Lucas 9:24-26
Ang Salita ng Diyos
24 Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay aymawawala niya ito. Ang sinumang mawalan ng buhay alang-alang sa akin ay maililigtas niya ito. 25 Ito ay sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung matamo man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kaniyang sarili? 26 Ang sinumang magmakahiya sa akin at sa akingmga salita ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao sa pagparito niya sa kaniyang kaluwalhatian, at ng Ama at ng mga banal na anghel.
Read full chapter
Lucas 9:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Sapagkat sinumang nais magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Subalit sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magliligtas nito. 25 Sapagkat ano ang mapapakinabang ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? 26 Sapagkat kung ako ay ikahihiya ng sinuman gayundin ang aking mga salita, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao pagdating niya sa kanyang kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.