Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
A new Bible Gateway experience is here. Spot something unexpected? Tell us what needs a closer look.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Verse of the Day by email. Sign up free.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
FSV
Version
Bible Books Bible Books
FSV
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Mga Gawa 12  Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

Ang Pagpatay kay Santiago at ang Pagdakip kay Pedro

12 Nang mga panahong iyon, sinimulang usigin ni Haring Herodes ang ilan sa mga kaanib ng iglesya. 2 Pinapatay niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan. 3 Nang makita niyang ito'y ikinatuwa ng mga Judio, ipinadakip naman niya si Pedro. Pista noon ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 4 Pagkatapos dakpin si Pedro, ikinulong siya sa bilangguan at pinabantayan sa apat na pangkat na mga kawal. Balak ni Herodes na iharap siya sa taong-bayan pagkatapos ng Paskuwa. 5 Habang nasa bilangguan si Pedro, nagkaroon ng taimtim na pananalangin sa Diyos ang iglesya para sa kanya.

Ang Pagpapalaya ng Anghel kay Pedro

6 Nang gabing si Pedro ay malapit nang iharap ni Herodes sa mga tao, natutulog si Pedro na nakatanikala sa pagitan ng dalawang kawal. Mayroon pang mga bantay sa harap ng pintuan, 7 nang biglang lumitaw ang isang anghel ng Panginoon at isang liwanag ang tumanglaw sa kulungan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising. “Bumangon ka! Bilis!” sabi ng anghel. At nakalag ang mga tanikala sa kanyang mga kamay. 8 Sinabi sa kanya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga sandalyas.” Sumunod naman si Pedro. “Magbalabal ka at sumunod sa akin,” dagdag ng anghel. 9 Sumunod si Pedro sa labas, na nag-aakalang siya'y nananaginip. Hindi niya alam na tunay ang nangyayari sa pamamagitan ng anghel. 10 Nadaanan nila ang una at pangalawang bantay, at dumating sila sa pintuang-bakal na patungo sa lungsod. Ito'y kusang nabuksan para sa kanila at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang lansangan ay agad siyang iniwan ng anghel.

11 Noon natauhan si Pedro, kaya kanyang sinabi, “Ngayo'y natitiyak ko na sinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa lahat ng binabalak ng mga Judio.”

12 Nang mapag-isip-isip niya ito, pumunta siya sa bahay ni Maria, ang ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Doon nagtitipon at nananalangin ang maraming tao. 13 Nang kumatok siya sa pinto, isang babaing katulong na ang pangalan ay Roda ang lumapit upang alamin kung sino ang kumakatok. 14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa laki ng tuwa'y hindi na niya nagawang buksan ang pinto. Sa halip ay tumakbo siya paloob at sinabing si Pedro ang nasa pintuan. 15 “Nababaliw ka na,” sabi nila sa kanya. Ngunit nang ipinilit niya na naroon talaga si Pedro, kanilang sinabi, “Anghel niya iyon.” 16 Samantala'y patuloy sa pagkatok si Pedro. Nang kanilang buksan, nakita nila si Pedro at sila'y namangha. 17 Sila'y sinenyasan niyang tumahimik, pagkatapos ay isinalaysay sa kanila kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. Pagkasabi niyang “Ipagbigay-alam ninyo ito kay Santiago, at sa mga kapatid,” siya'y umalis at pumunta sa ibang dako.

18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil hindi nila alam kung ano ang nangyari kay Pedro. 19 Nang hindi pa rin siya matagpuan matapos maipahanap ni Herodes, ipinasiyasat nito ang mga bantay at ipinag-utos na sila'y patayin.

Buhat sa Judea, si Pedro ay pumunta sa Cesarea, at doon nanirahan.

Ang Pagkamatay ni Herodes

20 Matagal nang umaapaw ang galit noon ni Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Nagkaisa ang mga tao na pumunta sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat umaasa ang kanilang bayan sa lupain ng hari para sa kanilang ikabubuhay. Hinikayat nila si Blasto na katiwala ng hari upang tulungan sila.

21 Sumapit ang takdang araw at isinuot ni Herodes ang damit-hari at naupo sa trono, at sa kanila'y nagtalumpati. 22 Sumigaw ang taong-bayan, “Ito'y tinig ng diyos at hindi ng tao!” 23 Noon di'y agad siyang sinaktan ng isang anghel ng Panginoon, sapagkat hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos. Kinain siya ng mga uod at namatay.

24 Samantala, ang salita ng Diyos ay patuloy na lumaganap at marami pa ang nahikayat. 25 Matapos magampanan ang kanilang tungkulin sa Jerusalem, nagbalik sina Bernabe at Saulo na kasama si Juan na tinatawag ding Marcos.

Next
Mga Gawa 11
Mga Gawa 13
Next
dropdown
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway