tipan ay nagkaroon ng mga alituntunin sa pagsamba at ng isang panlupang santuwaryo.
2 Sapagkat(A) inihanda ang unang tabernakulo na kinaroroonan ng ilawan, dulang, at ng mga tinapay na handog; ito ay tinatawag na Dakong Banal.
3 Sa(B) likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanal-banalan.
4 Dito(C) ay nakatayo ang isang gintong dambana ng insenso at ang kaban ng tipan na ang paligid ay nababalutan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na kinalalagyan ng manna at ng tungkod ni Aaron na namulaklak, at ang mga tapyas na bato ng tipan.
5 Sa(D) ibabaw nito ay ang mga kerubin ng kaluwalhatian na lumililim sa trono ng awa. Ang mga bagay na ito ay hindi namin masasabi ngayon ng isa-isa.
6 Pagkatapos(E) magawa ang ganitong pagkahanda, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang tabernakulo upang gawin ang kanilang katungkulan sa paglilingkod;
7 subalit(F) sa ikalawa ay nag-iisang pumapasok ang pinakapunong pari, minsan sa isang taon, na may dalang dugo bilang handog niya para sa kanyang sarili at sa mga kasalanang nagawa nang di sinasadya ng taong-bayan.
8 Sa pamamagitan nito, itinuturo ng Espiritu Santo na hindi pa naihahayag ang daan patungo sa santuwaryo, habang nakatayo pa ang unang tabernakulo.
9 Iyon ay isang sagisag[a] ng panahong kasalukuyan, na sa panahong yaon ang mga kaloob at ang mga alay na inihahandog ay hindi makapagpapasakdal sa budhi ng sumasamba,
10 kundi tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang paghuhugas, na mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang sa ang panahon ay dumating upang maisaayos ang mga bagay.
11 Ngunit nang dumating si Cristo na Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na darating,[b] sa pamamagitan ng lalong dakila at lalong sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi sa sangnilikhang ito,
12 at hindi rin sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga toro, kundi sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo, siya ay pumasok na minsan magpakailanman sa Dakong Banal, sa gayo'y tinitiyak ang walang hanggang katubusan.
13 Sapagkat(G) kung ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, at ang abo ng dumalagang baka na iwiniwisik sa mga nadungisan ay makapagpapabanal sa ikalilinis ng laman,
14 gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa mga gawang patay upang maglingkod sa Diyos na buháy?
15 Kaya't siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang ang mga tinawag ay tumanggap ng pangako na pamanang buhay na walang hanggan. Yamang naganap ang isang kamatayan na tumutubos sa kanila mula sa mga pagsalangsang sa ilalim ng unang tipan.
16 Sapagkat kung saan mayroong tipan, ang kamatayan ng gumawa niyon ay dapat matiyak.
17 Sapagkat ang isang tipan ay pinagtitibay sa kamatayan, yamang ito'y walang bisa habang nabubuhay pa ang gumawa ng tipan.
18 Kaya't maging ang unang tipan ay hindi pinagtibay ng walang dugo.
19 Sapagkat(H) nang sabihin ni Moises ang bawat utos sa buong bayan ayon sa kautusan, kumuha siya ng dugo ng baka at ng mga kambing, na may tubig at mapulang balahibo at isopo, at winisikan niya ang aklat at gayundin ang buong bayan,
20 na sinasabi, “Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos sa inyo.”
21 Sa(I) gayunding paraan, ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapang ginagamit sa banal na pagsamba ay pinagwiwisikan niya ng dugo.
22 Sa(J) katunayan, sa ilalim ng kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang Sakripisyong Nag-aalis ng Kasalanan
23 Kaya't kailangan na ang mga sinipi mula sa mga bagay sa kalangitan ay linisin ng mga ito, ngunit ang mga bagay sa sangkalangitan ay sa pamamagitan ng higit na mabubuting handog kaysa mga ito.
24 Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa santuwaryo na ginawa ng mga kamay ng tao na mga kahalintulad lamang ng mga tunay na bagay, kundi sa mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin.
25 Hindi upang ihandog na paulit-ulit ang kanyang sarili, gaya ng pinakapunong pari na pumapasok sa Dakong Banal taun-taon na may dalang dugo na hindi mula sa kanya,
26 sapagkat kung gayon ay kailangan siyang paulit-ulit na maghirap mula pa nang lalangin ang sanlibutan. Subalit ngayon, minsanan siyang nahayag sa katapusan ng panahon para sa pag-aalis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili.
27 At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom,
28 ay(K) gayundin naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya.
Footnotes
- Mga Hebreo 9:9 Sa Griyego ay talinghaga .
- Mga Hebreo 9:11 Sa ibang mga kasulatan ay dumating .
Hebreerbrevet 9
Svenska Folkbibeln 2015
Det gamla förbundets gudstjänst
9 Det första förbundet hade sina regler för gudstjänsten och sin jordiska helgedom. 2 (A) Ett tabernakel inreddes med ett första rum som kallades det heliga. Där stod ljusstaken och bordet med skådebröden. 3 (B) Bakom det andra förhänget fanns ett rum som kallades det allra heligaste. 4 (C) Dit hörde det förgyllda rökelsealtaret[a] och förbundsarken, som var helt överdragen med guld. I den fanns[b] en guldkruka med mannat, Arons stav som hade grönskat samt förbundets tavlor. 5 Ovanpå arken stod härlighetens keruber[c] som överskuggade nådastolen[d]. Men detta ska jag nu inte gå in på i detalj.
6 (D) Så var det ordnat. I det första rummet går prästerna ständigt in och förrättar sin tjänst. 7 (E) I det andra rummet är det bara översteprästen som går in, en gång om året, och då aldrig utan blod som han bär fram för sina och folkets oavsiktliga synder. 8 (F) Därigenom visar den helige Ande att vägen in i det allra heligaste ännu inte är uppenbarad så länge det första rummet består. 9 (G) Detta är en bild av den tid som nu är: gåvor och offer frambärs, men de kan inte helt rena samvetet hos den som offrar. 10 (H) Liksom med reglerna om mat och dryck och olika reningar handlar det bara om yttre regler fram till tiden för en bättre ordning.
Kristus som överstepräst
11 (I) Men nu har Kristus kommit som överstepräst för det goda som skulle komma[e]. Genom det större och fullkomligare tabernaklet, som inte är gjort av människohand och alltså inte tillhör den här skapelsen, 12 (J) gick han in i det allra heligaste en gång för alla, inte med bockars och kalvars blod utan med sitt eget blod, och vann en evig återlösning. 13 (K) Om nu redan blodet av bockar och tjurar och askan från en kviga kan stänkas på de orena och helga till yttre renhet, 14 (L) hur mycket mer ska då inte Kristi blod rena våra samveten från döda gärningar till att tjäna den levande Guden? Han har genom den evige Ande framburit sig själv som ett felfritt offer åt Gud.
15 (M) Därför är Kristus medlare för ett nytt förbund, för att de som är kallade ska få det utlovade eviga arvet, när han nu med sin död har friköpt oss från överträdelserna under det förra förbundet. 16 (N) Där det finns ett testamente[f] måste man visa att den som har upprättat det är död. 17 Först vid hans död blir testamentet giltigt, för det träder inte i kraft så länge han lever.
18 Därför instiftades inte heller det första förbundet utan blod. 19 (O) När Mose hade förkunnat lagens alla bud för hela folket, tog han blodet av kalvar och bockar tillsammans med vatten, scharlakansröd ull och isop och stänkte det både på själva bokrullen och på allt folket. 20 (P) Han sade: Detta är blodet för det förbund som Gud har befallt er att hålla.[g] 21 (Q) På samma sätt stänkte han blod på tabernaklet och alla gudstjänstföremålen. 22 (R) Så renas enligt lagen nästan allting med blod, och utan att blod utgjuts ges ingen förlåtelse.
23 Alltså måste avbilderna av det som finns i himlen renas med dessa medel, men de himmelska tingen själva renas med bättre offer än så. 24 (S) Kristus gick inte in i en helgedom som är gjord av människohand och som bara är en bild av den verkliga helgedomen. Han gick in i själva himlen för att nu träda fram inför Guds ansikte för vår skull.
25 (T) Inte heller skulle han offra sig flera gånger, så som översteprästen varje år går in i det allra heligaste med blod som inte är hans eget. 26 (U) I så fall hade han varit tvungen att lida många gånger sedan världens skapelse. Men nu har han trätt fram en gång för alla vid tidernas slut för att genom sitt offer utplåna synden. 27 (V) Och liksom människan måste dö en gång och sedan dömas, 28 (W) så blev Kristus offrad en gång för att bära mångas[h] synder. Och han ska träda fram en andra gång, inte för att bära synd utan för att frälsa dem som väntar på honom.
Footnotes
- 9:4 Dit hörde det förgyllda rökelsealtaret Rökelsealtaret var högheligt (2 Mos 30:10) och hörde till det allra heligaste (1 Kung 6:22) och den stora försoningsdagen (3 Mos 16:12f). Till skillnad från förbundsarken användes det dock i den dagliga tempeltjänsten (2 Mos 30:7f), och det stod därför strax utanför förhänget till det allra heligaste, mitt framför arkens nådastol (2 Mos 30:6, 40:5).
- 9:4 I den fanns Under ökenvandringen bars krukan med mannat (2 Mos 16:33) och Arons stav (4 Mos 17:8) i förbundsarken. Längre fram, under templets tid, låg endast lagens tavlor i arken (1 Kung 8:9).
- 9:5 keruber Här avbilder av änglaväsen, se 2 Mos 25:18f, 1 Kung 6:23f och även 1 Mos 3:24.
- 9:5 nådastolen Förbundsarkens gyllene lock där offerblodet gav försoning (2 Mos 25:17f, 3 Mos 16:14f). Ordagrant: “soningsstället".
- 9:11 skulle komma Andra handskrifter: “ska komma".
- 9:15f förbund … testamente På grekiska samma ord (diathéke).
- 9:20 2 Mos 24:8.
- 9:28 mångas Anspelning på Jes 53:12, i betydelsen “alla människors" (jfr även Matt 20:28).
Mga Hebreo 9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Panlupa at ang Panlangit na mga Santuwaryo
9 Ngayon, maging ang unang tipan ay mayroong mga alituntunin sa pagsamba at banal na dako para sa pagsamba dito sa lupa. 2 Itinayo (A) ang tabernakulo na may dalawang bahagi. Sa unang bahagi ay naroroon ang ilawan, ang hapag, at ang mga tinapay na handog; tinatawag ito na Dakong Banal. 3 Sa (B) kabila ng ikalawang tabing ay ang silid na tinatawag na Dakong Kabanal-banalan. 4 Nasa (C) silid na ito ang gintong dambana ng insenso at ang Kaban ng Tipan na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kaban ang sisidlang-ginto na may lamang manna, ang namulaklak na tungkod ni Aaron, at ang mga tapyas ng bato na kinasusulatan ng tipan. 5 Naroon sa (D) ibabaw ng kaban ang mga maluwalhating kerubin. Ang mga pakpak nila ay lumililim sa luklukan ng habag. Hindi na natin mapag-uusapan ang mga ito ng isa-isa. 6 Pagkatapos (E) maihanda ang lahat tulad nito, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang banal na tungkulin. 7 Ngunit (F) ang Kataas-taasang Pari lamang ang pumapasok sa ikalawang silid, at ito'y minsan lamang sa isang taon. Hindi niya kinaliligtaang magdala ng dugo bilang handog para sa kanyang kasalanan at sa mga kasalanang di-sinasadyang nagawa ng taong-bayan. 8 Sa pamamagitan nito, itinuturo ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa Dakong Kabanal-banalan ay hindi pa naihahayag, habang nakatayo pa ang unang tabernakulo. 9 Sumasagisag ito sa kasalukuyang panahon, na nagpapakita na ang mga kaloob at ang mga alay na ihinahandog ay hindi makapaglilinis sa budhi ng sumasamba. 10 Ang mga ito ay tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang uri ng seremonya ng paglilinis,[a] mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay.
11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito. 12 Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, hindi dugo ng mga kambing at ng mga toro ang kanyang ihinandog, kundi ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan. 13 Sapagkat (G) kung nakapaglilinis ng pagkatao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, kasama ang abo ng dumalagang baka, kung ang mga ito ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila’y gawing malinis, 14 higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili sa Diyos, upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa Diyos na buháy.
15 At dahil dito, si Cristo ang tagapamagitan ng isang bagong tipan. Dahil sa kanyang kamatayan na tumutubos sa mga tao mula sa mga paglabag na nagawa nila noong sila'y nasa ilalim pa ng unang tipan, ang mga tinawag ay tatanggap ng ipinangakong pamanang walang hanggan. 16 Kapag mayroong kasulatan ng tipan, kailangang patunayan na patay na ang gumawa nito. 17 Nagkakabisa lamang ang tipan kapag ang gumawa nito ay namatay na.Wala itong bisa habang buháy pa ang tao na gumawa nito. 18 Maging ang unang tipan ay hindi pinagtibay nang walang dugo. 19 Sapagkat (H) pagkatapos sabihin ni Moises sa buong bayan ang lahat ng sinasabi ng Kautusan na dapat nilang gawin, kumuha siya ng dugo ng baka at ng mga kambing, na may tubig at gamit ang mapulang balahibo at isopo ay winisikan niya ang aklat at ang buong bayan. 20 Kasabay nito ay kanyang sinabi, “Ito ang dugo ng tipan na ipinag-utos ng Diyos sa inyo.” 21 Sa gayon ding paraan, winisikan (I) din ni Moises ng dugo ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapang ginagamit sa pagsamba. 22 Sa (J) katunayan, itinatakda ng Kautusan na halos lahat ng bagay ay dapat linisin sa pamamagitan ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang Alay na Nag-aalis ng Kasalanan
23 Kaya't kailangan na ang mga larawan ng mga bagay na panlangit ay linisin sa pamamagitan ng ganitong mga alay. Ngunit ang mga bagay sa kalangitan ay dapat linisin sa pamamagitan ng mga handog na mas mabuti kaysa mga ito. 24 Sapagkat si Cristo ay mismong sa langit pumasok at hindi sa santuwaryong gawa ng mga kamay ng tao, na larawan lamang ng mga tunay na bagay. Ngayo'y nasa harap siya ng Diyos upang dumulog para sa atin. 25 Naroon siya hindi upang ihandog ng maraming ulit ang kanyang sarili, hindi tulad ng Kataas-taasang Pari ng mga Judio na pumapasok sa Dakong Kabanal-banalan taun-taon at may dalang dugo na hindi naman sa kanya. 26 Sapagkat kung ihahandog niya ang kanyang sarili taun-taon, kailangan siyang paulit-ulit na maghirap mula pa nang lalangin ang sanlibutan. Subalit ngayon, minsanan siyang nagpakita sa pagtatapos ng panahon upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili. 27 Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom. 28 Gayundin (K) naman, minsanang ihinandog si Cristo upang pasanin ang kasalanan ng marami. Magpapakita siya sa ikalawang pagkakataon, hindi na upang pasanin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya.
Footnotes
- Mga Hebreo 9:10 paglilinis: Sa Griyego, bautismo.
Svenska Folkbibeln 2015, Copyright © 2015 by Svenska Folkbibeln Foundation
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
