Add parallel Print Page Options

Ang Talumpati ni Esteban

Si Esteban ay tinanong ng pinakapunong pari, “Totoo ba ang lahat ng ito?”

Sumagot(A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Ang dakila at makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham nang siya'y nasa Mesopotamia pa, bago siya nanirahan sa Haran. Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.’

“Kaya't(B) umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, siya'y pinalipat ng Diyos sa lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon. Gayunman,(C) hindi pa siya binigyan dito ng Diyos ng kahit na kapirasong lupa, ngunit ipinangako sa kanya na ang lupaing ito ay magiging pag-aari niya at ng magiging lahi niya, kahit na wala pa siyang anak noon. Ganito(D) ang sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Makikitira sa ibang lupain ang iyong magiging lahi. Aalipinin sila roon at pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon, ngunit(E) paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Aalis sila roon at sasamba sa akin sa lugar na ito.’ At(F) iniutos ng Diyos kay Abraham ang pagtutuli bilang palatandaan ng kanilang kasunduan. Kaya't nang isilang si Isaac, tinuli niya ito sa ikawalong araw. Ganoon din ang ginawa ni Isaac sa anak niyang si Jacob, at ginawa naman ni Jacob sa labindalawa niyang anak na lalaki, na naging mga ninuno ng ating lahi.

“Ang(G) mga ninuno nating ito ay nainggit kay Jose, kaya't siya'y ipinagbili nila upang maging alipin sa Egipto. Ngunit kasama niya ang Diyos, 10 at(H) hinango siya ng Diyos sa lahat ng kanyang kahirapan. Pinagpala siya ng Diyos at pinagkalooban ng karunungan nang humarap siya sa Faraon, ang hari ng Egipto. Siya'y ginawa nitong gobernador ng Egipto at tagapamahala ng buong sambahayan ng hari.

11 “Nagkaroon(I) ng taggutom at matinding paghihirap sa buong Egipto at Canaan. Maging ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain. 12 Kaya't nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Egipto, pinapunta niya roon ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon. 13 Sa(J) ikalawang pagpunta nila, nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid, at nalaman naman ng Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya. 14 Dahil(K) dito'y ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob at ang buong pamilya nito, pitumpu't limang katao silang lahat. 15 Pumunta(L) nga si Jacob sa Egipto at doon siya namatay, gayundin ang ating mga ninuno. 16 Ang(M) kanilang mga labî ay dinala sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor.

17 “Nang sumapit ang panahon para tuparin ng Diyos ang kanyang pangako kay Abraham, maraming-marami(N) na ang mga Israelita sa Egipto. 18 Sa panahong iyon, hindi na kilala ng hari [ng Egipto][a] si Jose. 19 Dinaya at pinahirapan ng hari ang ating mga ninuno at sapilitan niyang ipinatapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Noon(O) ipinanganak si Moises, isang batang kinalulugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa kanilang tahanan, 21 at(P) nang siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at pinalaking parang sariling anak. 22 Tinuruan siya sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at siya'y naging dakila sa salita at sa gawa.

23 “Nang(Q) si Moises ay apatnapung taon na, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita upang tingnan ang kanilang kalagayan. 24 Nakita niyang inaapi ng isang Egipcio ang isa sa kanila, kaya't ipinagtanggol niya ito, at napatay niya ang Egipciong iyon. 25 Akala ni Moises ay mauunawaan ng kanyang mga kababayan na sila'y ililigtas ng Diyos sa pamamagitan niya. Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26 Kinabukasan, may nakita siyang dalawang Israelitang nag-aaway, at sinikap niyang sila'y pagkasunduin. Sabi niya, ‘Mga kaibigan, pareho kayong Israelita. Bakit kayo nag-aaway?’ 27 Subalit tinabig siya ng lalaking nananakit at pinagsabihan ng ganito: ‘Sino ang naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin? 28 Nais mo rin ba akong patayin gaya ng ginawa mo kahapon doon sa Egipcio?’ 29 Nang(R) marinig ito ni Moises, siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Midian. Doon ay nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki.

30 “Makalipas(S) ang apatnapung taon, samantalang si Moises ay nasa ilang na di-kalayuan sa Bundok ng Sinai, nagpakita sa kanya ang isang anghel sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy. 31 Namangha si Moises sa kanyang nakita, at nang lapitan niya ito upang tingnang mabuti, narinig niya ang tinig ng Panginoon, 32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig sa takot si Moises at hindi makatingin. 33 Sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Alisin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal ang lupang kinatatayuan mo. 34 Nakita ko ang paghihirap ng aking bayan sa Egipto; narinig ko ang kanilang daing, at bumabâ ako upang sila'y iligtas. Halika't isusugo kita sa Egipto.’

35 “Itinakwil(T) nila ang Moises na ito nang kanilang sabihin, ‘Sino ang naglagay sa iyo upang maging pinuno at hukom namin?’ Ngunit ang Moises ding iyon ang isinugo ng Diyos upang mamuno at magligtas sa kanila, sa tulong ng anghel na nagpakita sa kanya sa mababang punongkahoy. 36 Sila(U) ay inilabas niya mula sa Egipto sa pamamagitan ng mga himalang ginawa niya roon, sa Dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apatnapung taon. 37 Siya(V) rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Ang Diyos ay pipili ng isa sa inyo at gagawing propetang tulad ko.’ 38 Siya(W) ang kasama sa kapulungan ng mga Israelita sa ilang at ng anghel na nagsalita sa kanya at sa ating mga ninuno sa Bundok ng Sinai. Siya ang tumanggap ng mga salitang nagbibigay-buhay mula sa Diyos upang ibigay sa atin.

39 “Ngunit hindi siya sinunod ng ating mga ninuno. Sa halip, siya'y kanilang itinakwil, at mas gusto pa nilang magbalik sa Egipto. 40 Sinabi(X) pa nila kay Aaron, ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin, sapagkat hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyan na naglabas sa amin mula sa lupain ng Egipto.’ 41 At(Y) gumawa nga sila ng isang diyus-diyosan na may anyong guyang baka. Nag-alay sila ng handog at ipinagpista ang diyus-diyosang hinugis ng kanilang mga kamay. 42 Dahil(Z) diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta:

‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako
    ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay
    sa loob ng apatnapung taong kayo'y nasa ilang.
43 Sa halip, ang inyong dala-dala ay ang santuwaryo ni Molec,
    at ang bituin ng inyong diyos na si Refan.
Dahil ginawa ninyo ang mga rebultong ito upang sambahin,
    dadalhin ko kayong mga bihag sa kabila pa ng Babilonia.’

44 “Kasama(AA) ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya. 45 Minana(AB) ito ng kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David. 46 Kinalugdan(AC) ng Diyos si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos[b] ng Israel. 47 Ngunit(AD) si Solomon na ang nagtayo ng tahanang iyon.

48 “Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta,

49 ‘Ang(AE) langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon,
    ‘at ang lupa ang aking tuntungan.
Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin,
    o anong lugar ang pagpapahingahan ko?
50 Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng ito?’

51 “Napakatigas(AF) ng ulo ninyo! Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa mga pagano! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon. Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo. 52 Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinunod.”

Ang Pagbato kay Esteban

54 Nagngitngit sa matinding galit kay Esteban ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio nang marinig ang mga ito. 55 Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. 56 Kaya't sinabi niya, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukás ang kalangitan, at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.”

57 Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at nagsigawan. Pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod si Esteban 58 at kinaladkad siya palabas ng lungsod upang batuhin. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga balabal sa paanan ng isang binatang nagngangalang Saulo. 59 At habang binabato nila si Esteban, nanalangin siya ng ganito: “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” 60 Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!”

At pagkasabi nito, siya'y namatay.

Footnotes

  1. 18 ng Egipto: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. 46 sa Diyos: Sa ibang manuskrito'y sa mga mamamayan .

Nangaral si Esteban

Nagtanong ang Kataas-taasang Pari, “Totoo ba ang mga ito?” Sumagot (A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan po ninyo ako. Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating amang si Abraham noong siya'y nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran. Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ipapakita ko sa iyo.’ Kaya (B) umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinalipat siya ng Diyos sa lupaing inyong tinitirhan ngayon. Gayunma'y hindi (C) siya binigyan dito ng anumang pamana, kahit man lamang kapirasong lupa. Subalit ipinangako na ibibigay iyon sa kanya at sa kanyang binhing kasunod niya bagaman wala pa siyang anak noon. Ganito (D) ang sinabi ng Diyos: ‘Ang iyong binhi ay maninirahan sa ibang lupain, at sila'y aalipinin at aapihin doon nang apatnaraang taon. Ngunit (E) parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila,’ wika ng Diyos. ‘Pagkatapos ng mga ito ay lalabas sila at sasambahin nila ako sa dakong ito.’ Pagkatapos (F) ay ibinigay niya sa kanya ang tipan ng pagtutuli. At si Abraham ay naging ama ni Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at si Isaac ay naging ama ni Jacob, at si Jacob ng labindalawang patriyarka.

“Dahil sa inggit ng mga patriyarka kay Jose, siya'y kanilang ipinagbili sa Ehipto. (G) Ngunit kasama niya ang Diyos, 10 at iniligtas siya (H)sa lahat ng kanyang kapighatian. Pinagpala siya ng Diyos at binigyan ng karunungan sa harapan ng Faraon na hari ng Ehipto. Itinalaga siyang maging tagapamahala sa Ehipto at sa buong sambahayan ng Faraon. 11 Dumating (I) noon ang taggutom at matinding paghihirap sa buong Ehipto at sa Canaan, at walang matagpuang pagkain ang ating mga ninuno. 12 Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, una niyang pinapunta roon ang ating mga ninuno. 13 Sa ikalawang pagpunta nila (J) ay nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid at nakilala ng Faraon ang sambahayan ni Jose. 14 Pagkatapos (K) ay ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob, at ang lahat niyang kamag-anak na pitumpu't limang katao. 15 Kaya't (L) nagtungo si Jacob sa Ehipto. Doon siya namatay, gayundin ang ating mga ninuno. 16 Ibinalik sila (M) sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham mula sa mga anak ni Hamor. 17 “Ngunit (N) nang nalalapit na ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, lumago at dumami ang ating sambayanan sa Ehipto, 18 hanggang sa nagkaroon ng hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. 19 Dinaya at pinagsamantalahan (O) nito ang ating lahi, pinagmalupitan ang ating mga ninuno at pinilit na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Sa (P) panahong iyon ay ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kanyang ama. 21 Nang (Q) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y pinalaking parang sarili niyang anak. 22 Sinanay si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipcio, at siya'y naging makapangyarihan sa kanyang mga salita at mga gawa. 23 “Nang (R) siya'y apatnapung taong gulang na, naisipan niyang[a] tingnan ang kalagayan ng kanyang mga kapatid, na mga anak ni Israel. 24 Nang makita niya na pinahihirapan ang isa sa kanila, ipinagtanggol at ipinaghiganti niya ito at pinatay ang Ehipcio. 25 Inaakala niya noon na naunawaan ng kanyang mga kababayan[b] na ililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan niya.[c] Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26 Kinabukasan, lumapit siya sa dalawang Israelitang nag-aaway. Ibig sana niyang sila'y pagkasunduin kaya sinabing, ‘Mga ginoo, kayo'y magkapatid; bakit sinasaktan ninyo ang isa't isa?’ 27 Ngunit itinulak siya ng nanakit sa kapwa, at nagsabing, ‘Sino'ng nagsabing ikaw ay pinuno at hukom namin? 28 Gusto mo ba akong patayin, gaya ng pagpatay mo kahapon sa Ehipcio?’ 29 Nang (S) marinig ito ni Moises, tumakas siya at nanirahan na isang dayuhan sa lupain ng Midian, at doo'y nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.

30 “Nang (T) lumipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kanya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punongkahoy. 31 Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang lapitan niya ito upang tingnang mabuti, dumating ang tinig ng Panginoon: 32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob.’ Nanginig sa takot si Moises at hindi nangahas tumingin. 33 Sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Tanggalin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay lupang banal. 34 Kitang-kita ko ang pang-aapi sa aking bayang nasa Ehipto, narinig ko ang kanilang hinaing, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas. Ngayon, lumapit ka at isusugo kita sa Ehipto.’ 35 “Ang (U) Moises na ito na kanilang itinakwil nang sabihin nilang, ‘Sino'ng nagsabing ikaw ay pinuno at hukom namin?’ ang siyang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagpalaya sa tulong ng anghel na nagpakita sa kanya sa mababang punongkahoy. 36 Ang taong ito (V) ang humango sa kanila sa kanilang kahirapan sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghang ginawa niya sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa ilang, sa loob ng apatnapung taon. 37 Ang (W) Moises na ito ang nagsabi sa mga anak ni Israel, ‘Mula sa inyong mga kapatid, pipili ang Diyos ng propeta para sa inyo, tulad ng pagpili niya sa akin.’ 38 Siya (X) ang kasama ng kapulungan sa ilang. Kasama siya ng anghel na nagsalita sa kanya sa Bundok ng Sinai, at kasama ng ating mga ninuno. Tumanggap siya ng mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin. 39 Ngunit ayaw siyang sundin ng ating mga ninuno. Sa halip, siya'y kanilang itinakwil, at sa mga puso nila'y bumalik sila sa Ehipto, 40 nang sabihin nila kay Aaron, (Y) ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam ang nangyayari sa Moises na ito na naglabas sa amin sa Ehipto.’ 41 Gumawa (Z) nga sila noon ng diyus-diyosan sa anyo ng isang guya. Naghandog sila sa diyus-diyosang ito at ipinagdiwang ang gawa ng kanilang mga kamay. 42 Ngunit (AA) tinalikuran sila ng Diyos, at pinabayaan silang sumamba sa hukbo ng kalawakan.[d] Nasusulat sa aklat ng mga propeta:

‘O, sambahayan ni Israel, sa akin ba kayo nag-alay ng mga hayop na pinatay
    at mga handog sa loob ng apatnapung taon sa ilang?
43 Dinala ninyo ang tolda ni Moloc,
    at ang bituin ng diyos ninyong si Refan,
    ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin;
at itatapon ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’

44 “Nasa (AB)ating mga ninuno sa ilang ang tolda ng patotoo, na ipinagawa ng Diyos na nagsalita kay Moises, ayon sa huwarang kanyang nakita. 45 Dinala (AC) rin ito ng ating mga ninunong kasama ni Josue nang kanilang sakupin ang mga bansang pinalayas ng Diyos sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. 46 Kinalugdan ng Diyos si David, (AD) at hiniling niyang makakita ng isang tahanan para sa Diyos ni Jacob.[e] 47 Subalit (AE) si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa kanya. 48 Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi nananahan sa mga bahay na gawa ng tao. Sabi nga ng propeta,

49 ‘Ang (AF) langit ang aking luklukan,
    at ang lupa ang aking tuntungan.
Sabi ng Panginoon, ‘Sa aki'y anong uri ang itatayo ninyong bahay,
    o anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi ba kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga ito?’

51 “Kayong (AG) matitigas ang ulo at mga bingi sa katotohanan![f] Lagi kayong sumasalungat sa Banal na Espiritu. Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, gayundin ang ginagawa ninyo. 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag noong una tungkol sa pagdating ng Matuwid, na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tinanggap ninyo ang Kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito tinupad.”

Pinagbabato si Esteban

54 Nang marinig nila ang mga ito, nagalit sila at nagngalit ang kanilang mga ngipin laban kay Esteban.[g] 55 Subalit si Esteban, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos, at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. 56 Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukás ang kalangitan at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ng Diyos.” 57 Subalit nagtakip sila ng kanilang mga tainga at nagsigawan nang malakas at sama-samang sumugod sa kanya. 58 Pagkatapos, siya'y kinaladkad nila palabas ng lungsod at doo'y pinagbabato. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa paanan ng isang kabataang lalaki na ang pangalan ay Saulo. 59 Habang binabato nila si Esteban ay nananalangin siya, “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” 60 Siya'y lumuhod at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang papanagutin sa kasalanang ito.” Pagkasabi nito, siya'y namatay.[h]

Footnotes

  1. Mga Gawa 7:23 Sa Griyego, dumating sa kanyang puso na.
  2. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, kapatid.
  3. Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, ng kamay niya.
  4. Mga Gawa 7:42 Sa Griyego, hukbo ng langit.
  5. Mga Gawa 7:46 Sa ibang manuskrito bahay ni Jacob.
  6. Mga Gawa 7:51 Sa Griyego hindi tuli ang puso't mga tainga.
  7. Mga Gawa 7:54 Sa Griyego, sa kanya.
  8. Mga Gawa 7:60 Sa Griyego, natulog siya.

司提反当众申诉

大祭司说:“果真有这些事吗?” 司提反说:“诸位父老弟兄请听!从前我们的祖宗亚伯拉罕美索不达米亚,还没有住在哈兰的时候,荣耀的 神向他显现, 对他说:‘你要离开本地和亲族,往我所要指示你的地去。’ 他就离开迦勒底人的地方,住在哈兰。他父亲死了以后, 神使他从那里搬到你们现在所住的地方。 在这里 神并没有给他产业,连立足的地方都没有,但应许要将这地赐给他和他的后裔为业,虽然那时他还没有儿子。  神这样说:‘他的后裔必寄居外邦,那里的人要使他们作奴隶,苦待他们四百年。’  神又说:‘但我要惩罚使他们作奴隶的那国。以后他们要出来,在这地方事奉我。’  神又赐他割礼的约。于是亚伯拉罕生了以撒,在第八日给他行了割礼;后来以撒雅各雅各生十二位先祖。

“先祖嫉妒约瑟,把他卖到埃及去, 神却与他同在, 10 救他脱离一切苦难,又使他在埃及王法老面前蒙恩,又有智慧。法老派他作埃及国的宰相兼管法老的全家。 11 后来全埃及迦南遭遇饥荒和大灾难,我们的祖宗绝了粮。 12 雅各听见在埃及有粮,就打发我们的祖宗初次往那里去。 13 第二次约瑟与兄弟们相认,法老才认识他的家族。 14 约瑟就打发人,请父亲雅各和全族七十五个人都来。 15 于是雅各下了埃及,后来他和我们的祖宗都死在那里; 16 他们又被迁到示剑,葬于亚伯拉罕示剑用银子从哈抹子孙[a]买来的坟墓里。

17 “当 神应许亚伯拉罕的日期将到的时候,以色列人在埃及人丁兴旺, 18 直到另一位不认识约瑟的王兴起统治埃及[b] 19 他用诡计待我们的宗族,苦待我们的祖宗,强迫他们丢弃婴孩,使婴孩不能存活。 20 就在那时,摩西生了下来, 神看为俊美,在父亲家里被抚养了三个月。 21 他被丢弃的时候,法老的女儿拾了去,当自己的儿子抚养。 22 摩西学了埃及人一切的学问,说话办事都有才能。

23 “他到了四十岁,心中起意去看望他的弟兄以色列人。 24 他见他们中的一个人受冤屈,就庇护他,为那被压迫的人报仇,打死了那埃及人。 25 他以为他的弟兄们必明白 神是藉他的手搭救他们,他们却不明白。 26 第二天,他遇见有人在打架,就想劝他们和好,说:‘二位,你们是弟兄,为什么彼此欺负呢?’ 27 那欺负邻舍的人把他推开,说:‘谁立你作我们的领袖和审判官呢? 28 难道你要杀我像昨天杀那埃及人一样吗?’ 29 摩西听见这话就逃走了,寄居于米甸地,在那里生了两个儿子。

30 “过了四十年,在西奈山的旷野,有一位天使在荆棘的火焰中向摩西显现。 31 摩西见了那异象,觉得很惊讶,正往前观看的时候,有主的声音说: 32 ‘我是你列祖的 神,就是亚伯拉罕以撒雅各的 神。’摩西战战兢兢,不敢观看。 33 主对他说:‘把你脚上的鞋脱下来,因为你所站的地方是圣地。 34 我的百姓在埃及所受的困苦,我确实看见了;他们悲叹的声音,我也听见了。我下来要救他们。现在,你来,我要差你往埃及去。’

35 “这摩西就是有人曾弃绝他说‘谁立你作我们的领袖和审判官’的, 神却藉那在荆棘中显现的天使的手差派他作领袖,作解救者。 36 这人领以色列人出来,在埃及地,在红海,在旷野的四十年间行了奇事神迹。 37 这人是摩西,就是那曾对以色列人说‘ 神要从你们弟兄中给你们兴起一位先知像我’的。 38 这人是那曾在旷野的会众中和西奈山上,与那对他说话的天使同在,又与我们祖宗同在的,他领受了活泼的圣言传给我们。 39 我们的祖宗不肯听从,反弃绝他,他们的心转向埃及 40 亚伦说:‘你为我们造神明,在我们前面引路,因为领我们出埃及地的这个摩西,我们不知道他遭遇了什么事。’ 41 那时,他们造了一个牛犊,又拿祭物献给那像,为自己手所做的工作欢跃。 42 但是 神转脸不顾,任凭他们祭拜天上的日月星辰,正如先知书上所写的:

以色列家啊,你们四十年间在旷野,

何曾将牺牲和祭物献给我?
43 你们抬着摩洛的帐幕
理番—你们神明的星,
就是你们所造为要敬拜的像。
因此,我要把你们迁到巴比伦外去。’

44 “我们的祖宗在旷野,有作证的会幕,是 神吩咐摩西照着他所看见的样式做的。 45 这帐幕,我们的祖宗同约书亚相继承受了,当 神在他们面前赶走外邦人的时候,他们把这帐幕搬进承受为业之地,直存到大卫的日子。 46 大卫在 神面前蒙恩,祈求为雅各的家[c]预备居所。 47 但却是所罗门为 神造成殿宇。 48 其实,至高者并不住人手所造的,就如先知所言:

49 ‘主说:天是我的宝座,
地是我的脚凳。
你们要为我造怎样的殿宇?
哪里是我安歇的地方呢?
50 这一切不都是我手所造的吗?’

51 “你们这硬着颈项,心与耳未受割礼的人哪,时常抗拒圣灵!你们的祖宗怎样,你们也怎样。 52 先知中有哪一个不是受你们祖宗的迫害呢?他们把预先宣告那义者要来的人杀了。如今你们成了那义者的出卖者和凶手了。 53 你们领受了天使所传布的律法,竟不遵守。”

众人用石头打死司提反

54 众人听见这些话,心中极其恼怒,向司提反咬牙切齿。 55 司提反满有圣灵,定睛望天,看见 神的荣耀,又看见耶稣站在 神的右边, 56 就说:“我看见天开了,人子站在 神的右边。” 57 众人大声喊叫,捂着耳朵,齐心冲向他, 58 把他推到城外,用石头打他。作见证的人把他们的衣裳放在一个名叫扫罗的青年脚前。 59 他们正用石头打司提反的时候,他呼求说:“主耶稣啊,求你接纳我的灵魂!” 60 然后他跪下来,大声喊着:“主啊,不要将这罪归于他们!”说了这话,就长眠了。

Footnotes

  1. 7.16 “在示剑…子孙”:有古卷是“用银子从示剑的哈抹子孙”。
  2. 7.18 有古卷没有“统治埃及”。
  3. 7.46 “家”:有古卷是“ 神”。

At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?

At sinabi niya, (A)Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, (B)bago siya tumahan sa Haran,

At sinabi sa kaniya, (C)Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.

Nang magkagayo'y (D)umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:

At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: (E)at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.

At ganito ang sinalita ng Dios, (F)na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.

At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, (G)at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.

At ibinigay niya sa kaniya ang tipan (H)ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.

At ang mga patriarka (I)sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,

10 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at (J)siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.

11 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.

12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob (K)na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.

13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.

14 At (L)nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at (M)ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.

15 At lumusong si Jacob sa Egipto; (N)at namatay siya, at ang ating mga magulang.

16 At sila'y (O)inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang (P)binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.

17 Datapuwa't nang nalalapit na (Q)ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, (R)ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,

18 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.

19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, (S)na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.

20 Nang panahong yaon, ay (T)ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:

21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.

22 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.

23 Datapuwa't nang siya'y (U)magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.

24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:

25 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.

26 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?

27 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?

28 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?

29 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, (V)at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.

30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya (W)ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.

31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,

32 (X)Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.

33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.

34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.

35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas (Y)sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.

36 Pinatnugutan sila (Z)ng taong ito, pagkagawa (AA)ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.

37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang (AB)propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.

38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama (AC)ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap (AD)ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:

39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,

40 Na sinasabi kay Aaron, (AE)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.

41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang (AF)guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.

42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (AG)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,

(AH)Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain
Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni (AI)Moloc,
At ang bituin ng dios Refan,
Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin:
At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.

44 Sumaating mga magulang sa ilang (AJ)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (AK)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.

45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni (AL)Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;

46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (AM)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.

47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.

48 (AN)Bagama't ang Kataastaasa'y (AO)hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,

49 Ang langit ay ang aking luklukan,
(AP)At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa:
Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon:
O anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?

51 (AQ)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.

52 Alin sa mga propeta ang (AR)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (AS)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;

53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (AT)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.

54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.

55 Datapuwa't siya, (AU)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (AV)sa kanan ng Dios,

56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.

57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;

58 At siya'y kanilang itinapon (AW)sa labas ng bayan, (AX)at binato: at inilagay (AY)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.

59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (AZ)tanggapin mo ang aking espiritu.

60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (BA)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.