Add parallel Print Page Options
'Jeremias 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Itinakwil ng Israel ang Panginoon

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Puntahan mo ang mga taga-Jerusalem at sabihin mo ito sa kanila: ‘Natatandaan ko ang katapatan at pagmamahal nʼyo sa akin noon na katulad ng babaeng bagong kasal. Sinundan nʼyo ako kahit sa ilang na walang tumutubong mga tanim. Kayong mga Israelita ay ibinukod para sa akin. Para kayong pinakaunang bunga na ibinigay sa akin. Pinarusahan ko ang mga nanakit sa inyo, at napahamak sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Pakinggan nʼyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob. Ito ang sinabi niya, “Anong kasalanan ang nakita ng mga ninuno nʼyo sa akin at tinalikuran nila ako? Sumusunod sila sa walang kwentang mga dios-diosan, kaya sila rin ay naging walang kabuluhan. Hindi na nila ako hinanap kahit na ako ang naglabas sa kanila sa Egipto at nanguna sa kanila sa ilang na walang tanim – ang lupang tuyo, may mga hukay, mapanganib at walang tumitira o dumadaan. Mula rooʼy dinala ko sila sa magandang lupain para makinabang sa kasaganaan ng ani nito. Pero nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam. Kahit ang mga pari ay hindi ako hinanap. Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala.[a] Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propeta ay nagpahayag sa pangalan ni Baal at sumunod sa walang kwentang mga dios-diosan. Kaya susumbatan ko silang muli, pati ang magiging angkan ninyo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

10 “Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid ng mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring tulad nito: 11 May bansa bang nagpalit ng kanilang dios, kahit na hindi ito mga tunay na dios? Pero ako, ang dakilang Dios, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga dios na walang kabuluhan. 12 Nangilabot ang buong kalangitan sa ginawa nila; at nayanig ito sa laki ng pagkagulat. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

13 “Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga dios, na para bang naghukay sila ng lalagyan ng tubig na natutuyo. 14 Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway? 15 Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at hindi na ito tinitirhan. 16 Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.[b]

17 “Kayong mga Israelita na rin ang nagdala ng kapahamakang ito sa sarili ninyo. Sapagkat itinakwil nʼyo ako, ang Panginoon na inyong Dios, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo. 18 Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Egipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo[c] at Ilog ng Eufrates? 19 Parurusahan ko kayo dahil sa kasamaan at pagtakwil nʼyo sa akin. Isipin nʼyo kung gaano kasama at kapait ang ginawa nʼyong pagtakwil at paglapastangan sa Panginoon na inyong Dios. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.

20 “Noong inalipin kayo, para kayong bakang nakapamatok, o mga bilanggong nakakadena. Pero nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga dios-diosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran. 21 Para kayong isang pinakamabuting klase ng ubas na aking itinanim. Pero bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas? 22 Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.

23 “Paano nʼyo nasasabing hindi kayo nadumihan at hindi kayo sumamba sa dios-diosang si Baal? Tingnan nʼyo kung anong kasalanan ang ginawa nʼyo sa lambak ng Hinom. Isipin nʼyo ang ginawa nʼyong kasalanan. Para kayong babaeng kamelyo na hindi mapalagay dahil naghahanap ng lalaki. 24 Para rin kayong babaeng asnong-gubat na masidhi ang pagnanasa na magpakasta, sa tindi ng kanyang pagnanasa ay walang makakapigil sa kanya. Ang lalaking asno ay hindi na mahihirapang maghanap sa kanya. Madali siyang hanapin sa panahon ng pagpapakasta niya.

25 Mga taga-Israel, napudpod na ang mga sandalyas nʼyo at natuyo na mga lalamunan nʼyo sa pagsunod sa ibang mga dios. Pero sinasabi nʼyo, ‘Hindi namin maaaring itakwil ang ibang mga dios. Mahal namin sila at susunod kami sa kanila.’

26 “Tulad ng isang magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, mapapahiya rin kayong mga taga-Israel. Talagang mapapahiya kayo, pati ang mga hari, pinuno, pari, at mga propeta ninyo. 27 Sinasabi ninyo na ang kahoy ang inyong ama at ang bato naman ang inyong ina. Itinakwil nʼyo ako, pero kapag naghihirap kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin. 28 Bakit? Nasaan na ang mga dios na ginawa ninyo para sa inyong sarili? Tawagin ninyo sila kung kaya nila kayong iligtas sa paghihirap ninyo. Sapagkat napakarami ninyong dios, kasindami ng mga bayan sa Juda. 29 Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin? 30 Pinarusahan ko ang mga anak nʼyo, pero hindi sila nagbago. Ayaw nilang magpaturo. Kayo na rin ang pumatay sa mga propeta nʼyo gaya ng pagpatay ng mabangis at gutom na leon sa kanyang biktima.

31 “Kayong mga mamamayan sa henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ko. Ako baʼy parang isang ilang para sa inyo na mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabi na, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Dios.’

32 “Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Pero kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan. 33 Magaling kayong humabol sa minamahal ninyo na mga dios-diosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo. 34 Ang mga damit ninyoʼy may mga bahid ng dugo ng mga taong walang kasalanan at mga dukha. Pinatay nʼyo sila kahit na hindi nʼyo sila nahuling pumasok sa mga bahay nʼyo para magnakaw. Pero kahit ginawa nʼyo ito, 35 sinabi nʼyo pa rin, ‘Wala akong kasalanan. Hindi galit sa akin ang Panginoon!’ Pero talagang parurusahan ko kayo dahil sinabi ninyong wala kayong kasalanan.

36 “Pangkaraniwan lang sa inyo ang magpapalit-palit ng mga kakamping bansa. Pero hihiyain kayo ng Egipto na kakampi nʼyo, gaya ng ginawa sa inyo ng Asiria. 37 Aalis kayo sa Egipto na nakatakip ang inyong kamay sa mukha dahil sa kahihiyan at pagdadalamhati. Sapagkat itinakwil ko na ang mga bansang pinagkatiwalaan ninyo. Hindi na kayo matutulungan ng mga bansang iyon.

Footnotes

  1. 2:8 ako kilala: o, malapit sa akin.
  2. 2:16 nagwasak sa kanya: Sa Syriac na teksto, bumiyak sa kanyang ulo.
  3. 2:18 Nilo: sa Hebreo, Shihor, na bahagi ng Ilog ng Nilo.

Israels trolöshet mot Gud

Herrens ord kom till mig. Han sade: Gå och predika för Jerusalem. Säg: Så säger Herren:

Jag minns din ungdoms hängivenhet,
hur du älskade mig under din brudtid
och följde mig i öknen,
    i landet där man inte sår.
Israel var heligt för Herren,
    den första frukten av hans skörd.
Alla som äter av den drar på sig skuld,
olycka drabbar dem,
    säger Herren.

Hör Herrens ord, ni av Jakobs hus,
ni alla släkter av Israels hus.
Så säger Herren:
    Vad har era fäder funnit hos mig som är orätt,
eftersom de gick bort ifrån mig
    och följde värdelösa avgudar
och själva blev värdelösa?
De frågade inte: "Var är Herren,
    han som förde oss upp ur Egyptens land,
han som ledde oss i öknen,
    det öde och oländiga landet,
torkans och dödsskuggans land,
    det land där ingen färdas
och där ingen människa bor?"
Jag förde er in i det bördiga landet
    och ni fick äta dess frukt och dess goda.
Men när ni hade kommit dit orenade ni mitt land
och gjorde min arvedel avskyvärd.
Prästerna frågade inte: "Var är Herren?"
De som hade hand om lagen kände mig inte,
och herdarna var trolösa mot mig.
    Profeterna profeterade i Baals namn
och följde sådana som inte kunde hjälpa.
Därför skall jag på nytt gå till rätta med er,
säger Herren.
    Också med era barnbarn skall jag gå till rätta.

10 Drag bort till kitteernas öar och se efter,
sänd bud till Kedar och undersök noga,
se om något sådant har skett där:
11 Har ett hednafolk någonsin bytt bort sina gudar?
Och ändå är de inga gudar.
    Men mitt folk har bytt bort sin härlighet
mot en avgud som inte kan hjälpa.
12 Häpna över detta, ni himlar,
    rys av stor förfäran, säger Herren.
13 Ty mitt folk har begått en dubbel synd:
De har övergivit mig, källan med det levande vattnet,
och gjort sig usla brunnar
    som inte håller vatten.

14 Är Israel en träl eller en hemfödd slav?
Varför har han lämnats till plundring?
15 Unga lejon ryter mot honom, man hör dem morra.
De gör hans land till en ödemark.
    Hans städer bränns ner
så att ingen kan bo i dem.
16 Även Nofs och Tachpanches barn
    betar din hjässa kal.
17 Men är det inte du själv som vållar dig detta,
genom att du överger Herren, din Gud,
när han vill leda dig på den rätta vägen?
18 Varför vill du fara till Egypten
    för att dricka av Sihors vatten?
Och varför vill du fara till Assyrien
    för att dricka av flodens vatten?
19 Det är din ondska som tuktar dig,
och ditt avfall som straffar dig.
    Inse därför och tänk på
hur ont och bittert det är
    att du överger Herren, din Gud,
och inte fruktar mig,
    säger Herren, Herren Sebaot.

20 Redan för länge sedan bröt jag sönder ditt ok
och slet av dina band, men du sade:
"Jag vill inte tjäna dig."
    På alla höga kullar och under alla gröna träd
lade du dig ner och bedrev otukt.
21 Jag hade planterat dig som en ädel vinstock
av helt och hållet äkta slag.
    Hur har du då kunnat förvandlas för mig
till vilda rankor av en främmande vinstock?
22 Om du än tvättar dig med soda
    och tar aldrig så mycket såpa,
syns ändå din synds fläckar inför mig,
säger Herren, Herren.

23 Hur kan du säga: "Jag har inte orenat mig,
jag har inte följt baalerna?"
    Tänk efter hur du bar dig åt i dalen,
kom ihåg vad du har gjort!
    Du är lik ett ystert kamelsto som löper hit och dit,
24 lik en vildåsna, van vid öknen,
    en som flåsar i sin brunst.
Vem kan hålla tillbaka hennes lusta?
Den som vill komma till henne,
    behöver inte löpa sig trött.
Vid parningstiden finner de henne lätt.
25 Akta din fot så att du inte tappar skon,
och din strupe så att den inte blir torr av törst.
Men du svarar: "Du anstränger dig förgäves.
Jag älskar främmande gudar,
    och dem vill jag följa."

26 Liksom tjuven står med skam när han ertappas,
så skall Israels hus komma på skam
med sina kungar och furstar,
    sina präster och profeter,
27 de som säger till trästycket:
    "Du är min fader",
och till stenen:
    "Du har fött mig".
Ty de vänder ryggen mot mig och inte ansiktet.
Men i olyckans tid ropar de:
    Stå upp och rädda oss!
28 Var finns då dina gudar
    som du gjorde åt dig?
Låt dem stå upp!
    Kan de rädda dig i din olyckas tid?
Ty du, Juda, har lika många gudar
    som du har städer!

29 Varför vill ni gå till rätta med mig?
Ni har alla vänt er bort från mig, säger Herren.
30 Förgäves har jag slagit era barn.
De har inte låtit sig tillrättavisas.
    Likt ett lejon som vållar fördärv
har ert eget svärd slukat era profeter.
31 Du onda släkte, ge akt på Herrens ord!
Har jag varit en öken för Israel
    eller ett land av mörker?
Varför säger mitt folk: Vi har gjort oss fria,
vi kommer inte mer till dig?
32 Inte glömmer en jungfru sina smycken
eller en brud sin utstyrsel?
    Men mitt folk har i alla tider glömt mig.

33 Hur skickligt går du inte till väga
    när du söker kärlek!
Därför kan också de sämsta kvinnor lära av dina vägar.
34 På dina mantelflikar finner man blod
av fattiga och oskyldiga,
    fastän de inte ertappats vid inbrott.
35 Trots allt detta säger du:
    "Jag är oskyldig.
Han är inte längre vred på mig."
    Men jag vill gå till rätta med dig,
därför att du säger: "Jag har inte syndat."
36 Varför far du än hit än dit
    för att ta en annan väg?
Du skall bli besviken på Egypten
    liksom du blev besviken på Assyrien.
37 Också därifrån måste du gå din väg
med händerna över huvudet.
    Ty Herren förkastar dem som du förtröstar på,
du skall inte ha framgång genom dem.

Ang kagandahang-loob noong una at ang pagkawalang kabuluhan ngayon.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng (A)iyong kabataan, (B)ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, (C)sa lupain na hindi hinasikan.

Ang Israel ay (D)kabanalan sa Panginoon, na mga (E)pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

Ganito ang sabi ng Panginoon, (F)Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at (G)ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak (H)ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga (I)pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga (J)propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Kaya't (K)ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

10 (L)Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng (M)Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa (N)Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

11 (O)Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na (P)hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; (Q)kanilang iniwan ako na (R)bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

Ang kanilang pagpapabaya ay huwag tularan.

14 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.

15 Ang mga batang (S)leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.

16 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

17 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

18 At ngayo'y anong ipakikialam mo (T)sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig (U)sa ilog?

19 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang pagasa sa sarili ay walang kabuluhan.

20 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't (V)sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na (W)nagpatutot.

21 Gayon ma'y (X)tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

22 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.

23 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan (Y)sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;

24 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.

25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

26 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

27 Na nangagsasabi (Z)sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon (AA)ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.

28 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, (AB)kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: (AC)sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.

Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.

29 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

30 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang (AD)inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling (AE)tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.

31 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?

32 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.

33 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.

34 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong (AF)ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.

35 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, (AG)hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.

36 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.

37 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay (AH)nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.