Add parallel Print Page Options

Sinabi sa kanya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga sandalyas.” Sumunod naman si Pedro. “Magbalabal ka at sumunod sa akin,” dagdag ng anghel. Sumunod si Pedro sa labas, na nag-aakalang siya'y nananaginip. Hindi niya alam na tunay ang nangyayari sa pamamagitan ng anghel. 10 Nadaanan nila ang una at pangalawang bantay, at dumating sila sa pintuang-bakal na patungo sa lungsod. Ito'y kusang nabuksan para sa kanila at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang lansangan ay agad siyang iniwan ng anghel.

Read full chapter