Juan 11:25-27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
25 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. 26 Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” 27 Sumagot si Marta, “Opo, Panginoon, sumasampalataya ako na kayo ang Cristo, ang Anak ng Dios, na hinihintay naming darating dito sa mundo.”
Read full chapter
Juan 11:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba rito?” 27 Sinabi niya kay Jesus, “Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos, na siyang dumarating sa sanlibutan.”
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
