Add parallel Print Page Options

54 (A)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (B)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (C)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

Read full chapter

54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan, nagturo siya sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha sila sa kanya, at nagsabi, “Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan? Paano niya nagagawa ang himalang ito?

Read full chapter

33 At nang marinig ito ng karamihan ay (A)nangagtaka sa kaniyang aral.

Read full chapter

33 Nang marinig ito ng maraming tao, sila'y namangha sa kanyang itinuturo.

Read full chapter

22 At nangagtaka sila (A)sa kaniyang aral: sapagka't sila'y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng mga eskriba.

Read full chapter

22 Namangha (A) ang mga tao sapagkat nagtuturo siya tulad ng may awtoridad at hindi gaya ng mga tagapagturo ng Kautusan.

Read full chapter

At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay?

Read full chapter

Nang sumapit ang Sabbath, nagsimula siyang magturo sa sinagoga. Namangha ang marami sa mga nakinig sa kanya. “Saan niya natutuhan ang lahat ng ito?” tanong nila. “Ano'ng karunungan ito na ibinigay sa kanya? Paano niya nagagawa ang mga kababalaghang ito?

Read full chapter

32 At nangagtaka sila (A)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.

Read full chapter

32 Namangha sila sa kanyang pagtuturo sapagkat may kapangyarihan ang kanyang mga sinasabi.

Read full chapter