Juan 7:18-20
Ang Salita ng Diyos
18 Siya na nagsasalita mula sa kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian. Siya na naghahanap ng kaluwalhatian ng nag-utos sa kaniya ay totoo. Sa kaniya ay walang kalikuan. 19 Hindi ba binigyan kayo ni Moises ng kautusan? Gayunman, walang nagsasagawa isa man sa inyo ng kautusan? Bakit hinahanap ninyo ako upang patayin?
20 Sumagot ang mga tao at sinabi: Ikaw ay mayroong demonyo. Sino ang naghahanap upang pumatay sa iyo?
Read full chapter
Juan 7:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba si Moises ang nagbigay sa inyo ng kautusan? Subalit wala naman sa inyo ang tumutupad nito. Bakit sinisikap ninyo akong patayin?” 20 Sumagot ang mga tao, “Sinasaniban ka ng demonyo. Sino'ng gustong pumatay sa iyo?”
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
