Add parallel Print Page Options

Katuruan tungkol sa Pananalangin(A)

11 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,

‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.
    Dumating nawa ang iyong kaharian.
    Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw.[a]
    At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso.’”

Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, pahiram muna ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo akong gambalain! Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para bigyan ka ng kahit ano.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13 Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”[b]

Si Jesus at si Beelzebul(B)

14 Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyo mula sa isang lalaking pipi. Nang nakapagsalita ito, ang mga tao ay humanga kay Jesus. 15 Subalit(C) sinabi naman ng ilan sa mga naroon, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.”

16 May(D) mga nagnanais na siya'y subukin kaya't patuloy na humihiling na magpakita siya ng isang himala mula sa langit. 17 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Ang bawat kahariang naglalaban-laban ang mga mamamayan ay babagsak, at alinmang sambahayang sila-sila ang naglalaban ay mawawasak. 18 Kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul. 19 Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, sa kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Sila na rin ang magpapatunay na mali kayo. 20 Nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Diyos, at ito'y nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos.

21 “Kapag ang isang taong malakas ay nagbabantay sa kanyang bahay na dala ang kanyang mga sandata, ligtas ang kanyang mga ari-arian. 22 Ngunit kung salakayin siya ng isang taong higit na malakas kaysa kanya, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi nito ang mga inagaw na ari-arian.

23 “Ang(E) hindi ko kakampi ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nag-iipon ay nagkakalat.”

Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu(F)

24 “Kapag lumabas sa tao ang isang masamang espiritu, nagpapagala-gala ito sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kapag wala siyang makita, sasabihin niya sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Sa pagbabalik niya ay madadatnan niyang malinis at maayos ang bahay. 26 Kaya't lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung mas masasama kaysa kanya. Papasok sila at maninirahan doon, kaya't mas masama pa kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.”

Ang Tunay na Pinagpala

27 Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Pinagpala ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.”

28 Ngunit sumagot siya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”

Hinanapan si Jesus ng Palatandaan(G)

29 Nang(H) dumagsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng mga tao sa panahong ito. Naghahanap sila ng palatandaang mula sa langit, subalit walang palatandaang ipapakita sa kanila maliban sa nangyari kay Jonas. 30 Kung(I) paanong si Jonas ay naging isang palatandaan sa mga taga-Nineve, gayundin naman, ang Anak ng Tao ay magiging isang palatandaan sa lahing ito. 31 Sa(J) Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang Reyna ng Sheba laban sa lahing ito, sapagkat naglakbay siya mula pa sa dulo ng daigdig upang mapakinggan ang karunungan ni Solomon, ngunit ang naririto ngayon ay higit na dakila kaysa kay Solomon. 32 Sa(K) Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang mga taga-Nineve laban sa lahing ito, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas. Pakinggan ninyo, lalong dakila kay Jonas ang naririto ngayon.”

Ang Ilaw ng Katawan(L)

33 “Walang(M) nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, [o kaya'y ilagay sa ilalim ng banga].[c] Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilaw ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo.”

Tinuligsa ni Jesus ang mga Tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo(N)

37 Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain sa bahay niya. Nagpaunlak si Jesus at dumulog sa hapag. 38 Nagulat ang Pariseo nang makita niyang si Jesus ay hindi muna naghugas ng kamay bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng baso at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo'y punung-puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga hangal! Hindi ba't ang lumikha ng nasa labas ang siya ring lumikha ng nasa loob? 41 Ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang laman ng inyong mga baso at pinggan, at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.

42 “Kahabag-habag(O) kayong mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at iba pang halamang panimpla sa pagkain, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Dapat lamang na gawin ninyo ito ngunit hindi dapat kaligtaan ang mas mahahalagang bagay.

43 “Kahabag-habag kayong mga Pariseo! Mahihilig kayo sa mga upuang pandangal sa mga sinagoga, at ibig ninyong pagpugayan kayo sa mga palengke. 44 Kahabag-habag kayo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila namamalayan.”

45 Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi ninyong iyan, pati kami'y kinukutya ninyo.”

46 Sinagot naman siya ni Jesus, “Kahabag-habag din kayo, mga dalubhasa sa kautusan! Pinagpapasan ninyo ng mabibigat na dalahin ang mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw ninyong igalaw upang matulungan sila. 47 Kahabag-habag kayo! Ipinagpapatayo pa ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno. 48 Sa gayon, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa ng inyong mga ninuno, sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingan ng mga ito. 49 Dahil dito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; ang ilan ay papatayin nila at ang iba nama'y uusigin.’ 50 Sa gayon, pananagutan ng salinlahing ito ang pagpaslang sa lahat ng mga propetang pinaslang mula nang likhain ang daigdig, 51 magmula(P) kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Dakong Banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, mananagot ang salinlahing ito.

52 “Kahabag-habag kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkakait ninyo ang susi ng kaalaman. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga ibang nais pumasok.”

53 At umalis si Jesus doon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, 54 upang masilo siya sa pamamagitan ng kanyang pananalita.

Footnotes

  1. Lucas 11:3 pagkain sa araw-araw: o kaya'y kakainin para bukas .
  2. Lucas 11:13 ang inyong Ama…sa kanya: Sa ibang manuskrito'y ang inyong Ama. Ibibigay niya ang Espiritu Santo mula sa langit .
  3. Lucas 11:33 o kaya’y ilagay sa ilalim ng banga: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.

‘Ama ricuringaraiculla Diosta mañaj tucunguichijchu’ nishcami

11 Chai q'uipami Jesusca, Diosta mañacurca. Pai tucui mañashca q'uipami, shuj yachacujca cashna nirca:

–Apunchij Jesús, ñucanchijtapish Diosta mañanata yachachiari. Bautiźaj Juanpish Paipaj yachacujcunataca yachachircatajmari– nircami.

Chashna nijpimi, Jesusca cashna nirca:

–Cancunaca cashna mañanguichij:

“Jahua pachapi caj ñucanchij Yaya,
Cantaca jucha illaj cashcamanta,
tucuicuna alli nichun.
Can mandana punlla shamuchun.
Jahua pachapi shinallataj,
cai pachapipish Can munashca rurarichun.
Punllanta caraj shinallataj, cunanpish micunata carahuai.
Ñucanchij juchacunata perdonahuai,
    ñucanchijpish tucui ñucanchijta llaquichijcunataca perdonanchijmi.
Mana alli munaicuna shamujpipish,
    ama urmachun saquihuanguichu” ninami canguichij– nishpami yachachirca.

Jesusca, cashnapish nircami:

–Yuyaringapaj cashna nishun: Maijan cancuna alli rijsishcata charishpaca, chaupi tuta paipaj huasiman rishpaca: “Amigo, quimsa tandata mañachi. Shuj ñuca alli rijsishcamari, cunanlla carumanta ñuca huasiman chayamun. Ñucami imata mana carai tucuni” nina tucungachari. Chashna nijpi ucumanta caishujca: “Ama p'iñachichu, pungupish ña huichcashcamari. Ñuca huahuacunahuan siricunica. ¿Maitataj tandata cungaraiculla jatarishari?” ninmanchari. Chashna nicushpapish, ama ashtahuan p'iñachichun nishpallapish imalla mañashcataca, jatarishpa cunmanmi. Rijsishca cashcallamanta mana mañachishpapish, cunmantajmi. Caihuanca, caitami nisha nini: Diosta mañaichij, Paica cungami. Mashcaichij, japinguichijmi. ‘Huasiyuj’ nichij, Paica punguta pascangami. 10 Maijanpish mañajca, chasquingatajmi. Mashcajpish, japingatajmi. ‘Huasiyuj’ nijtapish yaicuchingatajmi.

11 ¿Cancunapurapica, pi yayataj paipaj huahua tandata mañajpica, rumita cungari? ¿Chalhuata mañajpipish, mana culebrata cunmanchu? 12 Shinallataj lulunta mañajpipish, ¿alacrantaca mana cunguichijmanchu? 13 Cancunaca mana allicuna cashpapish, cancunapaj huahuacunamanca imatapish allitamari cunguichij. Jahua pachapi caj cancunapaj Yayacarin, Paita mañajcunamanca Paipaj jucha illaj Espirituta cungallamari– nircami.

Diospaj Espiritutami c'amishcacuna

14 Chai q'uipaca Jesusca, supai japishca shuj runamantami supaita llujshichicurca. Chai runaca, supai japishca cashcamanta mana rimaj cashca cashpapish, supaita Jesús llujshichijpica, ña rimarcallami. Chaita ricushpaca, tucui chaipi cajcunami achcata mancharircacuna. 15 Ashtahuanpish maijancunaca: «Caica, supaicunata mandaj Beelzebuhuan cashpamari, supaicunataca llujshichin» ninacurcami.

16 Cutin shujtajcunaca, ima pandata nijpica juchachingapajmi:

–Jahua pacha Dios cachashca cashpaca, ima señalta rurashpa ricuchiari– nircacuna.

17 Ashtahuanpish paicuna imata yuyacushcata yachashpami, Jesusca cashna nirca: «Maijan llajtata mandajcunapura p'iñanacushpa chaupirishpa, caishuj chaishuj macanacushpaca, paicuna mandacushcaca chingarinmanllami. Shinallataj quiquin huasi ucupura p'iñanacushpapish, ch'icanyarinllami. 18 Chashnallataj Satanaspish, pai mandacushca supaicunallatataj llujshichishpa cachacushpaca, paicunapura p'iñanacushca cashpallamari chashna ruranman. Shinashpaca, paica ña mana mandashpa cati tucunmanchu. Ñucataca ‘Beelzebuhuan cashpami, supaicunata llujshichin’ ninguichijmi. 19 Beelzebuhuan cashpa supaicunata Ñuca llujshichijpica, cutin cancunapaj yachacujcunaca, ¿pihuan cashpataj supaicunataca llujshichin? Riquichij, paicuna chashna rurashpaca, paicunallatajmari cancuna Ñucata panda juchachicushcata ricuchin. 20 Ñucaca, Taita Dioshuan cashpami supaicunataca llujshichini. Caicunata Ñuca rurashcami, ña Taita Dios cancunata mandai callarishcata ricuchin. 21 Shuj c'ari c'ari runa, alli macanacunata maquipi aisashca paipaj huasita chaparacujpica, ima huaquichishcapish tiyacunllami. 22 Chashna cajpipish paita yalli sinchi shujtaj runa shamushpaca, mitsaringapaj pai charicushca macanacunatapish quichunllami. Chashna mishashpami quichushcacunataca chaupin. 23 Pipish Ñucata mana c'uyajca, Ñucata p'iñajmi. Maijanpish mana Ñucahuan tucushpa tandachijca, Ñuca tandachishcatapish tsirapanllami. 24 Mapa supai shuj runamanta llujshishpaca, mai shitashca pambacunapimi samarinata mashcashpa purin. Maipi tiyanata mana japishpaca: “Ñuca ñaupa causashcallamantaj tigrashalla” nishpami chaillamantaj tigran. 25 Ña tigrashpaca chai runataca, p'ichashpa allichishca huasi ucuta shinami ricun. 26 Chashnata ricushpaca, paita yalli millai canchis supaicunata pushashpami, chai runapi yaicushpa causan. Chashna rurajpica chai runaca, ñaupata yalli millaimi tucun» nircami.

27 Jesús chashna nicujpi ñapish Paita uyacujcunapaj chaupimanta shuj huarmica, Jesustaca:

–Canta huachaj, Canta chuchuchishpa huiñachij huarmica, cushimi canga– nishpami caparirca.

28 Chashna nijpipish, Jesusca:

–Diospaj Shimita uyashpa caźujcunamari, ashtahuan cushicuncuna– nircami.

Jesustaca shuj señaltami ricuchichun mañashcacuna

29 Ashtahuan achcacuna tandanacumujpimi, Jesusca cashna nirca: «Cai millai runacunaca, shuj señaltamari ricuchichun mañancuna. Chaitaca manataj ricungacunachu. Ashtahuanpish Dios ima nishcata huillaj Jonás shina tucushcallatami ricungacuna. 30 Jonasca, Nínive pueblopi causajcunapajca, shuj señalmi tucurca. Chashnallataj, Runa Aichayuj Ñucapish cunan causajcunapajca shuj señalmi tucusha. 31 Dios llaquichina punllapica, ura llajtata jatun mandaj huarmimi cai runacunataca, ‘Mana allitamari rurashcanguichij’ nishpa juchachinga. Chai huarmica, Salomón yachachishcata uyangaraicumi, chai maitajshi caru llajtamanta shamurca. Ñucacarin Salomontapish yallimari cani. 32 Chashnallataj Dios llaquichina punllapica, Ninivepi causajcunapishmi cai runacunataca, ‘Mana allitamari rurashcanguichij’ nishpa juchachingacuna. Paicunaca Jonás huillajpica, Diosman cutirircacunamari. Ñucacarin caipica, Jonastapish yallimari cani.

Ñahuicunaca cuerpopaj luzmi

33 Pipish luzta japichishpaca, mana maipi pacashpa churanchu, cajón ucupipish mana churanchu. Ashtahuanpish huasiman yaicujcuna achijllapi cachun, lamparata tiyachinapimi churan. 34 Cambaj ñahuicunaca, cuerpopaj luz shinami. Ima allillapi cambaj ñahuita churashpaca, tucui cambaj cuerpohuanmi achijllapi puringui. Ashtahuanpish cambaj ñahuihuan mana allita ricuracushpaca, tucui cambaj cuerpohuanmi amsapi causacungui. 35 Chaimanta, alli yuyaihuan causangui. ‘Achijpimi puricuni’ yuyashpapish, amsallapi causacunguiman. 36 Ima amsapi can mana yaicurijpica, cambaj tucui cuerpomi achijllapi puringa. Huasi ucupi lamparata japichijpi, tucuita achijyachicuj shinallatajmi achijllapi causangui» nircami.

Mandashcata yachachijcunata, fariseocunatami Jesusca juchachishca

37 Jesús chashna rimashca q'uipami, shuj fariseoca paipaj huasipi micunaman pusharca. Chai runapaj huasiman chayashpaca, meźapimi tiyarirca. 38 Micungapaj paicuna ruraj cashca shina, mana maquita millashpa tiyarijta ricushpami, chai fariseoca mancharirca. 39 Ashtahuanpish Apunchij Jesusca, cashnami nirca:

–Riquichij fariseocuna, cancunaca vasocunatapish, platocunatapish jahuallatamari maillanguichij. Shungupica shuhuana, millaita rurana yuyaicunahuan jundamari canguichij. 40 ¡Rumi shungucuna! Ucutapish, jahuatapish chai Diosllatajmari rurarca. 41 Cancuna imalla charishcacunamantaca, shujtajcunamanpish caraichij. Chashna rurashpami ucupish, jahuapish chuyajlla canguichij.

42 Fariseocunalla, ¡ai, imachari tucunguichij! Cancunaca mentata, rudata, ima shujtaj granocunatapish patsajmanta chungataca Diosman cunguichijtajmari. Chashna rurashpapish allita ruranata, Taita Diosta c'uyanatamari cungarishcanguichij. Diosman cunatapish mana saquishpami, caicunataraj rurana carcanguichij.

43 Fariseocunalla, ¡ai, imachari tucunguichij! Cancunaca tandanacuna huasicunapipish, punta alli tiyarinapi tiyarinatami munanguichij. Plazacunapipish manchaihuan alabaduchunmi munanguichij.

44 Mandashcata yachachijcuna, fariseocuna, mishqui shimi jayaj shungucunami canguichij, ¡ai, imachari tucunguichij! Cancunaca huañushcata pambashpa, lápida rumita mana churashca jutcu shinami canguichij. Mana yachashpaca, pambashca jahuata pipish jahuata purinllami– nircami.

45 Chashna nijpica, Mandashcata yachachijcunamanta shujmi:

–Yachachij, Can chashna nishpaca, ñucanchijtapishmari c'amicungui– nirca.

46 Chashna nijpi, Jesusca cashnami nirca:

–Mandashcata yachachijcunalla, cancunapish, ¡ai, imachari tucunguichij! Cancunacarin pi mana aparipaj quipita apachij shinamari shujtajcunataca, ‘Caita chaita rurai’ ninguichij. Cancunallatajca chaicunataca, shuj dedollahuanpish mana cuyuchinguichijchu.

47 ¡Ai, imachari tucunguichij! Cancunapaj ñaupa yayacunaca, Dios ima nishcata huillajcunata huañuchircacunami, cutin cancunaca chaicunata pambashca bovedacunatami allichinguichij. 48 Chashna rurashpaca, cancunapaj ñaupa yayacuna rurashcatami alli ninguichij. Cancunapaj yayacunami, Dios ima nishcata huillajcunataca huañuchircacuna. Cutin cancunaca, chaicunata pambashca bovedacunata allichijcunami canguichij. 49 Chaimantami Taita Diosca tucuita yachaj cashpa, cashna nishca: “Ñuca ima nishcata huillajcunatapish, huillagrichun mingashcacunatapish cachashami. Chaicunamanta maijancunataca huañuchingacunami, maijancunataca p'iñashpa mana ricusha ningacunachu” nishcami. 50 Chashna rurashcamantaca, Diosca Pai ima nishcata tucui huillajcunata huañuchishcamantami cai runacunata llaquichinga. Dios ima nishcata huillajcunataca, cai pachata rurashcamantapachami huañuchishcacuna. Chai tucuicunapaj yahuarmantaca, cunan punlla runacunata llaquichinga. 51 Abelta huañuchishca yahuarmanta callarishpaca, Diospaj huasihuan, altarhuan chaupipi huañuchishca Zacariaspaj yahuarcamami, Diosca cunan punlla runacunata llaquichinga.

52 Mandashcata yachachijcunalla, ¡ai, imachari tucunguichij! Cancunami Diospajta yachanata ama yachachun, llaveta pacashpa churashcanguichij. Cancunallatajpish mana yachashun ninguichijchu, yachashun nijcunatapish, mana yachachun saquinguichijchu– nircami.

53 Chashna nijpica Mandashcata yachachijcunapish, fariseocunapish achcatami p'iñarircacuna. Chaimantami Jesustaca achcata rimarichun, caita chaita tapushpa p'iñachi callarircacuna. 54 ‘Ima mana allita nijpica, imallatapish juchachishunpishchari’ yuyashpami, chashna tapurcacuna.

Ang Turo tungkol sa Panalangin(A)

11 Minsan, matapos manalangin si Jesus sa isang lugar ay sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ni Juan na nagturo sa kanyang mga alagad.” Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo,

‘Ama, pakabanalin mo ang pangalan mo,
    Dumating nawa ang paghahari mo,
Bigyan mo kami sa bawat araw ng aming pang-araw-araw na pagkain,
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
    sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming dalhin sa tukso.’ ”

Sinabi niya sa kanila, “Ipagpalagay nating isa sa inyo ang pumunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, pahiram naman ng tatlong tinapay; sapagkat isang kaibigan ko ang dumating mula sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’ Sinagot naman kayo ng nasa loob na nagsabing, ‘Huwag mo akong gambalain! Nakatrangka na ang pintuan at nasa higaan na ang aking mga anak. Hindi na ako makababangon upang mabigyan ka ng anuman.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang maibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan. Humanap kayo at kayo ay makatatagpo. Kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap, ang humahanap ay nakatatagpo at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 11 Sinong ama sa inyo ang magbibigay ng ahas sa inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 O kung humingi ito ng itlog ay bibigyan ba ninyo ito ng alakdan? 13 Kung kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humingi sa kanya?”

Si Jesus at si Beelzebul(B)

14 Minsan ay nagpalayas si Jesus ng demonyo ng pagiging pipi. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga tao. 15 Ngunit ilan sa kanila ang nagsabi, “Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 16 Dahil nais siyang subukin ng iba, hinahanapan siya ng mga ito ng tanda mula sa langit. 17 Ngunit dahil batid niya ang kanilang mga iniisip, sinabi niya sa kanila, “Bawat kahariang hindi nagkakaisa ay babagsak, at ang tahanang nag-aaway-away ay mawawasak. 18 At kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano makatatayo ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul. 19 At kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa pamamagitan naman nino pinalalayas ang mga ito ng inyong mga anak? Kaya sila ang magiging hukom ninyo. 20 Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos. 21 Kapag isang taong malakas at nasasandatahang mabuti ang nagbabantay sa kanyang bahay, ligtas ang kanyang mga ari-arian. 22 Ngunit kung isang mas malakas sa kanya ang sumalakay at siya ay talunin, sasamsamin nito ang mga sandatang pinagtiwalaan niya at ipamamahagi ang mga ari-ariang nasamsam. 23 Ang wala sa panig ko ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay magkakawatak-watak.”

Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu(C)

24 “Kapag lumabas sa isang tao ang maruming espiritu, gumagala ito sa mga tuyong lugar upang maghanap ng mapagpapahingahan. At kapag wala itong matagpuan ay magsasabing, ‘Babalik na lang ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Pagdating nito at nakitang nawalisan at naayos na iyon, 26 aalis ito at magsasama ng pito pang espiritung mas masama sa kanya. Papasok sila at maninirahan doon. Kaya't nagiging mas masahol pa kaysa dati ang taong iyon.”

Ang Tunay na Pinagpala

27 Habang sinasabi ni Jesus ang mga ito, isang babae mula sa karamihan ang pasigaw na nagsabi sa kanya, “Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.” 28 Subalit sinabi niya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.”

Hinanapan si Jesus ng Tanda(D)

29 Nang lalong dumarami pa ang mga tao, nagsimula siyang magsalita, “Masama ang salinlahing ito. Naghahanap ito ng isang tanda, ngunit walang tandang ibibigay dito maliban sa tanda ni Jonas. 30 Kung paanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa salinlahing ito. 31 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang Reyna ng Timog at hahatulan sila. Sapagkat nagmula pa siya sa dulo ng daigdig upang marinig ang karunungan ni Solomon; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Solomon ang narito. 32 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang mga taga-Nineve at hahatulan ito. Sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Jonas ang narito.

Ang Liwanag ng Katawan(E)

33 “Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay ilalagay ito sa tagong lugar o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ilalagay ang ilawan sa patungan upang makita ng mga papasok ang liwanag. 34 Ang mata ang ilawan ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay maliwanag. Ngunit kung hindi ito malinaw, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka at baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kaya naman kung ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag at walang bahaging nasa kadiliman, lubos itong maliliwanagan na para bang tinatanglawan ka ng maliwanag na ilaw.”

Ang Pagtuligsa sa mga Fariseo at Dalubhasa sa Kautusan(F)

37 Habang nagsasalita pa si Jesus, inanyayahan siyang makasalo ng isang Fariseo. Kaya't pumasok siya at naupo sa may hapag-kainan. 38 Nagtaka ang Fariseo nang mapansing hindi muna naghugas ng kamay si Jesus bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Fariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan subalit ang kalooban ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga hangal! Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob? 41 Ipamigay ninyo sa mga dukha ang mga bagay na nasa loob, at ang lahat ay magiging malinis para sa inyo. 42 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat naglalaan kayo para sa Diyos ng ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at ng iba pang halamang pagkain ngunit binabalewala ninyo ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Dapat nga kayong maglaan ng ikasampu subalit huwag ninyong kaligtaan ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. 43 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat ang gusto ninyo ay ang mga upuang pandangal sa mga sinagoga at ang mabigyang-pugay sa mga pamilihan. 44 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman!” 45 Tumugon sa kanya ang isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa mga sinabi mo ay para mo na rin kaming kinutya.” 46 Kaya't sinabi niya, “Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat pinahihirapan ninyo ang mga tao sa mga pasaning mahirap dalhin subalit ni daliri man lamang ninyo ay hindi iginagalaw upang sila'y tulungan. 47 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat itinayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, gayong pinagpapatay sila ng inyong mga ninuno. 48 Kaya nga kayo ay mga saksi at sinang-ayunan ninyo ang ginawa ng inyong mga ninuno sapagkat pinagpapatay nila ang mga ito at kayo naman ang nagtayo ng kanilang mga libingan. 49 Kaya sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Isusugo ko sa kanila ang mga propeta at apostol at ang ilan sa mga ito ay kanilang papatayin at uusigin,’ 50 upang papanagutin sa lahing ito ang dugong dumanak sa lahat ng mga propeta mula pa nang maitatag ang sanlibutan. 51 Mula ito sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo. Oo, sinasabi ko sa inyong iyon ay papanagutan ng salinlahing ito. 52 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkait ninyo ang susi ng karunungan. Kayo mismo'y hindi nagsisipasok, at hinahadlangan pa ninyo ang mga pumapasok.” 53 Paglabas niya roon, sinimulan na siyang pag-initan ng mga Fariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan at malimit na tinatanong tungkol sa iba't ibang bagay, 54 nag-aabang na siya'y masilo sa anumang kanyang sasabihin.

Jesus’ Teaching on Prayer(A)(B)

11 One day Jesus was praying(C) in a certain place. When he finished, one of his disciples said to him, “Lord,(D) teach us to pray, just as John taught his disciples.”

He said to them, “When you pray, say:

“‘Father,[a]
hallowed be your name,
your kingdom(E) come.[b]
Give us each day our daily bread.
Forgive us our sins,
    for we also forgive everyone who sins against us.[c](F)
And lead us not into temptation.[d]’”(G)

Then Jesus said to them, “Suppose you have a friend, and you go to him at midnight and say, ‘Friend, lend me three loaves of bread; a friend of mine on a journey has come to me, and I have no food to offer him.’ And suppose the one inside answers, ‘Don’t bother me. The door is already locked, and my children and I are in bed. I can’t get up and give you anything.’ I tell you, even though he will not get up and give you the bread because of friendship, yet because of your shameless audacity[e] he will surely get up and give you as much as you need.(H)

“So I say to you: Ask and it will be given to you;(I) seek and you will find; knock and the door will be opened to you. 10 For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.

11 “Which of you fathers, if your son asks for[f] a fish, will give him a snake instead? 12 Or if he asks for an egg, will give him a scorpion? 13 If you then, though you are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him!”

Jesus and Beelzebul(J)(K)

14 Jesus was driving out a demon that was mute. When the demon left, the man who had been mute spoke, and the crowd was amazed.(L) 15 But some of them said, “By Beelzebul,(M) the prince of demons, he is driving out demons.”(N) 16 Others tested him by asking for a sign from heaven.(O)

17 Jesus knew their thoughts(P) and said to them: “Any kingdom divided against itself will be ruined, and a house divided against itself will fall. 18 If Satan(Q) is divided against himself, how can his kingdom stand? I say this because you claim that I drive out demons by Beelzebul. 19 Now if I drive out demons by Beelzebul, by whom do your followers drive them out? So then, they will be your judges. 20 But if I drive out demons by the finger of God,(R) then the kingdom of God(S) has come upon you.

21 “When a strong man, fully armed, guards his own house, his possessions are safe. 22 But when someone stronger attacks and overpowers him, he takes away the armor in which the man trusted and divides up his plunder.

23 “Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters.(T)

24 “When an impure spirit comes out of a person, it goes through arid places seeking rest and does not find it. Then it says, ‘I will return to the house I left.’ 25 When it arrives, it finds the house swept clean and put in order. 26 Then it goes and takes seven other spirits more wicked than itself, and they go in and live there. And the final condition of that person is worse than the first.”(U)

27 As Jesus was saying these things, a woman in the crowd called out, “Blessed is the mother who gave you birth and nursed you.”(V)

28 He replied, “Blessed rather are those who hear the word of God(W) and obey it.”(X)

The Sign of Jonah(Y)

29 As the crowds increased, Jesus said, “This is a wicked generation. It asks for a sign,(Z) but none will be given it except the sign of Jonah.(AA) 30 For as Jonah was a sign to the Ninevites, so also will the Son of Man be to this generation. 31 The Queen of the South will rise at the judgment with the people of this generation and condemn them, for she came from the ends of the earth to listen to Solomon’s wisdom;(AB) and now something greater than Solomon is here. 32 The men of Nineveh will stand up at the judgment with this generation and condemn it, for they repented at the preaching of Jonah;(AC) and now something greater than Jonah is here.

The Lamp of the Body(AD)

33 “No one lights a lamp and puts it in a place where it will be hidden, or under a bowl. Instead they put it on its stand, so that those who come in may see the light.(AE) 34 Your eye is the lamp of your body. When your eyes are healthy,[g] your whole body also is full of light. But when they are unhealthy,[h] your body also is full of darkness. 35 See to it, then, that the light within you is not darkness. 36 Therefore, if your whole body is full of light, and no part of it dark, it will be just as full of light as when a lamp shines its light on you.”

Woes on the Pharisees and the Experts in the Law

37 When Jesus had finished speaking, a Pharisee invited him to eat with him; so he went in and reclined at the table.(AF) 38 But the Pharisee was surprised when he noticed that Jesus did not first wash before the meal.(AG)

39 Then the Lord(AH) said to him, “Now then, you Pharisees clean the outside of the cup and dish, but inside you are full of greed and wickedness.(AI) 40 You foolish people!(AJ) Did not the one who made the outside make the inside also? 41 But now as for what is inside you—be generous to the poor,(AK) and everything will be clean for you.(AL)

42 “Woe to you Pharisees, because you give God a tenth(AM) of your mint, rue and all other kinds of garden herbs, but you neglect justice and the love of God.(AN) You should have practiced the latter without leaving the former undone.(AO)

43 “Woe to you Pharisees, because you love the most important seats in the synagogues and respectful greetings in the marketplaces.(AP)

44 “Woe to you, because you are like unmarked graves,(AQ) which people walk over without knowing it.”

45 One of the experts in the law(AR) answered him, “Teacher, when you say these things, you insult us also.”

46 Jesus replied, “And you experts in the law, woe to you, because you load people down with burdens they can hardly carry, and you yourselves will not lift one finger to help them.(AS)

47 “Woe to you, because you build tombs for the prophets, and it was your ancestors who killed them. 48 So you testify that you approve of what your ancestors did; they killed the prophets, and you build their tombs.(AT) 49 Because of this, God in his wisdom(AU) said, ‘I will send them prophets and apostles, some of whom they will kill and others they will persecute.’(AV) 50 Therefore this generation will be held responsible for the blood of all the prophets that has been shed since the beginning of the world, 51 from the blood of Abel(AW) to the blood of Zechariah,(AX) who was killed between the altar and the sanctuary. Yes, I tell you, this generation will be held responsible for it all.(AY)

52 “Woe to you experts in the law, because you have taken away the key to knowledge. You yourselves have not entered, and you have hindered those who were entering.”(AZ)

53 When Jesus went outside, the Pharisees and the teachers of the law began to oppose him fiercely and to besiege him with questions, 54 waiting to catch him in something he might say.(BA)

Footnotes

  1. Luke 11:2 Some manuscripts Our Father in heaven
  2. Luke 11:2 Some manuscripts come. May your will be done on earth as it is in heaven.
  3. Luke 11:4 Greek everyone who is indebted to us
  4. Luke 11:4 Some manuscripts temptation, but deliver us from the evil one
  5. Luke 11:8 Or yet to preserve his good name
  6. Luke 11:11 Some manuscripts for bread, will give him a stone? Or if he asks for
  7. Luke 11:34 The Greek for healthy here implies generous.
  8. Luke 11:34 The Greek for unhealthy here implies stingy.