Mga Gawa 22:4-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Pinag-usig ko (A) ang mga tagasunod ng Daang ito hanggang sila'y mapatay. Ipinagapos ko sila at ipinabilanggo, maging lalaki at babae. 5 Ang Kataas-taasang Pari at ang buong kapulungan ng mga matatandang pinuno ng bayan ang makapagpapatotoo tungkol dito. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga kasamahan nila sa Damasco at nagpunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod ng Daang ito at ibalik sila sa Jerusalem upang parusahan.
Read full chapter
Mga Gawa 22:4-5
Ang Biblia (1978)
4 At (A)aking pinagusig ang Daang (B)ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.
5 Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: (C)na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.
Read full chapter
Mga Gawa 26:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Ako (A) man ay nag-akala noong una na marami akong dapat gawin laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazareth. 10 At iyan nga ang aking ginawa sa Jerusalem. Batay sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng mga punong pari, hindi ko lamang ikinulong sa mga bilangguan ang marami sa mga hinirang, kundi sumang-ayon pa ako nang sila'y ipapatay. 11 Madalas kong ginagalugad ang mga sinagoga, at sinuman sa kanila ang abutan ko roon ay aking pinarurusahan at pinipilit ko silang lumapastangan. Sa tindi ng galit ko sa kanila'y pinag-usig ko sila maging sa mga lungsod sa ibang lupain.
Read full chapter
Mga Gawa 26:9-11
Ang Biblia (1978)
9 (A)Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
10 At ginawa ko (B)rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan (C)ang marami sa mga banal, (D)pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at (E)nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.
11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at (F)sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978