Add parallel Print Page Options

24 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si (A)Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo.

At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi,

Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan,

Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat.

Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.

Sapagka't nangasumpungan namin (B)ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:

Na kaniya (C)rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:[a](D)(E)

Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.

At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.

10 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,

Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:

11 Sapagka't napagtatalastas mo na (F)wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:

12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (G)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.

13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.

14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;

15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon (H)ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.

16 Na dahil nga rito'y lagi rin (I)akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.

17 At nang makaraan nga (J)ang ilang mga taon ay (K)naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:

18 Na ganito nila ako nasumpungang (L)pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—

19 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.

20 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila (M)nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,

21 Maliban na sa isang tinig na ito na (N)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.

22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (O)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (P)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.

23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (Q)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.

24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.

25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (R)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.

26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (S)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.

27 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix (T)na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.

Footnotes

  1. Mga Gawa 24:6 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ito: at ibig naming hatulan sana siya alinsunod sa aming kautusan. 7 Datapuwa't dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay.

Pawulo Awozesebwa mu maaso ga Ferikisi

24 (A)Awo nga wayiseewo ennaku ttaano, Ananiya, Kabona Asinga Obukulu, n’atuuka mu Kayisaliya ng’ali n’abamu ku bakulembeze b’Abayudaaya era ng’aleese n’omwogezi omulungi erinnya lye Terutuulo, eyannyonnyola gavana emisango egyali givunaanibwa Pawulo. Pawulo bwe yaleetebwa, Terutuulo n’ayitibwa ategeeze ekivunaanibwa Pawulo, n’awoza bw’ati nti, “Oweekitiibwa, ffe Abayudaaya otuwadde eddembe, n’enkulaakulana olw’amagezi go. (B)Tukwebaza nnyo olwa bino byonna by’otukoledde. Obutayagala kukukooya, nsaba ompulirize akaseera katono nga mpitaayita mu byangu ku nsonga ze tuvunaana omusajja ono.

(C)“Omusajja ono tumulabye nga wa mutawaana nnyo, kubanga akuma omuliro mu Bayudaaya bonna mu nsi yonna, basasamale era bajeemere gavumenti y’Abaruumi, omukulembeze mu ttabi ly’eddiini erimanyiddwa ng’ery’Abannazaalaayo. (D)N’okugezaako yali agezaako okwonoona Yeekaalu, ne tumukwata. Twali tugenda okumusalira omusango n’ekibonerezo ng’amateeka gaffe bwe galagira, naye Lusiya, omuduumizi w’abaserikale n’ajja n’atumuggyako n’amaanyi, n’alagira nti awozesebwe mu mateeka g’Ekiruumi, era n’alagira abamuwawaabira bajje wano mu maaso go. Bw’onoogenda ng’omubuuza ebintu bino byonna, amazima g’ensonga zaffe gajja kweyoleka.”

(E)Olwo n’Abayudaaya abalala ne boogera nga bawagira ebyo Terutuulo bye yawoza nti bya mazima.

10 (F)Oluwalo lwa Pawulo ne lutuuka, gavana n’amuwenya asituke ayogere. Pawulo n’ayanukula nti, “Mmanyi, ssebo, nga bw’osaze emisango egifa ku nsonga zaffe ez’Ekiyudaaya okumala emyaka emingi, ekyo kimpa obugumu nga mpoleza mu maaso go. 11 (G)Ggwe bw’onoobuuza, ojja kuzuula nti ennaku tezinnayita kkumi na bbiri kasookedde nyambuka mu Yerusaalemi okusinza mu Yeekaalu. 12 (H)Abo abampawaabira tebansisinkanangako nga nnina gwe nnyumya naye mu Yeekaalu, wadde nga nsasamaza ekibiina mu kuŋŋaaniro oba awalala wonna mu kibuga. 13 (I)Era tebayinza kukulaga bukakafu bwonna ku bintu bino bye bampawaabira nti nabikola. 14 (J)Naye waliwo ekintu kimu kye nzikiriza. Nsinza Katonda nga nzikiririza mu Kkubo, bano kye bayita enzikiriza endala. Nsinza Katonda n’okumuweereza nga ngoberera empisa za bajjajjaffe n’obulombolombo, nga bwe baabitegeka, era nzikiririza ddala mu mateeka g’Ekiyudaaya ne mu byonna ebyawandiikibwa mu bitabo bya bannabbi. 15 (K)Era nzikiriza, nga bano bwe bakkiriza, nti walibaawo okuzuukira kw’abatuukirivu n’ababi. 16 (L)Olw’essuubi lino lye nnina, nfuba bulijjo okuba n’emmeeme ennongoofu eri Katonda n’eri abantu.

17 (M)“Oluvannyuma lw’emyaka mingi, nga siriiwo, nakomawo mu Yerusaalemi ng’Abayudaaya mbaleetedde n’ensimbi ez’okubayamba, nga nange neeretedde ekirabo eky’okuwaayo eri Katonda mu Yeekaalu. 18 (N)Bano abampawaabira bansanga ndi mu kusinza kuno mu Yeekaalu, nga nneerongoosezza, mmaze n’okumwa omutwe ng’amateeka bwe galagira, nga tewaliiwo kibiina kinneetoolodde, era nga tewali kasasamalo. 19 (O)Naye waliwo Abayudaaya abava mu kitundu kye Asiya era basaanye babeewo wano boogere obanga balina kye banvunaana. 20 Oba si ekyo buuza bano abali wano kaakano, bakutegeeze omusango Olukiiko lw’Abayudaaya Olukulu gwe lwandabako, bwe nayimirira mu maaso gaalwo. 21 (P)Mpozzi kino ekimu kye nayogera nti, ‘Ndi wano mu Lukiiko nga mpozesebwa olwokubanga nzikiriza okuzuukira kw’abafu!’ ”

22 Awo Ferikisi, eyali amanyi obulungi ebikwata ku Kkubo, n’agamba Abayudaaya nti, “Lusiya, omuduumizi w’abaserikale mu Yerusaalemi, bw’alituuka ne ndyoka nsala omusango gwammwe.” 23 (Q)N’alagira Pawulo azzibweyo mu kkomera akuumibwe, naye ng’alekerwamu ku ddembe, ne mikwano gye bakkirizibwe okujjanga okumulaba n’okumuleetera bye yeetaaga.

24 (R)Awo nga wayiseewo ennaku ntonotono, Ferikisi n’ajja ne mukyala we Dulusira, eyali Omuyudaaya. N’atumya Pawulo, ne bamuwuliriza ng’abategeeza ku kukkiriza Kristo Yesu. 25 (S)Awo Pawulo bwe yagenda abannyonnyola ebikwata ku butuukirivu, n’okwefuga mu bikolwa, n’okusalirwa omusango okugenda okujja, Ferikisi n’atya nnyo, n’agamba Pawulo nti, “Ebyo binaagira bimala! Kaakano genda, bwe ndifuna ekiseera ekirungi ndyongera okukuyita.” 26 Era Ferikisi yali asuubira nti Pawulo ajja kumuwa enguzi, kyeyava amutumya emirundi mingi n’ayogera naye.

27 (T)Ne wayitawo emyaka ebiri, Polukiyo Fesuto n’adda mu bigere bya Ferikisi. Naye Ferikisi olw’okwagala Abayudaaya bamusiime, bwe yali agenda n’aleka nga Pawulo musibe mu kkomera.

Ang Paratang ng mga Judio kay Pablo

24 Pagkaraan ng limang araw, dumating ang Kataas-taasang Paring si Ananias kasama ang ilang matatandang pinuno, at isang tagapagsalitang si Tertulio. Nagharap sila ng sakdal sa gobernador laban kay Pablo. Nang maiharap na si Pablo, nagsimula si Tertulio sa kanyang pagsasakdal laban dito. Sinabi niya,

“Kagalang-galang na Felix, dahil sa iyo'y nagtamo kami ng matagal na kapayapaan, at dumating ang mga pagbabago sa bansang ito dahil sa iyong pagtanaw sa hinaharap. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng dako ay kinikilala namin ito nang may lubos na pasasalamat. Ngunit upang kayo ay huwag nang labis na maabala, hinihiling ko sa inyo ang inyong kabutihan na pakinggan kami ng ilang sandali. Natagpuan namin na ang taong ito'y mapanligalig at nanggugulo sa lahat ng mga Judio sa buong daigdig. Isa siyang pinuno sa sekta ng mga Nazareno. Nagtangka pa siyang lapastanganin ang Templo kaya dinakip namin siya. [Nais sana namin siyang hatulan ayon sa aming Kautusan. Ngunit dumating ang kapitang si Lisias at sapilitan siyang inagaw sa aming mga kamay, at inutusan ang mga nagbintang sa kanya na humarap sa inyo.][a] Sa pagtatanong ninyo sa kanya, mula sa kanyang bibig ay kayo mismo ang makaaalam na totoo ang lahat ng aming paratang laban sa kanya.” Sinang-ayunan naman ng lahat ng mga Judiong naroon ang mga ito.

Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Felix

10 Nang hudyatan ng gobernador si Pablo upang magsalita, siya'y sumagot:

“Yamang nalalaman kong kayo ay naging hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, buong tiwala kong gagawin ang aking pagtatanggol. 11 Matitiyak ninyo sa inyong pagsisiyasat na wala pang labindalawang araw nang ako'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 12 Minsan man ay hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo kahit kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa Templo man o sa mga sinagoga, o saanmang dako ng lungsod. 13 Hindi rin nila mapapatunayan sa inyo ang mga ibinibintang nila sa akin ngayon. 14 Ngunit ito ang inaamin ko sa inyo: Ayon sa Daan na tinatawag nilang sekta ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga propeta. 15 At tulad nila'y umaasa rin ako sa Diyos na muli niyang bubuhayin ang lahat, maging matuwid at di-matuwid. 16 Dahil dito'y lagi akong nagsisikap magkaroon ng malinis na budhi sa harap ng Diyos at sa lahat ng tao. 17 Pagkaraan ng ilang taon, (A) bumalik ako upang magdala ng tulong sa aking mga kababayan at mag-alay ng mga handog sa Diyos. 18 Natapos ko nang gawin ang seremonya ng paglilinis nang ako'y kanilang matagpuan sa templo, na walang kasamang maraming tao at wala ring kaguluhan. 19 Ngunit ilang Judiong galing sa Asia ang naroroon. At kung mayroon man silang sasabihin laban sa akin, dapat silang naririto sa inyong harapan at magsakdal. 20 O kaya'y hayaan ninyong ang mga taong naririto ang magsabi kung may natagpuan silang masama na ginawa nang ako'y humarap sa Sanhedrin. 21 Ang tanging maisasakdal nila laban sa akin (B) ay ang bagay na ito na aking isinigaw habang nakatayo sa gitna nila, ‘Nililitis ako ngayon tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay.’ ” 22 Palibhasa'y may sapat na kaalaman si Felix tungkol sa Daan, ipinagpaliban muna niya ang pagdinig, at sinabi, “Magpapasya ako pagdating ng kapitang si Lisias.” 23 Pagkatapos ay iniutos niya sa senturyon na bantayan si Pablo, ngunit huwag higpitan kundi hayaang dalawin ng kanyang mga kaibigan.

Si Pablo sa Harap nina Felix at Drusila

24 Pagkaraan ng ilang araw, dumating si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Judio. Ipinatawag niya si Pablo at pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. 25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katarungan, pagpipigil sa sarili, at sa darating na paghuhukom, nangilabot si Felix at sumagot, “Makaaalis ka na. Ipatatawag kitang muli kapag nagkaroon ako ng panahon.” 26 Madalas niyang ipinatatawag at kinakausap si Pablo sa pag-asang susuhulan siya nito. 27 Sa pagnanais na bigyang kasiyahan ang mga Judio, pinabayaan ni Felix si Pablo sa bilangguan. Lumipas ang dalawang taon at si Felix ay pinalitan ni Porcio Festo.

Footnotes

  1. Mga Gawa 24:7 Sa ibang mas naunang manuskrito, wala ang bahaging ito.