Add parallel Print Page Options

13 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at (A)naupo sa tabi ng dagat.

At nakisama (B)sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.

At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.

At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;

At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:

At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.

At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.

At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y (C)tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.

At ang may mga (D)pakinig, ay makinig.

10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?

11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (E)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.

12 Sapagka't sinomang (F)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.

13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.

14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,

(G)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.

16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.

17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (H)na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.

18 Pakinggan (I)nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.

19 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita (J)ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.

20 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at (K)pagdaka'y (L)tinatanggap ito ng buong galak;

21 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay (M)pagdaka'y (N)natitisod siya.

22 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at (O)ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.

23 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.

24 Sinaysay niya sa kanila ang ibang (P)talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:

25 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.

26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.

27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?

28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?

29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.

30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, (Q)Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang (R)butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.

33 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: (S)Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.

34 Lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa mga karamihan (T)sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap:

35 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

(U)Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga;
Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.

36 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa (V)bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang (W)talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid.

37 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao;

38 At (X)ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito (Y)ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay (Z)ang mga anak ng masama;

39 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: (AA)at ang pagaani ay ang (AB)katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.

40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.

41 Susuguin (AC)ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,

42 At sila'y igagatong sa kalan (AD)ng apoy: (AE)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa (AF)kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.

44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (AG)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (AH)binili ang bukid na yaon.

45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:

46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.

47 (AI)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (AJ)nakahuli ng sarisaring isda:

48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.

49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (AK)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,

50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.

52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (AL)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.

53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.

54 (AM)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (AN)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (AO)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

55 (AP)Hindi baga ito ang anak ng (AQ)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (AR)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (AS)kaniyang mga kapatid?

56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?

57 At siya'y (AT)kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, (AU)Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.

58 At siya'y (AV)hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa (AW)dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

14 Nang panahong yao'y narinig ni (AX)Herodes na (AY)tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,

At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.

Sapagka't (AZ)hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na (BA)asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.

Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.

At nang ibig niyang ipapatay siya, ay (BB)natakot siya sa karamihan, sapagka't siya'y kanilang ibinibilang na (BC)propeta.

Datapuwa't nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes.

Dahil dito'y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya'y ibibigay ang anomang hingin niya.

At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.

At namanglaw ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya;

10 At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.

11 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina.

12 At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila'y nagsialis at isinaysay kay Jesus.

13 (BD)Nang marinig nga ito ni Jesus, ay (BE)lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.

14 At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at (BF)nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.

15 At nang (BG)nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.

16 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.

17 At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.

18 At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.

19 At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, (BH)at pagtingala sa langit, ay kaniyang (BI)pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.

20 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang (BJ)bakol na puno.

21 At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.

22 (BK)At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.

23 At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod (BL)sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.

24 Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.

25 At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.

26 At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.

27 Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: (BM)huwag kayong mangatakot.

28 At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.

29 At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.

30 Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.

31 At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?

32 At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.

33 At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay (BN)na ikaw ang Anak ng Dios.

34 At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng (BO)Genezaret.

35 At nang siya'y makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniya'y dinala ang lahat ng mga may sakit;

36 At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay (BP)pawang nagsigaling.

15 Nang magkagayo'y (BQ)nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi,

Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay.

At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?

Sapagka't sinabi ng Dios, (BR)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, (BS)Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.

Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:

Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.

Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,

Ang bayang ito'y iginagalang ako (BT)ng kanilang mga labi;
Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang (BU)pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

10 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.

11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang (BV)nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.

12 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?

13 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, (BW)Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.

14 Pabayaan ninyo sila: (BX)sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.

15 At sumagot si Pedro, at sinabi (BY)sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.

16 At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip?

17 Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?

18 Datapuwa't (BZ)ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.

19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

20 Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas (CA)ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.

21 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng (CB)Tiro at Sidon.

22 At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na (CC)Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.

23 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, (CD)Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan.

24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, (CE)Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.

25 Datapuwa't lumapit siya at (CF)siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.

26 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga (CG)aso.

27 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.

28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, (CH)malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.

29 At umalis si Jesus doon, at (CI)naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.

30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:

31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.

32 At pinalapit ni (CJ)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (CK)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.

33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?

34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.

35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;

36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (CL)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.

37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.

38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.

39 At (CM)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (CN)Magdala.

16 At nagsilapit (CO)ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.

Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, (CP)Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.

At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon.

Ang isang lahing masama at (CQ)mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.

At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay.

At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa (CR)lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.

At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay.

At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay?

Hindi pa baga ninyo natatalastas, (CS)at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?

10 Ni yaong pitong tinapay (CT)sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?

11 Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.

12 Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.

13 Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, (CU)Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?

14 At kanilang sinabi, (CV)Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.

15 Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?

16 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, (CW)Ang anak ng (CX)Dios na buhay.

17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, (CY)Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng (CZ)laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.

18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (DA)ikaw ay Pedro, at (DB)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (DC)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

19 Ibibigay ko sa iyo (DD)ang mga susi ng kaharian ng langit: (DE)at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

20 Nang magkagayo'y ipinagbilin niya (DF)sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo.

21 Mula ng panahong yao'y nagpasimulang (DG)ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang (DH)siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at (DI)muling ibangon sa ikatlong araw.

22 At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.

23 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.

24 Nang magkagayo'y (DJ)sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.

25 Sapagka't (DK)ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.

26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?

27 Sapagka't (DL)ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi (DM)matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, (DN)hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.

17 At (DO)pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si (DP)Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:

At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.

At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.

At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.

Samantalang nagsasalita pa siya, (DQ)narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, (DR)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.

At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at (DS)huwag kayong mangatakot.

At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.

(DT)At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos (DU)sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.

10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, (DV)Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?

11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at (DW)isasauli ang lahat ng mga bagay:

12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, (DX)kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.

13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.

14 At (DY)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,

15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (DZ)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.

16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.

17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (EA)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.

18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.

19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (EB)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?

20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (EC)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (ED)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (EE)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (EF)(EG)

22 At (EH)samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, (EI)Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao;

23 At siya'y papatayin nila, at (EJ)sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw,

24 At (EK)pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga (EL)pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?

25 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng (EM)kabayaran ng (EN)buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?

26 At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak.

27 Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.

18 Nang oras na (EO)yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?

At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,

At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang (EP)kayo'y magsipanumbalik, at (EQ)maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

At (ER)sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:

Datapuwa't (ES)sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.

Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!

At (ET)kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod (EU)sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.

At kung ang mata mo ang makapagpapatisod (EV)sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.

10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (EW)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (EX)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (EY)mukha ng aking Ama na nasa langit.[b](EZ)(FA)

12 Ano ang akala ninyo? (FB)kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?

13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.

14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

15 At (FC)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (FD)nagwagi ka sa iyong kapatid.

16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang (FE)sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.

17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa (FF)iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay (FG)ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at (FH)maniningil ng buwis.

18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na (FI)ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin (FJ)sa kanila ng aking Ama na nasa langit.

20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.

21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, (FK)makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? (FL)hanggang sa makapito?

22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; (FM)kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

23 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.

24 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.

25 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos (FN)ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't (FO)mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.

26 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.

27 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.

28 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang (FP)denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.

29 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.

30 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.

31 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.

32 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:

33 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?

34 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.

35 Gayon din naman ang gagawin (FQ)sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.

19 At nangyari na nang (FR)matapos ni Jesus ang mga salitang ito, ay umalis siya sa (FS)Galilea at napasa (FT)mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan;

At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, at sila'y pinagaling niya doon.

At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na (FU)ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?

At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,

At sinabi, (FV)Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay (FW)magiging isang laman?

Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Sinabi nila sa kaniya, (FX)Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?

Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.

At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

10 Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya, Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa, ay hindi nararapat magasawa.

11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, (FY)Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga (FZ)pinagkalooban.

12 Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at (GA)may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap.

13 Nang magkagayon ay dinala (GB)sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.

14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't (GC)sa mga ganito ang kaharian ng langit.

15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.

16 At narito, lumapit sa kaniya ang (GD)isa, at nagsabi, (GE)Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?

17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't (GF)kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, (GG)Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,

19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, (GH)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin?

21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging (GI)sakdal, (GJ)humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.

22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pagaari.

23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang (GK)isang taong mayaman sa kaharian ng langit.

24 (GL)At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.

25 At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas?

26 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't (GM)sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.

27 Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, (GN)iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin?

28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa (GO)pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, (GP)kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, (GQ)upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.

29 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay.

30 Datapuwa't maraming mga una na (GR)mangahuhuli; at (GS)mga huli na mangauuna.

Footnotes

  1. Mateo 17:20 Sa mga ibang Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 21 Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno.
  2. Mateo 18:10 Sa mga ibang kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 11 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala.

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)

13 Nang araw ding iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at naupo sa tabing-dagat. Dinagsa siya ng napakaraming tao (B) kaya't sumakay siya sa isang bangka at umupo roon samantalang ang napakaraming tao ay nakatayo sa dalampasigan. At marami siyang isinalaysay sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “Makinig kayo! May isang manghahasik na lumabas upang maghasik. Habang siya'y naghahasik, may mga binhing nahulog sa tabing daan at dumating ang mga ibon at inubos nila ang mga ito. Ang ibang binhi ay nalaglag sa batuhan na kakaunti lamang ang lupa. Sumibol agad ang mga ito palibhasa'y manipis ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, ang mga iyon ay napaso sa init, at dahil hindi pa nagkakaugat ang mga iyon ay tuluyan nang nalanta. Ang ibang binhi ay nalaglag sa may mga halamang tinikan. Lumaki ang mga halamang tinikan at sumakal sa mga iyon. Ang ibang binhi ay nalaglag sa mabuting lupa, at nagsipamunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay animnapu, ang iba ay tatlumpu. Ang mga may pandinig ay makinig.”

Ang Paggamit ng mga Talinghaga(C)

10 Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad, at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng mga talinghaga sa pagsasalita ninyo sa mga tao?” 11 Sumagot siya sa kanila, “Ito ay dahil kayo ang pinagkaloobang makaalam ng mga hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, at hindi sila ang pinagkalooban ng mga ito. 12 Sapagkat (D) sinumang mayroon ay lalo pang bibigyan, at magkakaroon siya ng napakarami; ngunit sinumang wala, pati ang anumang nasa kanya ay kukunin. 13 Ako'y nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat tumitingin sila subalit hindi nakakakita, nakikinig ngunit hindi naman nakaririnig, ni nakauunawa. 14 Sa kanila natutupad (E) ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:

‘Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
    tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay manhid na,
    at hindi na makarinig ang kanilang mga tainga,
    at kanilang ipinikit ang mga mata nila;
baka ang mga mata nila'y makakita,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
    at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

16 Subalit (F) pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito'y nakaririnig. 17 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga taong matuwid ang nagnais na makita ang inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita; at nagnais marinig ang inyong naririnig, ngunit hindi nila ito narinig.

Paliwanag sa Talinghaga tungkol sa Manghahasik(G)

18 “Ngayon, pakinggan ninyo ang ibig sabihin ng talinghaga ng manghahasik: 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig tungkol sa kaharian, ngunit hindi niya ito inuunawa, dumarating ang diyablo[a] at inaagaw ang naihasik sa kanyang puso. Ito ang tinutukoy na mga naihasik sa may tabing daan. 20 Tungkol naman sa mga naihasik sa mga batuhan, ito ang taong nakikinig ng salita at agad itong tinatanggap nang may kagalakan, 21 gayunma'y hindi siya nagkaroon ng ugat, at hindi gaanong nagtatagal. Kapag may dumating na kagipitan o pag-uusig dahil sa salita, madali siyang natitisod. 22 Tungkol sa naihasik sa may mga halamang tinikan, ito ang taong nakikinig ng salita ngunit ang mga alalahanin sa sanlibutan at ang panlilinlang ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita, anupa't hindi ito nakapamumunga. 23 Tungkol naman sa naihasik sa mabuting lupa, siya ang taong nakikinig ng salita at nauunawaan ito, kaya't siya nga ang namumunga. May namumunga ng isandaan, ang iba ay animnapu, at ang iba ay tatlumpu.”

Ang Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan

24 Naglahad siya sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinasabi niya, “Ang kaharian ng langit ay maihahambing sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukirin. 25 Subalit habang natutulog ang kanyang mga tauhan, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng mga binhi ng damo sa triguhan, at umalis. 26 Kaya't nang tumubo na ang mga tanim at namunga, naglitawan din ang mga damo. 27 Lumapit ang mga alipin sa pinuno ng sambahayan at sinabi sa kanya, ‘Panginoon, hindi po ba't mabuting binhi ang inyong inihasik sa inyong bukirin? Paano nagkaroon ng mga damo roon?’ 28 Sinabi niya sa kanila, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ At sinabi ng mga alipin sa kanya, ‘Nais ba ninyong pumunta kami at bunutin ang mga damo?’ 29 Ngunit sumagot siya, ‘Huwag, baka sa pagbunot ninyo sa mga damo ay mabunot pati ang mga trigo. 30 Hayaan ninyong tumubo ang mga iyon na kasama ng mga trigo hanggang sa anihan, at pagsapit ng anihan ay sasabihan ko ang mga manggagapas. Tipunin muna ninyo ang mga damo. Talian ninyo ang mga ito upang sunugin; ngunit tipunin ninyo ang trigo sa aking kamalig.’ ”

Ang Talinghaga tungkol sa Binhi ng Mustasa(H)

31 Naglahad siya sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: Kumuha ang isang tao ng isang butil na binhi ng mustasa, at inihasik sa kanyang bukirin. 32 Pinakamaliit man ito sa lahat ng mga binhi, pagtubo nito ay siya namang pinakamalaki sa mga halaman at nagiging isang puno, kaya't ang mga ibon sa himpapawid ay dumadapo roon at nagpupugad sa kanyang mga sanga.”

Ang Talinghaga tungkol sa Pampaalsa(I)

33 Nagsalaysay siya sa kanila ng isa pang talinghaga: “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa ng tinapay na kinuha ng isang babae, at inihalo sa tatlong takal ng harina, hanggang sa mapaalsa nito ang buong masa.”

Propesiya tungkol sa mga Talinghaga(J)

34 Ang lahat ng mga ito'y sinabi ni Jesus sa maraming tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Wala siyang sinabi sa kanila kundi sa pamamagitan ng talinghaga. 35 Ito (K) ay katuparan ng sinabi sa pamamagitan ng propeta,[b]

“Sa pagbigkas ng mga talinghaga, bibig ko'y aking bubuksan,
    sasabihin ko ang mga nakatagong bagay mula pa nang itatag ang sanlibutan.”

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo

36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang napakaraming tao at pumasok sa bahay. Nilapitan siya ng kanyang mga alagad, at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga damo sa bukirin.” 37 Sumagot siya, “Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng Tao. 38 Ang bukirin ay ang sanlibutan. Ang mabuting binhi naman ay tumutukoy sa mga anak ng kaharian, subalit ang mga damo ay ang mga anak ng Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diyablo. Ang anihan ay ang katapusan ng panahon; at ang mga manggagapas ay ang mga anghel. 40 Kaya't kung paanong binubunot ang mga damo upang sunugin sa apoy, gayundin ang mangyayari sa katapusan ng panahon. 41 Isusugo ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at titipunin nila sa labas ng kanyang kaharian ang lahat ng mga sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan; 42 at ihahagis nila ang mga ito sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Pagkatapos nito, ang mga matuwid ay magliliwanag katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang mga may pandinig ay makinig!

Ang Kayamanang Nakabaon

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.

Ang Mamahaling Perlas

45 “Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. 46 Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas.

Ang Lambat

47 “At muli, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuhuli ng lahat ng uri ng isda. 48 Kapag puno na ito, hinihila ito ng mga tao sa dalampasigan. Nauupo sila upang piliin ang mabubuting isda at ilagay sa mga sisidlan, ngunit itinatapon ang mga hindi mapakikinabangan. 49 Ganoon ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Magdadatingan ang mga anghel at ibubukod nila ang masasama sa matutuwid 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kayamanang Bago at Luma

51 “Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga ito?” Sumagot ang mga alagad, “Opo.” 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya't ang bawat tagapagturo ng Kautusan na sinanay para sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang imbakan ng kayamanan.”

Itinakwil si Jesus sa Nazareth(L)

53 Pagkatapos isalaysay ni Jesus ang mga talinghagang ito, nilisan niya ang lugar na iyon. 54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan, nagturo siya sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha sila sa kanya, at nagsabi, “Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan? Paano niya nagagawa ang himalang ito? 55 Hindi ba't ito ang anak ng karpintero? Di ba't Maria ang pangalan ng kanyang ina? Di ba't mga kapatid niya sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? 56 Hindi ba't narito sa bayan natin ang lahat ng kanyang mga kapatid na babae? Saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?” 57 At (M) natisod sila sa kanya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay kinikilala kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” 58 Kaya't hindi siya gumawa roon ng maraming himala dahil sa hindi nila pagsampalataya.

Namatay si Juan na Tagapagbautismo(N)

14 Nang panahong iyon ay narinig ng pinunong[c] si Herodes ang balita tungkol kay Jesus. At sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Ang taong iyon ay si Juan na Tagapagbautismo! Siya'y ibinangon mula sa kamatayan kaya't nagagawa niya ang mga himalang ito.” Nauna noon ay (O) ipinadakip ni Herodes si Juan. Iginapos niya ito at ibinilanggo dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.[d] Sapagkat (P) pinagsasabihan siya noon ni Juan, “Labag sa batas na angkinin mo ang babaing iyan.” At kahit nais niyang ipapatay si Juan, natatakot siya sa taong-bayan sapagkat kinikilala nila si Juan na isang propeta. Subalit pagsapit ng kaarawan ni Herodes, sumayaw sa gitna ng mga panauhin ang anak na babae ni Herodias na ikinalugod naman ni Herodes. Kaya't nangako siya at nanumpa na ibibigay niya ang anumang hihingin ng dalaga. Sa sulsol ng kanyang ina ay sinabi ng dalaga, “Ibigay ninyo sa akin ngayon, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo!” Ikinalungkot ito ng hari, subalit dahil sa kanyang binitawang pangako sa harap ng mga panauhin, ipinag-utos niyang ibigay ang kahilingang iyon. 10 Nagpadala siya ng tauhan at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11 Dinala ang ulo ni Juan na nakalagay sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga, at dinala naman niya ito sa kanyang ina. 12 Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang bangkay at inilibing ito. Pagkatapos, sila'y umalis at ibinalita ito kay Jesus.

Pinakain ang Limang Libo(Q)

13 Nang marinig ito ni Jesus, nilisan niya ang lugar na iyon. Sumakay siya sa isang bangka patungo sa isang hindi mataong lugar at doon ay nag-iisa siya. Subalit nang mabalitaan ito ng napakaraming tao, naglakad sila mula sa mga bayan at sinundan siya. 14 Pagdating ni Jesus sa pampang at nakita niya ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na naroon. 15 Nang palubog na ang araw, nilapitan siya ng kanyang mga alagad at sinabi, “Malayo sa kabayanan ang lugar na ito, at pagabi na. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao para makabili sila ng makakain nila.” 16 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi na kailangang umalis pa sila; bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 At sinabi naman nila sa kanya, “Limang tinapay lang po at dalawang isda ang mayroon tayo rito.” 18 “Dalhin ninyo rito sa akin” ang sabi niya. 19 Pinaupo niya sa damuhan ang napakaraming tao. Nang makuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat para sa mga ito. Pinagputul-putol niya ang mga tinapay at ibinigay niya sa mga alagad. Ipinamahagi ito ng mga alagad sa mga tao. 20 Ang lahat ay kumain at nabusog. Pagkatapos ay tinipon ng mga alagad ang mga labis na mga pinagputul-putol na tinapay, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. 21 Mga limang libong lalaki, bukod pa sa mga babae at sa mga bata ang mga kumain.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig(R)

22 Pagkatapos ay agad niyang pinasakay sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna niya sa kabilang pampang, habang pinauuwi niya ang napakaraming tao. 23 Matapos niyang pauwiin ang mga tao, nag-iisang umakyat siya sa bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, naroroon pa rin siyang nag-iisa. 24 Ngunit nang mga sandaling iyon, ang bangka ay pumapalaot na at hinahampas ng mga alon, sapagkat pasalungat sa kanila ang hangin. 25 Nang madaling-araw na,[e] lumapit sa kanila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng lawa. 26 Nang makita ng mga alagad na lumalakad siya sa ibabaw ng tubig, nasindak sila at nagsabi, “May multo!” At nagsisigaw sila sa takot. 27 Subalit nagsalita kaagad si Jesus, at sinabi sa kanila, “Laksan ninyo ang inyong loob; ako ito. Huwag kayong matakot.” 28 Sumagot sa kanya si Pedro, “Panginoon, kung ikaw po iyan, papuntahin mo ako diyan sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29 Sinabi niya, “Halika.” Kaya't bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papalapit kay Jesus. 30 Ngunit nang mapansin ni Pedro[f] ang hangin, natakot siya. At nang siya'y nagsisimula nang lumubog ay sumigaw siya, “Panginoon, iligtas mo ako!” 31 Kaagad iniabot ni Jesus ang kamay niya at hinawakan si Pedro, at sinabihan, “Ikaw na maliit ang pananampalataya! Bakit ka nag-alinlangan?” 32 Nang makasampa na sila sa bangka ay huminto na ang hangin. 33 Sumamba sa kanya ang mga nasa bangka. Sabi nila, “Totoong ikaw ang Anak ng Diyos.”

Pinagaling ang mga Maysakit sa Genesaret(S)

34 Pagdating nila sa kabilang pampang, dumaong sila sa Genesaret. 35 Nang makilala siya ng mga tao sa lugar na iyon, ipinamalita nila ito sa buong lupain at dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit. 36 Nakiusap sila sa kanya na mahawakan nila kahit ang laylayan ng kanyang damit. At lahat ng nakahawak nito ay gumaling.

Mga Minanang Kaugalian(T)

15 Pagkatapos, dumating kay Jesus ang mga Fariseo at mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang kaugalian ng matatanda? Hindi sila naghuhugas ng kanilang mga kamay bago kumain.” Sumagot siya sa kanila, “At bakit nilalabag naman ninyo ang utos ng Diyos dahil sa inyong kaugalian? Sapagkat (U) iniutos ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama't ina;’ at ‘Ang sinumang lumait sa ama o sa ina ay dapat mamatay.’ Ngunit sinasabi ninyo na sinumang magsabi sa kanyang ama o sa kanyang ina, ‘Anumang mapapakinabangan mo mula sa akin ay ibinigay ko na sa Diyos, at ang nagsabi niyon ay hindi na kailangang gumalang pa sa kanyang ama.’ Kaya't masunod lamang ang inyong kaugalian ay binabale-wala na ninyo ang salita[g] ng Diyos. Kayong mapagkunwari! Angkop na angkop sa inyo ang ipinahayag ni Isaias nang sabihin niya,

‘Iginagalang (V) ako ng mga taong ito sa kanilang mga labi,
    subalit ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Pagsamba sa aki'y walang kabuluhan;
    pawang gawa ng tao ang kanilang katuruan.’ ”

Ang Nagpaparumi sa Tao(W)

10 Tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayo at unawain ninyo ito: 11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang sanhi ng pagiging marumi ng isang tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang sanhi ng kanyang pagiging marumi.” 12 Pagkatapos ay dumating ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Alam ba ninyong nasaktan ang mga Fariseo nang marinig nila ang sinabi ninyong ito?” 13 Ngunit sumagot siya, “Bubunutin ang lahat ng halamang hindi itinanim ng aking Amang nasa langit. 14 Hayaan (X) ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay.[h] At kung ang bulag ay umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.” 15 Sumagot naman si Pedro, “Ipaliwanag mo po sa amin ang talinghaga.” 16 At sinabi niya, “Hanggang ngayon ba'y hindi pa rin kayo marunong umunawa? 17 Hindi ba ninyo alam na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at idinudumi? 18 Ngunit (Y) ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso at iyon ang nagpaparumi sa tao. 19 Sapagkat sa puso nagmumula ang masasamang pag-iisip, pagpaslang, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsisinungaling, at panlalait. 20 Ang mga ito ang sanhi ng pagiging marumi ng isang tao, subalit ang kumain nang hindi nahugasan ang mga kamay nang ayon sa minanang turo ay hindi nakapagpaparumi sa sinuman.”

Ang Pananampalataya ng Babaing Taga-Canaan(Z)

21 Umalis doon si Jesus at pumunta sa karatig-pook ng Tiro at Sidon. 22 Naroon ang isang babaing taga-Canaan na mula sa lupaing iyon. Siya'y nagsisisigaw, “Maawa ka po sa akin, Panginoon, Anak ni David! Ang anak kong babae ay pinahihirapan ng isang demonyo.” 23 Ngunit hindi man lamang siya sumagot sa babae. Lumapit ang mga alagad niya at nakiusap sa kanya, “Paalisin mo po siya, sapagkat nagsisisigaw siya sa hulihan natin.” 24 At sumagot siya, “Ako'y sinugo para lamang sa mga nawawalang tupa ng sambahayan ni Israel.” 25 Ngunit lumapit ang babae, lumuhod sa harapan niya at sinabi, “Panginoon, tulungan mo po ako.” 26 Sumagot si Jesus, “Hindi tamang kunin ang kinakain ng mga anak at ihagis ito sa mga aso.” 27 Ngunit sagot ng babae, “Opo, Panginoon. Ngunit ang mga aso man ay kumakain ng mga mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya't sumagot si Jesus sa kanya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari para sa iyo ang hinihiling mo.” At gumaling ang kanyang anak na babae sa oras ding iyon.

Maraming Pinagaling si Jesus

29 Umalis doon si Jesus at bumagtas sa tabi ng Dagat ng Galilea. Umakyat siya sa bundok at naupo roon. 30 Dumagsa sa kanya ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, mga paralitiko, mga bulag, mga pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga ito sa kanyang paanan at sila'y kanyang pinagaling. 31 Namangha ang maraming tao nang makita nilang nakapagsasalita ang mga pipi, lumalakas ang mga paralitiko, nakalalakad ang mga piláy, at nakakikita ang mga bulag. At pinuri nila ang Diyos ng Israel.

Pinakain ang Apat na Libo(AA)

32 Pagkatapos ay tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Naaawa ako sa maraming taong ito, sapagkat tatlong araw ko na silang kasama at ngayon ay wala silang pagkain. Ayaw ko naman silang paalising gutóm, at baka himatayin sila sa daan.” 33 At sinabi sa kanya ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha ng sapat na tinapay sa liblib na pook na ito upang ipakain sa ganito karaming tao?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ilan ba ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po, at ilang maliliit na isda.” 35 Pinaupo niya sa lupa ang mga tao, 36 kinuha ang pitong tinapay at ang mga isda at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga tao. 37 Silang lahat ay kumain at nabusog. At nakapagtipon sila ng pitong kaing na punô ng mga labis na pinagputul-putol na pagkain. 38 May apat na libong lalaki ang kumain bukod pa sa mga babae at sa mga bata. 39 Pagkatapos pauwiin ang maraming tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa nasasakupan ng Magadan.

Humingi ng Mahimalang Tanda kay Jesus(AB)

16 Dumating (AC) ang mga Fariseo at ang mga Saduceo, at upang subukin si Jesus, hiniling nila sa kanya na magpakita sa kanila ng isang himala mula sa langit. Sinabi niya sa kanila, “[Sa dapithapon ay sinasabi ninyo, ‘Maganda ang panahon bukas, sapagkat mapula ang langit.’ At sa umaga, ‘Maulan ngayon, sapagkat mapula ang langit at makulimlim.’ Marunong kayong bumasa ng anyo ng langit, subalit hindi kayo marunong umunawa ng mga palatandaan ng mga panahon.][i] Ang (AD) isang masama at taksil na lahi ay humahanap ng mahimalang tanda, ngunit walang mahimalang tanda na ibibigay rito, maliban sa tanda ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan niya sila at siya ay umalis.

Ang Pampaalsang Gamit ng mga Fariseo at ng mga Saduceo(AE)

Nang tumawid sa kabilang pampang ang mga alagad ay nakalimutan nilang magdala ng tinapay. Sinabi (AF) ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at iwasan ninyo ang pampaalsang ginagamit ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.” Pinag-usapan nila iyon at sinabi nila, “Dahil hindi tayo nagdala ng tinapay.” Ngunit batid ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Kayong mahina ang pananampalataya! Bakit pinagtatalunan ninyo na kayo'y walang tinapay? Hindi (AG) pa ba kayo nakauunawa? Hindi ba ninyo naaalala ang limang tinapay na ipinakain sa limang libo at kung ilang kaing ang inyong natipon; 10 o (AH) iyong pitong tinapay na ipinakain sa apat na libo at kung ilang kaing ang inyong natipon? 11 Paanong hindi ninyo nauunawaan na hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Fariseo at mga Saduceo!’ ” 12 Noon ay naunawaan nila na hindi niya sinabing mag-ingat sila sa pampaalsa ng tinapay, kundi sa itinuturo ng mga Fariseo at mga Saduceo.

Ang Pahayag ni Pedro tungkol kay Jesus(AI)

13 Nang dumating si Jesus sa pook ng Cesarea Filipos, nagtanong siya sa kanyang mga alagad ng ganito, “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” 14 At (AJ) sumagot sila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias, at ang iba naman ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” 16 Sumagot (AK) si Simon Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” 17 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang nagpahayag nito sa iyo ay hindi laman at dugo kundi ang aking Amang nasa langit. 18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro,[j] at sa ibabaw ng batong[k] ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay (AL) ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay ang natalian na sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay ang nakalagan na sa langit.” 20 Pagkatapos ay mahigpit niyang pinagbilinan ang mga alagad na huwag sasabihin kaninuman na siya ang Cristo.

Sinabi ni Jesus ang Kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay(AM)

21 Mula noon ay nagsimula si Jesus na tahasang sabihin sa kanyang mga alagad na kailangang pumunta siya sa Jerusalem, at magdusa ng maraming bagay sa kamay ng matatandang pinuno, at sa mga pinunong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Doon, siya'y papatayin at sa ikatlong araw ay muling bubuhayin. 22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Kahabagan ka nawa, Panginoon! Hindi po kailanman mangyayari iyon sa iyo.” 23 Hinarap niya si Pedro at sinabihan ito, “Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Sagabal ka sa akin, sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa Diyos, kundi ang mga bagay ng tao.”

Pasanin ang Krus at Sumunod kay Jesus

24 Pagkatapos (AN) ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa akin, talikuran niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Sapagkat (AO) sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay[l] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay kanyang matatagpuan ito. 26 Sapagkat ano ang magiging pakinabang ng tao, kung makamtan niya ang buong daigdig subalit buhay naman niya ang kapalit? O ano ang maibibigay ng tao, kapalit ng kanyang buhay? 27 Sapagkat (AP) darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel sa kaluwalhatian ng kanyang Ama; at gagantihan niya ang lahat ng tao ayon sa kanilang mga gawa. 28 Tinitiyak ko sa inyo, may ilan sa nakatayo rito, na hindi makalalasap ng kamatayan, hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating na naghahari sa kanyang kaharian.”

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(AQ)

17 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at ang kapatid nitong si Juan, at sila'y kanyang dinala na walang kasamang iba sa isang mataas na bundok. At nagbagong-anyo siya sa harapan nila, nagliwanag ng tulad sa araw ang kanyang mukha, at naging parang ilaw sa kaputian ang kanyang mga damit. At doon ay nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kanya. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti at naririto tayo. Kung nais mo po, gagawa ako ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.” Nagsasalita (AR) (AS) pa siya noon nang napailalim sila sa isang maningning na ulap, at isang tinig mula roon ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak; sa kanya ako'y lubos na nasisiyahan. Siya ang inyong pakinggan.” Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila at labis na natakot. Subalit lumapit si Jesus at sila'y hinawakan. Sinabi niya, “Bumangon kayo at huwag kayong matakot.” Pagtingin nila ay wala silang nakitang sinuman, kundi si Jesus lamang. At nang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa pangitain, hanggang ang Anak ng Tao ay muling buhayin mula sa mga patay.” 10 Tinanong (AT) siya ng kanyang mga alagad, “Kung gayon, bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan munang dumating si Elias?” 11 Sumagot siya, “Talagang darating si Elias at panunumbalikin ang lahat ng mga bagay. 12 Subalit (AU) sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias, ngunit siya'y hindi nila kinilala, sa halip ay kanilang ginawa sa kanya ang anumang kanilang maibigan. Gayundin naman, ang Anak ng Tao ay malapit nang dumanas ng pagdurusa sa kanilang mga kamay.” 13 At naunawaan ng mga alagad na tungkol kay Juan na Tagapagbautismo ang sinasabi niya sa kanila.

Pinagaling ni Jesus ang Batang Sinasaniban ng Demonyo(AV)

14 At pagdating nila sa maraming tao, may isang lalaking lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya. 15 Sinabi niya, “Panginoon, maawa ka po sa aking anak na lalaki. Siya'y may epilepsiya at lubhang nahihirapan; madalas siyang bumabagsak sa apoy at pati sa tubig. 16 Dinala ko siya sa iyong mga alagad, ngunit siya'y hindi nila kayang pagalingin.” 17 Sumagot si Jesus, “Kayong walang pananampalataya at napakasamang lahi, hanggang kailan ko pa kayo makakasama? Gaano katagal pa akong magtitiis sa inyo? Dalhin ninyo siya rito.” 18 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at lumabas ito sa bata. Ang bata ay gumaling nang oras ding iyon. 19 Pagkatapos ay lumapit nang sarilinan ang mga alagad kay Jesus at nagtanong sila, “Bakit po hindi namin nakayang palayasin iyon?” 20 Sinabi (AW) niya sa kanila, “Maliit kasi ang inyong pananampalataya. Sapagkat tinitiyak ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinlaki ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon mula rito,’ at ito'y lilipat. Walang anuman na hindi ninyo kayang gawin. 21 Ngunit hindi lumalabas ang ganitong uri ng demonyo maliban sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.”[m]

Muling Binanggit ni Jesus ang tungkol sa Kanyang Kamatayan(AX)

22 Nang sila'y nagkatipon[n] sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ipagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. 23 Siya'y kanilang papatayin subalit siya'y muling bubuhayin sa ikatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng mga alagad.

Pagbabayad ng Buwis para sa Templo

24 Pagdating (AY) nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis[o] para sa templo at nagtanong sila, “Nagbabayad ba ng buwis sa templo ang inyong guro?” 25 Siya'y sumagot, “Opo, nagbabayad siya.” At pagdating niya sa bahay, naunang nagsalita si Jesus at nagtanong, “Ano sa palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad o buwis ang mga hari sa lupa? Sa kanila bang mga anak o sa ibang tao?” 26 At nang sabihin niya, “Sa ibang tao,” ay sinabi sa kanya ni Jesus, “Samakatuwid, hindi na pinagbabayad ang mga anak. 27 Ngunit upang hindi sila magkasala dahil sa atin, pumunta ka sa lawa at maghulog ka ng bingwit. Kunin mo ang unang isdang lilitaw, at pagkabuka mo sa bibig niyon ay makakakita ka roon ng salaping pilak. Kunin mo iyon at ibigay mo sa kanila, pambuwis nating dalawa.”

Ang Pinakadakila(AZ)

18 Nang (BA) sandaling iyon ay lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Pinalapit niya ang isang munting bata at inilagay sa gitna nila. At sinabi (BB) niya, “Tinitiyak ko sa inyo, kung hindi kayo magbabago at magiging katulad ng mga bata, hindi kayo kailanman makapapasok sa kaharian ng langit. Kaya't sinumang nagpapakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Mga Sanhi ng Pagkakasala(BC)

“At sinumang tumatanggap sa isang batang tulad nito dahil sa pangalan ko ay ako ang tinatanggap. Ngunit sinumang maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, mas mabuti pa sa taong iyon na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y lunurin sa kailaliman ng dagat. Kaysaklap ng sasapitin ng sanlibutan dahil sa mga sanhi ng pagkakasala! Sadya namang darating ang mga sanhi ng pagkakasala. Subalit kay saklap ng sasapitin ng taong pinanggagalingan ng mga sanhi ng pagkakasala! Kaya't (BD) kung ang kamay mo o ang paa mo ang nagtutulak sa iyo upang magkasala, putulin mo ito at itapon. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay[p] na may kapansanan o paralitiko kaysa may dalawang kamay o dalawang paa na maitapon ka sa apoy na walang hanggan. At (BE) kung ang mata mo ang nagtutulak sa iyo upang magkasala, dukutin mo ito at itapon. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kaysa may dalawa kang mata ngunit itatapon ka naman sa apoy ng impiyerno.[q]

Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa(BF)

10 “Mag-ingat kayo (BG) na huwag ninyong hamakin ang isa man sa maliliit na ito sapagkat, sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel sa langit ay palaging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. 11 [Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang iligtas ang napapahamak.][r] 12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may sandaang tupa, at isa sa kanila ay naligaw. Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam sa bundok, at lumalakad siya upang hanapin ang naligaw? 13 At kapag natagpuan na niya ito, tinitiyak ko sa inyo, higit siyang matutuwa para dito nang higit kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, hindi kalooban ng inyong[s] Amang nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

15 “Kung (BH) magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at pagsabihan mo tungkol sa kanyang pagkakamali. Gawin mo ito na kayong dalawa lamang. Kung siya'y makinig sa iyo, napanumbalik mo na ang iyong kapatid. 16 Subalit (BI) kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat usapin. 17 Kung ayaw pa rin niyang makinig sa kanila, idulog mo ito sa iglesya; at kung ayaw niyang makinig pati sa iglesya, ituring mo siyang isang pagano at maniningil ng buwis. 18 Tinitiyak (BJ) ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay natalian na sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay nakalagan na sa langit. 19 Inuulit ko, na kapag ang dalawa sa inyo ay nagkasundo dito sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling ay gagawin iyon para sa kanila ng aking Amang nasa langit. 20 Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagpupulong sa aking pangalan, naroroon ako sa gitna nila.” 21 Noon (BK) ay lumapit si Pedro at sinabi sa kanya, “Panginoon, hanggang ilang ulit ko po bang patatawarin ang aking kapatid kapag siya'y nagkasala sa akin? Hanggang pitong ulit po ba?” 22 Sumagot (BL) si Jesus, “Hindi ko sinasabi sa iyo na hanggang pitong ulit, sa halip ay hanggang sa ikapitong pitumpu.[t]

Ang Talinghaga ng Aliping Hindi Nagpapatawad

23 “Kaya't ang kaharian ng langit ay maihahambing dito: May isang haring nagpasyang ipatawag ang kanyang mga alipin upang sila'y makipag-ayos tungkol sa kanilang mga utang. 24 Nang magsimula na siyang magkuwenta, iniharap sa kanya ang isang may utang sa kanya ng sampung libong talento.[u] 25 Sapagkat wala siyang maibayad, ipinag-utos ng kanyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kanyang asawa at mga anak, at samsamin ang lahat ng kanyang ari-arian upang siya'y magbayad. 26 Kaya't lumuhod ang alipin, at nakiusap, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng palugit at makababayad din ako sa lahat ng utang ko sa inyo.’ 27 Nahabag naman sa alipin ang kanyang panginoon, kaya't siya'y pinakawalan at pinatawad sa kanyang pagkakautang. 28 Subalit sa paglabas ng alipin ding iyon, ay nakita niya ang isa niyang kapwa alipin na may utang sa kanya ng isandaang denaryo. Bigla niya itong hinawakan at sinakal, ‘Magbayad ka na ng utang mo,’ ang sabi niya. 29 Lumuhod sa harap niya ang kanyang kapwa alipin at nakiusap sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng palugit, at babayaran kita.’ 30 Subalit hindi siya mapakiusapan. Sa halip ay umalis siya at ipinakulong ang kapwa alipin[v] hanggang sa makapagbayad ito ng utang. 31 Nang makita ng iba pang mga alipin ang pangyayari, labis nila itong ikinalungkot. Pumunta sila sa kanilang panginoon at isinumbong sa kanya ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag nga siya ng kanyang panginoon, at sinabi sa kanya, ‘Napakasama mong alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang sapagkat nakiusap ka sa akin. 33 Hindi ba dapat naawa ka sa iyong kapwa alipin, kung paanong naawa ako sa iyo?’ 34 At sa galit ay ibinigay siya ng kanyang panginoon sa mga tagapagparusa sa loob ng bilangguan hanggang sa makabayad siya sa lahat ng kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin ng aking Amang nasa langit sa bawat isa sa inyo kung hindi kayo taos-pusong magpapatawad sa inyong kapatid.”

Ang Turo ni Jesus tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa(BM)

19 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga ito, nilisan niya ang Galilea at pumunta sa mga nasasakupan ng Judea sa dakong ibayo ng Jordan. Sumunod sa kanya ang napakaraming tao, at doon, sila'y kanyang pinagaling. May mga Fariseong lumapit sa kanya at upang subukin siya, sila'y nagtanong, “Naaayon ba sa batas na paalisin ng isang tao ang kanyang asawa at hiwalayan ito sa anumang kadahilanan?” Sumagot (BN) siya, “Hindi ba ninyo nabasa na ang lumikha sa kanila noong pasimula ay ‘lumikha sa kanilang lalaki at babae,’ at (BO) sinabi rin, ‘Kaya nga iiwan ng isang tao ang kanyang ama at ina at ibubuklod sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isang laman’? Sa gayon, hindi na sila dalawa kundi isang laman. Kaya't ang pinagbuklod na ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao.” Nagtanong (BP) sila sa kanya, “Kung gayon, bakit ipinag-utos sa amin ni Moises na magbigay ng kasulatan ng pagpapaalis at hiwalayan ang babae?” Sumagot siya sa kanila, “Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan kayo ni Moises na hiwalayan ang inyong mga asawang babae; subalit noong pasimula ay hindi ganoon. Sinasabi (BQ) ko sa inyo: sinumang magpaalis at makipaghiwalay sa kanyang asawa, liban na lamang kung pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. At sinumang nakipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.”[w] 10 Sinabi ng mga alagad sa kanya, “Kung gayon ang kalagayan ng isang taong may asawa, mas mabuti pang huwag mag-asawa.” 11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ito kayang tanggapin ng lahat maliban sa kanila na pinagkalooban nito. 12 Sapagkat may mga taong hindi makapag-asawa[x] dahil sa kanilang kapansanan buhat pa nang sila'y isilang. May mga tao namang hindi makapag-asawa dahil sa kagagawan ng ibang tao. At may mga taong nagpasyang hindi na mag-asawa alang-alang sa kaharian ng langit. Ang may kayang tumanggap nito ay hayaang tumanggap nito.”

Ang Pagbasbas ni Jesus sa Maliliit na Bata(BR)

13 Pagkatapos nito ay inilapit sa kanya ang maliliit na bata, upang kanyang ipatong sa kanila ang mga kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga taong nagdala ng mga bata. 14 Subalit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga katulad nila nakalaan ang kaharian ng langit.” 15 Pagkatapos niyang ipatong sa kanila ang kanyang mga kamay ay umalis na siya roon.

Ang Kabataang Mayaman(BS)

16 May isang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, ano po bang mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 17 At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Subalit kung nais mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos.” 18 Sumagot (BT) ito sa kanya, “Alin po sa mga iyon?” Sinabi ni Jesus, “Huwag kang papaslang; Huwag kang mangangalunya; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; 19 Igalang (BU) mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” 20 Sinabi sa kanya ng kabataang lalaki, “Nasunod ko po ang lahat ng ito;[y] ano pa kaya ang kulang sa akin?” 21 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod sa akin.” 22 Subalit nang marinig ng kabataang lalaki ang salitang ito, umalis siyang napakalungkot, sapagkat napakarami niyang ari-arian. 23 At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tinitiyak ko sa inyo, napakahirap para sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng langit. 24 At inuulit ko sa inyo, mas madali pa sa isang kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom, kaysa pumasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng Diyos.” 25 Labis na nagtataka ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya't sila'y nagtanong, “Sino, kung gayon, ang maliligtas?” 26 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng mga tao, ngunit ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” 27 Sumagot si Pedro sa kanya, “Tingnan ninyo, tinalikuran namin ang lahat upang sumunod sa inyo. Ano naman po ang makukuha namin?” 28 Sumagot (BV) si Jesus sa kanila, “Tinitiyak ko sa inyo, sa panahon ng pagpapanibago ng lahat ng bagay, sa pag-upo ng Anak ng Tao sa trono ng kanyang kaluwalhatian, kayong mga sumunod sa akin ay uupo rin sa labindalawang trono bilang mga hukom sa labindalawang lipi ng Israel. 29 At sinumang nag-iwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, ng ama, o ina, ng mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng makaisandaang ulit ng mga bagay na ito at magkakamit ng buhay na walang hanggan. 30 Ngunit (BW) maraming mga nauna ang máhuhulí, at mga náhulí ang mauuna.

Footnotes

  1. Mateo 13:19 Sa Griyego, masama.
  2. Mateo 13:35 Sa ibang manuskrito ay propeta Isaias.
  3. Mateo 14:1 Sa Griyego, tetrarka, pinuno ng ikaapat na bahagi ng isang teritoryo.
  4. Mateo 14:3 Sa ibang mga manuskrito asawa ng kanyang kapatid na lalaki.
  5. Mateo 14:25 Sa Griyego, ikaapat na pagbabantay sa gabi.
  6. Mateo 14:30 Sa ibang mga manuskrito malakas na hangin.
  7. Mateo 15:6 Sa ibang matatandang manuskrito ay kautusan.
  8. Mateo 15:14 Sa ibang mga manuskrito may dagdag na ng bulag.
  9. Mateo 16:3 Sa ibang manuskrito wala ang mga talatang ito.
  10. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petros.
  11. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petra.
  12. Mateo 16:25 o kaluluwa.
  13. Mateo 17:21 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
  14. Mateo 17:22 Sa ibang mga manuskrito nakatira.
  15. Mateo 17:24 Sa Griyego, dalawang drachma.
  16. Mateo 18:8 o buhay na walang hanggan.
  17. Mateo 18:9 Sa Griyego, Gehenna.
  18. Mateo 18:11 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
  19. Mateo 18:14 Sa ibang manuskrito aking.
  20. Mateo 18:22 o ikapitumpu't pito.
  21. Mateo 18:24 Ang isang talento ay katumbas ng higit sa labinlimang taong sahod ng manggagawa.
  22. Mateo 18:30 Sa Griyego, kanyang ipinakulong siya.
  23. Mateo 19:9 Sa ibang mga manuskrito wala ang huling pangungusap ng talatang ito.
  24. Mateo 19:12 Sa Griyego, eunuko.
  25. Mateo 19:20 Sa ibang mga manuskrito may ganitong karugtong, mula sa pagkabata.