Lucas 24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nabuhay Muli si Jesus(A)
24 Maagang-maaga pa ng unang araw ng sanlinggo, pumunta na ang mga babae sa libingan dala ang mga pabango na kanilang inihanda. 2 Natagpuan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. 3 Pagpasok nila ay hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus. 4 Habang sila ay takang-taka dahil dito, biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nagniningning ang kasuotan. 5 Sa kanilang takot ay dumapa sila sa lupa. Sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa piling ng mga patay? 6 Wala siya rito. Siya'y muling binuhay! Natatandaan ba ninyo ang sinabi niya sa inyo nang nasa Galilea pa siya? 7 ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa mga kamay ng makasalanan, at ipako sa krus, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’ ” 8 Kaya't naalala nila ang sinabi ni Jesus. 9 Pagbalik nila mula sa libingan, ibinalita nila ang lahat ng iyon sa labing-isa at sa iba pa nilang kasamahan. 10 Ang nagbalita ng mga ito sa mga apostol ay sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at iba pang mga babaing kasama nila. 11 Ngunit inakala ng mga apostol na walang kabuluhan ang mga iyon kaya't hindi nila pinaniwalaan ang mga babae. 12 Ngunit tumakbo si Pedro patungo sa libingan at nang yumukod ay nakita na lamang niya ang mga telang lino. Kaya't umuwi siyang nagtataka sa nangyari.
Ang Paglalakad Patungong Emaus(B)
13 Nang araw ding iyon, dalawa sa mga alagad ang naglalakbay patungo sa nayong kung tawagin ay Emaus na may labindalawang kilometro[a] ang layo sa Jerusalem. 14 Pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng mga nangyaring ito. 15 Habang sila ay nag-uusap at nagpapaliwanagan, mismong si Jesus ay lumapit at nakisabay sa kanila. 16 Subalit tila tinakpan ang kanilang mga mata upang siya ay hindi nila makilala. 17 Nagtanong si Jesus sa kanila, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo habang kayo'y naglalakad?” At tumigil silang bakas ang kalungkutan sa mukha. 18 Sumagot ang isa sa kanila, na ang pangalan ay Cleopas, “Ikaw lang ba ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na nangyari doon sa mga araw na ito?” 19 Sinabi niya sa kanila, “Anong mga bagay?” Sumagot sila, “Ang mga tungkol kay Jesus na taga-Nazareth, isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at ng buong sambayanan. 20 Ibinigay siya ng aming mga punong pari at ng mga pinuno upang hatulan ng kamatayan at ipako sa krus. 21 Subalit umasa sana kaming siya ang tutubos sa Israel. Bukod pa sa lahat ng mga ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang nangyari ang mga ito. 22 Binigla pa kami ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga pa lang, nagpunta sila sa libingan, 23 ngunit hindi nila natagpuan doon ang kanyang bangkay, kaya bumalik sila at sinabi sa amin na nagkaroon sila ng isang pangitain ng mga anghel na nagsasabing buháy si Jesus. 24 Pumunta sa libingan ang ilan sa amin at natagpuan nga nila gaya ng sinabi ng mga babae ngunit siya ay hindi nila nakita.” 25 Sinabi niya sa kanila, “Mga hangal! Kay bagal naman ng inyong pang-unawa at hindi pinaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta! 26 Hindi ba't ang Cristo ay kailangang magdusa ng lahat ng ito bago siya pumasok sa kanyang kaluwalhatian?” 27 Ipinaliwanag niya sa kanila ang sinasabi ng lahat ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises at sa lahat ng mga propeta. 28 Nang malapit na sila sa nayong kanilang pupuntahan, lumalakad siya na parang magpapatuloy pa, 29 ngunit siya'y kanilang pinakiusapan ng ganito: “Tumuloy muna kayo sa amin sapagkat gumagabi na at lumulubog na ang araw.” Kaya't pumasok siya upang tumuloy sa kanila. 30 Nang nakaupo siya sa hapag kasalo nila, kumuha siya ng tinapay at ito'y binasbasan. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. 31 Nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, ngunit bigla na lang siyang naglaho sa kanilang paningin. 32 At sinabi nila sa isa't isa, “Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan, habang ipinapaliwanag niya sa atin ang Kasulatan?” 33 Nang oras ding iyon ay bumalik sila sa Jerusalem; natagpuan nila na nagtitipon doon ang labing-isa at ang iba pa nilang kasamahan. 34 Sabi nila, “Totoo ngang nabuhay muli ang Panginoon at nagpakita kay Simon!” 35 Kaya't isinalaysay nila ang nangyari sa daan at kung paano nila nakilala si Jesus nang siya'y magpuputul-putol ng tinapay.
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(C)
36 Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa gitna nila at nagsabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 37 Subalit kinilabutan sila at natakot at inakala nilang espiritu ang kanilang nakikita. 38 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at aking mga paa. Ako ito. Hipuin ninyo ako at masdan; sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, at nakikita ninyong mayroon ako ng mga ito.” 40 At pagkasabi niya nito ay ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa. 41 Bagama't hindi pa sila lubusang makapaniwala dahil sa tuwa at pagkamangha, sinabi sa kanila ni Jesus, “Mayroon ba kayo ritong makakain?” 42 Kaya't siya ay binigyan nila ng isang piraso ng inihaw na isda. 43 At pagkatanggap nito, kumain siya sa harapan nila. 44 Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ko sa inyo noong kasama ko pa kayo. Kailangang matupad ang lahat ng naisulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga Propeta, at sa mga Awit.” 45 At binuksan niya ang kanilang isipan upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila, “Ito nga ang nasusulat: magdurusa ang Cristo ngunit babangong muli sa ikatlong araw mula sa kamatayan, 47 at sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan ay ipapangaral sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem. 48 Mga saksi kayo sa lahat ng mga ito. 49 Tandaan ninyo; ako mismo ang magpapadala sa inyo ng ipinangako sa inyo ng aking Ama; ngunit manatili kayo sa lungsod hanggang sa mabihisan kayo ng kapangyarihan mula sa kaitaasan.”
Dinalang Paitaas sa Langit si Jesus(D)
50 Isinama ni Jesus sa labas ng lungsod ang mga alagad hanggang sa Betania; itinaas niya ang kanyang mga kamay at binasbasan sila. 51 Habang sila'y binabasbasan, siya'y papalayo sa kanila. At dinala siyang paitaas sa langit. 52 At siya'y sinamba nila, pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan. 53 Palagi sila sa templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.
Footnotes
- Lucas 24:13 labindalawang kilometro: Sa Griyego, animnapung estadia.
Luke 24
New Matthew Bible
The women come to the grave. Christ appears to the two disciples on their way to Emmaus, stands in the midst of his disciples, opens their understanding in the scriptures, gives them a charge, and ascends up to heaven.
24 On the morrow after the Sabbath, early in the morning, the women went to the tomb, bringing the spices they had prepared and other women with them. 2 And they found the stone rolled away from the sepulchre, 3 and went in, but did not find the body of the Lord Jesus. 4 And it happened as they wondered at this, behold, two men stood by them in shining vestures.
5 And as the women became afraid and bowed down their faces to the earth, they said to them, Why do you seek the living among the dead? He is not here, but is risen. 6 Remember how he spoke to you when he was yet with you in Galilee, 7 saying that the Son of man must be delivered into the hands of sinful men and be crucified, and the third day rise again?
8 And they remembered his words, 9 and returned from the sepulchre, and told all these things to the eleven and to all the rest. 10 It was Mary Magdalene, Joanna, Mary Jacobi, and others that were with them, who told these things to the apostles. 11 But their words seemed to them like vain things, and they did not believe them.
12 Then Peter arose and ran to the sepulchre, and stooped in and saw the linen cloths laid by themselves. And he departed, wondering in himself at that which had happened.
13 And behold, two of them set out that same day for a town called Emmaus, which was about sixty furlongs from Jerusalem, 14 and they talked together about all these things that had happened. 15 And it so was, as they conversed together and discussed, that Jesus himself drew near and went alongside them. 16 But their eyes were held, so they could not know him. 17 And he said to them, What sort of conversations are these that you are having with each other as you walk and are sad?
18 And the one named Cleopas answered and said to him, Are you only a stranger in Jerusalem, and do not know about the things that have happened there in these days?
19 Jesus said to them, What things?
And they said to him, Of Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, 20 and how the high priests and our rulers delivered him to be condemned to death, and have crucified him. 21 But we trusted that it was he who would deliver Israel. And regarding all these things, today is just the third day since they happened. 22 Yea, and also certain women of our company have us mystified. They went early to the sepulchre, 23 but did not find his body, and came saying that they had seen a vision of angels who said that he was alive. 24 And some of those who were with us went their way to the sepulchre and found it just as the women had said, but they did not see him.
25 And he said to them, O foolish ones, and slow of heart to believe all that the prophets have spoken! 26 Ought not the Christ to have suffered these things and to enter into his glory?
27 And he began at Moses and at all the prophets, and interpreted to them all the scriptures that were written about him. 28 And they drew near the town they were headed to, and Jesus made as though he would have gone further. 29 But they constrained him, saying, Stay with us, for it is drawing towards night and the day is far past. And he went in to stay with them.
30 And it came to pass, as he sat at food with them, he took bread, blessed it, broke, and gave to them. 31 And their eyes were opened and they knew him; and he vanished out of their sight. 32 And they said between themselves, Did not our hearts burn within us while he talked with us along the road and as he opened to us the scriptures?
33 And they rose up the same hour and returned again to Jerusalem. And they found the eleven gathered together, and those who were with them, 34 who said, The Lord is risen indeed, and has appeared to Simon!
35 And the two told what things had happened along the road, and how they knew him in the breaking of bread.
36 As they were thus speaking, Jesus himself stood in the midst of them and said to them, Peace be with you. 37 And they were startled and afraid, supposing they saw a spirit. 38 And he said to them, Why are you troubled, and why do doubts arise in your hearts? 39 Behold my hands and my feet, that it is even I myself. Handle me and see. For spirits do not have flesh and bones, as you see me to have.
40 And when he had thus spoken, he showed them his hands and his feet. 41 And while they still could not believe for joy and wonderment, he said to them, Have you any food here? 42 And they gave him a piece of broiled fish and some honeycomb. 43 And he took it and ate it before them.
44 And he said to them, These are the things that I told to you while I was still with you: that all must be fulfilled that was written about me in the law of Moses, and in the Prophets, and in the Psalms.
45 Then he opened their wits to understand the scriptures, 46 and said to them, Thus it is written, and thus it was necessary for Christ to suffer, and to rise again from death the third day, 47 and that repentance and remission of sins should be preached in his name among all nations, and must begin at Jerusalem. 48 And you are witnesses of these things. 49 And behold, I will send the promise of my Father upon you. But stay in the city of Jerusalem until you are endued with power from on high.
50 And he led them out into Bethany, and lifted up his hands and blessed them. 51 And it came to pass, as he blessed them, he departed from them and was carried up into heaven.
52 And they worshipped him, and returned to Jerusalem with great joy, 53 and were continually in the temple, praising and lauding God.
Amen.
Here ends the gospel
of Saint Luke.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2016 by Ruth Magnusson (Davis). Includes emendations to February 2022. All rights reserved.