Add parallel Print Page Options

12 Ganoon din ang ginawa nila sa mga propeta noong una. Kaya magalak kayo dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.”

Ang Asin at Ilaw(A)

13 “Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa[a] ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.

14 “Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:13 mag-iba ang lasa: o, mawalan ng lasa.

12 Magalak kayo at matuwa, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit, sapagkat gayundin nila inusig ang mga propetang nauna sa inyo.

Asin at Ilaw(A)

13 “Kayo ang asin ng lupa, ngunit kung mawalan na ng lasa ang asin, paano pa maibabalik ang alat nito? Wala na itong paggagamitan liban sa ito'y itapon at tapak-tapakan ng mga tao. 14 Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Hindi maikukubli ang isang lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol.

Read full chapter