Add parallel Print Page Options

At nang mga araw na yaon ay dumating si (A)Juan Bautista, na nangangaral (B)sa ilang ng Judea, na nagsasabi,

Mangagsisi kayo; sapagka't (C)malapit na ang kaharian ng langit.

Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,

Ang (D)tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Si Juan nga ay nananamit (E)ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga (F)balang (G)at pulot-pukyutan.

Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;

At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.

Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at (H)Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, (I)sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi:

At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; (J)sapagka't sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito.

10 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at (K)inihahagis sa apoy.

11 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig (L)sa pagsisisi: (M)datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: (N)siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at (O)apoy:

12 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, (P)datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.

13 Nang magkagayo'y (Q)naparoon si Jesus (R)mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.

14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?

15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.

16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang (S)Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17 (T)At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong (U)Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang mga araw na iyon ay dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral. “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”

Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,

“Isang tinig ang sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang lalakaran.’ ”

Nakasuot si Juan ng damit na yari sa balahibo ng kamelyo at may sinturong balat sa kanyang baywang. Ang kinakain niya ay mga balang at pulot-pukyutan. Pumunta sa kanya ang mga taga-Jerusalem, ang mga mamamayan sa buong Judea, at ang mga nasa buong paligid ng Jordan. Sila'y kanyang binabautismuhan sa Ilog Jordan, matapos silang magpahayag ng kanilang mga kasalanan. Subalit nang makita niyang marami sa mga Fariseo at mga Saduceo ang dumarating sa kanya upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino'ng nagbabala sa inyo upang takasan ang darating na poot? Mamunga kayo ng patunay ng pagsisisi. At huwag na kayong mag-akala at sabihin sa inyong mga sarili, ‘Si Abraham ang aming ama.’ Sinasabi ko sa inyo, May kakayahan ang Diyos na gumawa ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito. 10 Kahit ngayo'y nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga puno. Kaya't ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy. 11 Kayo'y binabautismuhan ko sa tubig tungo sa pagsisisi, ngunit ang dumarating sa hulihan ko ay higit na makapangyarihan kaysa akin, ni hindi nga ako karapat-dapat magdala ng kanyang mga sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 12 Hawak-hawak niya ang kanyang kalaykay upang linisin ang giikan at tipunin ang kanyang mga trigo sa kamalig, ngunit ang ipa ay kanyang susunugin sa di-maaápulang apoy.”

Binautismuhan si Jesus(B)

13 Pagkatapos nito, mula sa Galilea ay pumunta si Jesus kay Juan sa Jordan upang magpabautismo sa kanya. 14 Pinigilan siya ni Juan. “Ako nga itong dapat magpabautismo sa iyo,” sabi niya, “ngunit ikaw pa ang lumalapit sa akin?” 15 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus, “Pumayag ka nang mangyari ito ngayon, sapagkat dapat nating gampanan ang buong katuwiran.” Sumang-ayon si Juan. 16 At nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Noon din ay nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng kalapati, at dumadapo sa kanya. 17 At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak, na lubos kong kinalulugdan.”

John the Baptist Prepares the Way(A)

In those days (B)John the Baptist came preaching (C)in the wilderness of Judea, and saying, “Repent, for (D)the kingdom of heaven is at hand!” For this is he who was spoken of by the prophet Isaiah, saying:

(E)“The voice of one crying in the wilderness:
(F)‘Prepare the way of the Lord;
Make His paths straight.’ ”

Now (G)John himself was clothed in camel’s hair, with a leather belt around his waist; and his food was (H)locusts and (I)wild honey. (J)Then Jerusalem, all Judea, and all the region around the Jordan went out to him (K)and were baptized by him in the Jordan, confessing their sins.

But when he saw many of the Pharisees and Sadducees coming to his baptism, he said to them, (L)“Brood of vipers! Who warned you to flee from (M)the wrath to come? Therefore bear fruits worthy of repentance, and do not think to say to yourselves, (N)‘We have Abraham as our father.’ For I say to you that God is able to raise up children to Abraham from these stones. 10 And even now the ax is laid to the root of the trees. (O)Therefore every tree which does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire. 11 (P)I indeed baptize you with water unto repentance, but He who is coming after me is mightier than I, whose sandals I am not worthy to carry. (Q)He will baptize you with the Holy Spirit [a]and fire. 12 (R)His winnowing fan is in His hand, and He will thoroughly clean out His threshing floor, and gather His wheat into the barn; but He will (S)burn up the chaff with unquenchable fire.”

John Baptizes Jesus(T)

13 (U)Then Jesus came (V)from Galilee to John at the Jordan to be baptized by him. 14 And John tried to prevent Him, saying, “I need to be baptized by You, and are You coming to me?”

15 But Jesus answered and said to him, “Permit it to be so now, for thus it is fitting for us to fulfill all righteousness.” Then he allowed Him.

16 (W)When He had been baptized, Jesus came up immediately from the water; and behold, the heavens were opened to Him, and [b]He saw (X)the Spirit of God descending like a dove and alighting upon Him. 17 (Y)And suddenly a voice came from heaven, saying, (Z)“This is My beloved Son, in whom I am well pleased.”

Footnotes

  1. Matthew 3:11 M omits and fire
  2. Matthew 3:16 Or he