Add parallel Print Page Options

Ang lahat ng nakakita nito ay nagsimulang magbulungan, “Pumasok siya upang maging panauhin sa bahay ng isang makasalanan.” Tumayo si Zaqueo at sinabi sa Panginoon, “Panginoon, masdan po ninyo, ibibigay ko sa mahihirap ang kalahati ng aking pag-aari. At kung mayroon man akong dinaya, ibabalik ko iyon nang apat na ulit.” At sinabi sa kanya ni Jesus, “Sa araw na ito, ang kaligtasan ay dumating sa bahay na ito, sapagkat ang taong ito ay anak din ni Abraham.

Read full chapter

Nang kanilang makita ito ay nagbulungan silang lahat, na nagsasabi, “Siya'y pumasok upang maging panauhin ng isang taong makasalanan.”

Si Zaqueo ay tumindig at sinabi sa Panginoon, “Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha at kung sa pamamagitan ng pandaraya ay may kinuha ako sa kanino mang tao, babayaran ko siya ng apat na ulit.”

At sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating sa bahay na ito ngayon ang kaligtasan, sapagkat siya man ay anak din ni Abraham.

Read full chapter

At nang makita nila ito, ay nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan.

At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat.

At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't siya'y anak din naman ni Abraham.

Read full chapter

Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilangsinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.

Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham.

Read full chapter