Add parallel Print Page Options

10 Nadaanan nila ang una at pangalawang bantay, at dumating sila sa pintuang-bakal na patungo sa lungsod. Ito'y kusang nabuksan para sa kanila at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang lansangan ay agad siyang iniwan ng anghel.

11 Noon natauhan si Pedro, kaya kanyang sinabi, “Ngayo'y natitiyak ko na sinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa lahat ng binabalak ng mga Judio.”

12 Nang mapag-isip-isip niya ito, pumunta siya sa bahay ni Maria, ang ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Doon nagtitipon at nananalangin ang maraming tao.

Read full chapter