Santiago 1-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula (A) kay Santiago, lingkod[a] ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Binabati ko ang labindalawang liping nagsikalat sa iba't ibang bansa.
Pananampalataya at Karunungan
2 Ituring ninyong tunay na kagalakan, mga kapatid, kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, 3 sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng katatagan. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y dumating sa hustong gulang, ganap at walang kakulangan. 5 At kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat. 6 Ngunit ang humihingi ay dapat magtiwala at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na hinihipan ng hangin at itinataboy kahit saan. 7 Huwag isipin ng taong iyon na tatanggap siya ng anuman galing sa Panginoon. 8 Ang taong iyon ay nagdadalawang-isip, di-tiyak sa lahat ng kanyang dinaraanan.
Kahirapan at Kayamanan
9 Dapat magalak ang dukhang kapatid na siya'y itinataas ng Diyos, 10 gayundin (B) ang mayamang kapatid na ibinababa, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak sa parang. 11 Sumisikat ang araw na may matinding init at tinutuyo ang damo; nalalagas ang bulaklak nito at ang ganda nito'y kumukupas. Gayundin naman, ang mayaman ay lilipas sa gitna ng kanyang pagpapayaman.
Tukso at Pagsubok
12 Pinagpala ang taong nananatiling matatag sa gitna ng pagsubok; sapagkat kung siya'y magtagumpay, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. 13 Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag dumaranas siya ng pagsubok. Hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin naman siya nanunukso ninuman. 14 Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa sarili niyang pagnanasa. 15 Kapag ang pagnanasang iyon ay naipaglihi, nanganganak ito ng kasalanan, at ang kasalanan naman kapag malaki na ay nagbubunga ng kamatayan. 16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid. 17 Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay nagmumula sa itaas, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nag-iiba o nagdudulot man ng anino dahil sa pagbabago. 18 Ipinanganak niya tayo ayon sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging mga unang bunga sa kanyang mga nilalang.
Pakikinig at Pagtupad
19 Unawain ninyo ito, mga kapatid kong minamahal: bawat isa'y maging laging handang makinig, maingat sa pananalita, at hindi madaling magalit. 20 Sapagkat ang galit ng tao ay hindi nagbubunga ng katuwiran ng Diyos. 21 Kaya't talikuran na ninyo ang lahat ng karumihan at laganap na kasamaan, at tanggaping may pagpapakumbaba ang salitang itinanim sa inyong puso. Ang salitang ito ang may kapangyarihang magligtas sa inyo. 22 Maging tagatupad kayo ng salita ng Diyos, at hindi tagapakinig lamang. Kung hindi, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sinumang nakikinig ng salita at hindi tumutupad nito ay katulad ng taong tumitingin sa kanyang mukha sa salamin 24 at pagkatapos makita ang kanyang sarili ay umaalis at kaagad nalilimutan ang kanyang anyo. 25 Subalit ang taong masusing tumitingin at nagpapatuloy sa sakdal na kautusang nagpapalaya sa tao, siya ang pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain, kung siya'y tagatupad at hindi lamang tagapakinig na lumilimot ng kanyang narinig. 26 Kung iniisip ninuman na siya'y relihiyoso ngunit hindi marunong magpigil ng kanyang dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili at ang kanyang relihiyon ay walang kabuluhan. 27 Ang dalisay at walang kapintasang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: ang dalawin ang mga ulila at ang mga balo sa kanilang kahirapan, at panatilihing malinis ang sarili mula sa karumihan ng sanlibutan.
Babala Laban sa Pagtatangi ng Tao
2 Mga kapatid ko, dapat ay pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao habang pinanghahawakan ninyo ang pananampalataya sa ating maluwalhating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Halimbawang pumasok sa inyong pagtitipon ang isang taong may gintong singsing at may magandang kasuotan, at dumating din ang isang dukha na gusgusin ang damit, 3 at binigyang-pansin ninyo ang nakadamit nang maganda at sinabi sa kanya, “Narito ang magandang upuan para sa iyo” at sa dukha ay inyo namang sinabi, “Tumayo ka riyan,” o kaya'y, “Diyan ka na lang maupo sa may paanan ko,” 4 hindi ba nagtatangi na kayo at humahatol nang may masamang pag-iisip? 5 Pakinggan ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at magmana ng kahariang kanyang ipinangako sa mga nagmamahal sa kanya? 6 Ngunit hinahamak ninyo ang mga dukha. Hindi ba't ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa mga hukuman? 7 Hindi ba't sila ang lumalapastangan sa marangal na pangalang itinawag sa inyo? 8 Mabuti (C) ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang marangal na Kautusang mula sa ating Hari ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” 9 Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagkakasala at ayon sa Kautusan, kayo'y napatunayang suwail kaya't dapat parusahan. 10 Sinumang tumutupad sa buong Kautusan, subalit lumalabag sa isang bahagi nito, ay nagkakasala sa buong Kautusan. 11 Sapagkat (D) ang Diyos na nagsabi, “Huwag kang mangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, lumalabag ka rin sa Kautusan. 12 Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pananalita at gawa, sapagkat hahatulan kayo ayon sa Kautusang nagpapalaya sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ang mga hindi nagpakita ng awa. Ngunit ang habag ay magtatagumpay sa paghatol.
Pananampalataya at Gawa
14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin man ng isang tao na mayroon siyang pananampalataya, ngunit hindi naman ito nakikita sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawang ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain sa araw-araw, 16 at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanya, “Pagpalain ka ng Diyos; magbihis ka't mabusog,” ngunit hindi naman ninyo ibinibigay ang mga kailangan ng kanyang katawan, ano'ng pakinabang niyon? 17 Gayundin naman, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay. 18 Ngunit may magsasabi: Mayroon kang pananampalataya, at mayroon naman akong gawa. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mong walang kalakip na gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya kang iisa ang Diyos? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa. 20 Nais mo ba ng katibayan, O taong hangal, na walang kabuluhan ang pananampalataya na walang kasamang gawa? 21 Hindi (E) ba't kinalugdan ng Diyos ang ating amang si Abraham dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? 22 Dito'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at kanyang mga gawa, at naging ganap ang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupad (F) ang sinasabi ng Kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring na matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ng Diyos. 24 Dito ninyo makikita na ang tao'y itinuturing na matuwid dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa kanyang pananampalataya lamang. 25 Gayundin, (G) hindi ba't ang masamang babaing si Rahab[b] ay itinuring na matuwid dahil sa mga gawa, nang patuluyin niya ang mga espiya at nagturo ng ibang daan upang makatakas? 26 Sapagkat kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.
Ang Dila
3 Mga kapatid ko, huwag magnais maging guro ang marami sa inyo sapagkat alam ninyo na mas mahigpit ang gagawing paghatol sa ating mga nagtuturo. 2 Sapagkat tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pagsasalita ay taong ganap at kayang rendahan ang kanyang sarili. 3 Kapag nilagyan ng renda[c] ang bibig ng kabayo, ito'y napasusunod natin at napababaling saanman natin ibigin. 4 Tingnan ninyo ang mga barko, bagama't malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ito'y naibabaling sa pamamagitan ng napakaliit na timon saanman ibigin ng piloto. 5 Ganyan din ang dila ng tao; napakaliit na bahagi ng katawan ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lang ninyo na “gaano kalaking mga gubat ang napaglalagablab ng isang maliit na apoy!” 6 Ang dila'y parang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kasama ng ibang bahagi ng ating katawan. Pinarurumi nito ang ating buong pagkatao at tinutupok ang landas na tinatahak ng tao sa pamamagitan ng apoy mula sa impiyerno. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad o gumagapang, at ng mga nilalang sa dagat ay napaaamo at napaamo na ng tao. 8 Ngunit walang taong nakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng lasong nakakamatay. 9 Dila (H) ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at dila din ang ginagamit natin sa panlalait sa ating kapwa na nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig lumalabas ang pagpupuri at panlalait. Hindi dapat mangyari ito, mga kapatid. 11 Maaari bang magmula sa iisang bukal ang tubig na matamis at ang tubig na mapait? 12 Mga kapatid, namumunga ba ng olibo ang puno ng igos? Mamumunga ba ng igos ang puno ng ubas? Bumubukal ba ng tubig-tabang ang balon ng maalat na tubig?
Karunungan Mula sa Itaas
13 Sino sa inyo ang marunong at may pang-unawa? Ipakita niya sa pamamagitan ng wastong pamumuhay ang mga gawa na bunga ng kaamuan at karunungan. 14 Ngunit kung nasa inyong puso ang inggit at makasariling hangarin, huwag ninyong ipagmalaki iyan at huwag ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi buhat sa langit kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naroon ang inggit at makasariling hangarin, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. 17 Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, una'y malinis, saka mapagpayapa, banayad, maunawain, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang pagtatangi, walang pagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng mga nagtataguyod ng kapayapaan.
Pakikipagkaibigan sa Sanlibutan
4 Ano ba ang sanhi ng inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't ang mga ito'y dahil sa inyong mga layaw na naglalaban-laban sa loob ng inyong pagkatao? 2 Naghahangad kayo ngunit hindi mapasainyo. Kaya't pumapatay kayo. Hindi ninyo makuha ang mga bagay na hinahangad ninyo kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo makuha ang inyong hinahangad dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. 3 Kung humingi man kayo, hindi rin ninyo matatanggap sapagkat hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang gamitin sa inyong kalayawan. 4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag ninyong ipagwalang-bahala ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Diyos na may kaagaw siya sa espiritu na ibinigay niya upang manirahan sa atin.” 6 Ngunit (I) ang Diyos ay nagkakaloob ng higit pang biyaya. Kaya naman sinasabi, “Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.” 7 Kaya't pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo, at siya ay tatakbo palayo sa inyo. 8 Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Gawin ninyong dalisay ang inyong puso, kayong mga nagdadalawang-isip. 9 Managhoy, magluksa at tumangis. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagluluksa, at ang inyong kagalakan ng kalungkutan. 10 Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Babala Laban sa Paghatol
11 Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa't isa. Sinumang magsalita laban sa kanyang kapatid, o humahatol dito ay nagsasalita ng masama laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. Ngunit kung ikaw ay humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad ng Kautusan, kundi isang hukom. 12 Iisa lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom na may kapangyarihang magligtas at pumuksa. Kaya sino ka para humatol sa iyong kapwa?
Babala Laban sa Kapalaluan
13 Makinig (J) kayo, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito o ganoong bayan, at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal at kikita nang malaki.” 14 Bakit, alam ba ninyo ang mangyayari bukas? Ano ba ang inyong buhay? Ang buhay ninyo'y usok lamang na sandaling lumilitaw at agad naglalaho. 15 Sa halip, ang dapat ninyong sabihin ay, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” 16 Ngunit kayo ngayon ay nagmamalaki sa inyong kayabangan! Masama ang lahat ng ganyang kayabangan! 17 Kaya sinumang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa, ibibilang itong kasalanan niya.
Babala Laban sa Mapang-aping Mayayaman
5 Makinig kayo rito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. 2 Bulok (K) na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mga kulisap ang inyong mga damit. 3 Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kanilang kalawang ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy ito na tutupok sa inyong laman. Nag-imbak kayo ng kayamanan para sa mga huling araw. 4 Pakinggan ninyo ang sigaw (L) laban sa inyo ng mga sahod ng mga gumapas sa inyong bukirin dahil hindi ninyo ito ibinigay sa mga manggagawa. Umabot na ang mga hinaing ng mga manggagapas sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. 5 Nagpakasawa kayo sa layaw at karangyaan dito sa lupa. Pinataba ninyo ang inyong puso para sa araw ng pagkatay. 6 Hinatulan ninyo at pinaslang ang walang sala, na hindi naman lumalaban sa inyo.
Pagtitiyaga at Panalangin
7 Kaya magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Masdan ninyo kung paano hinihintay ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa at kung gaano siya katiyaga hanggang sa pagpatak ng una at huling ulan. 8 Dapat din kayong maging matiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat malapit na ang pagdating ng Panginoon. 9 Huwag kayong magsisihan, mga kapatid, upang hindi kayo mahatulan ng Diyos. Tingnan ninyo! Nakatayo ang hukom sa labas ng pintuan! 10 Mga kapatid, alalahanin ninyo ang mga propetang nagpahayag sa pangalan ng Panginoon at gawin ninyo silang halimbawa ng pagtitiyaga sa gitna ng pagdurusa. 11 (M) Alalahanin ninyong itinuturing nating pinagpala ang nanatiling matatag sa gitna ng pagtitiis. Narinig ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang layunin ng Panginoon, kung gaano kalaki ang kanyang habag at kagandahang-loob. 12 Ngunit (N) higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa na saksi ninyo ang langit o ang lupa o ano pa man. Sapat nang sabihin ninyong “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo maparusahan.
13 Nagdurusa ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May (O) sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Ang panalanging may pananampalataya ang magpapagaling sa maysakit, palalakasin siyang muli ng Panginoon at kung siya'y nagkasala, siya'y patatawarin. 16 Kaya't ipagtapat ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa at magdalanginan upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa. 17 Si (P) Elias ay taong tulad din natin. Taimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan sa lupain sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At (Q) nang siya'y manalangin upang umulan, bumuhos ang ulan mula sa langit at mula sa lupa'y sumibol ang mga halaman. 19 Mga kapatid ko, kung sinuman sa inyo ay naligaw mula sa katotohanan, at may umakay sa kanya pabalik sa tamang landas, 20 dapat (R) niyang malaman na sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa tamang landas ay nagliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan at maghahatid sa kapatawaran ng maraming kasalanan.
Footnotes
- Santiago 1:1 o alipin.
- Santiago 2:25 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
- Santiago 3:3 pakagat: Isang bakal na inilalagay sa bibig ng kabayo na karugtong ng renda.
James 1-5
New International Version
1 James,(A) a servant of God(B) and of the Lord Jesus Christ,
To the twelve tribes(C) scattered(D) among the nations:
Greetings.(E)
Trials and Temptations
2 Consider it pure joy, my brothers and sisters,[a] whenever you face trials of many kinds,(F) 3 because you know that the testing of your faith(G) produces perseverance.(H) 4 Let perseverance finish its work so that you may be mature(I) and complete, not lacking anything. 5 If any of you lacks wisdom, you should ask God,(J) who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.(K) 6 But when you ask, you must believe and not doubt,(L) because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind. 7 That person should not expect to receive anything from the Lord. 8 Such a person is double-minded(M) and unstable(N) in all they do.
9 Believers in humble circumstances ought to take pride in their high position.(O) 10 But the rich should take pride in their humiliation—since they will pass away like a wild flower.(P) 11 For the sun rises with scorching heat(Q) and withers(R) the plant; its blossom falls and its beauty is destroyed.(S) In the same way, the rich will fade away even while they go about their business.
12 Blessed is the one who perseveres under trial(T) because, having stood the test, that person will receive the crown of life(U) that the Lord has promised to those who love him.(V)
13 When tempted, no one should say, “God is tempting me.” For God cannot be tempted by evil, nor does he tempt anyone; 14 but each person is tempted when they are dragged away by their own(W) evil desire and enticed. 15 Then, after desire has conceived, it gives birth to sin;(X) and sin, when it is full-grown, gives birth to death.(Y)
16 Don’t be deceived,(Z) my dear brothers and sisters.(AA) 17 Every good and perfect gift is from above,(AB) coming down from the Father of the heavenly lights,(AC) who does not change(AD) like shifting shadows. 18 He chose to give us birth(AE) through the word of truth,(AF) that we might be a kind of firstfruits(AG) of all he created.
Listening and Doing
19 My dear brothers and sisters,(AH) take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak(AI) and slow to become angry, 20 because human anger(AJ) does not produce the righteousness that God desires. 21 Therefore, get rid of(AK) all moral filth and the evil that is so prevalent and humbly accept the word planted in you,(AL) which can save you.
22 Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says.(AM) 23 Anyone who listens to the word but does not do what it says is like someone who looks at his face in a mirror 24 and, after looking at himself, goes away and immediately forgets what he looks like. 25 But whoever looks intently into the perfect law that gives freedom,(AN) and continues in it—not forgetting what they have heard, but doing it—they will be blessed in what they do.(AO)
26 Those who consider themselves religious and yet do not keep a tight rein on their tongues(AP) deceive themselves, and their religion is worthless. 27 Religion that God our Father accepts as pure and faultless is this: to look after(AQ) orphans and widows(AR) in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.(AS)
Favoritism Forbidden
2 My brothers and sisters, believers in our glorious(AT) Lord Jesus Christ must not show favoritism.(AU) 2 Suppose a man comes into your meeting wearing a gold ring and fine clothes, and a poor man in filthy old clothes also comes in. 3 If you show special attention to the man wearing fine clothes and say, “Here’s a good seat for you,” but say to the poor man, “You stand there” or “Sit on the floor by my feet,” 4 have you not discriminated among yourselves and become judges(AV) with evil thoughts?
5 Listen, my dear brothers and sisters:(AW) Has not God chosen those who are poor in the eyes of the world(AX) to be rich in faith(AY) and to inherit the kingdom(AZ) he promised those who love him?(BA) 6 But you have dishonored the poor.(BB) Is it not the rich who are exploiting you? Are they not the ones who are dragging you into court?(BC) 7 Are they not the ones who are blaspheming the noble name of him to whom you belong?
8 If you really keep the royal law found in Scripture, “Love your neighbor as yourself,”[b](BD) you are doing right. 9 But if you show favoritism,(BE) you sin and are convicted by the law as lawbreakers.(BF) 10 For whoever keeps the whole law and yet stumbles(BG) at just one point is guilty of breaking all of it.(BH) 11 For he who said, “You shall not commit adultery,”[c](BI) also said, “You shall not murder.”[d](BJ) If you do not commit adultery but do commit murder, you have become a lawbreaker.
12 Speak and act as those who are going to be judged(BK) by the law that gives freedom,(BL) 13 because judgment without mercy will be shown to anyone who has not been merciful.(BM) Mercy triumphs over judgment.
Faith and Deeds
14 What good is it, my brothers and sisters, if someone claims to have faith but has no deeds?(BN) Can such faith save them? 15 Suppose a brother or a sister is without clothes and daily food.(BO) 16 If one of you says to them, “Go in peace; keep warm and well fed,” but does nothing about their physical needs, what good is it?(BP) 17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.(BQ)
18 But someone will say, “You have faith; I have deeds.”
Show me your faith without deeds,(BR) and I will show you my faith(BS) by my deeds.(BT) 19 You believe that there is one God.(BU) Good! Even the demons believe that(BV)—and shudder.
20 You foolish person, do you want evidence that faith without deeds is useless[e]?(BW) 21 Was not our father Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar?(BX) 22 You see that his faith and his actions were working together,(BY) and his faith was made complete by what he did.(BZ) 23 And the scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness,”[f](CA) and he was called God’s friend.(CB) 24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.
25 In the same way, was not even Rahab the prostitute considered righteous for what she did when she gave lodging to the spies and sent them off in a different direction?(CC) 26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead.(CD)
Taming the Tongue
3 Not many of you should become teachers,(CE) my fellow believers, because you know that we who teach will be judged(CF) more strictly.(CG) 2 We all stumble(CH) in many ways. Anyone who is never at fault in what they say(CI) is perfect,(CJ) able to keep their whole body in check.(CK)
3 When we put bits into the mouths of horses to make them obey us, we can turn the whole animal.(CL) 4 Or take ships as an example. Although they are so large and are driven by strong winds, they are steered by a very small rudder wherever the pilot wants to go. 5 Likewise, the tongue is a small part of the body, but it makes great boasts.(CM) Consider what a great forest is set on fire by a small spark. 6 The tongue also is a fire,(CN) a world of evil among the parts of the body. It corrupts the whole body,(CO) sets the whole course of one’s life on fire, and is itself set on fire by hell.(CP)
7 All kinds of animals, birds, reptiles and sea creatures are being tamed and have been tamed by mankind, 8 but no human being can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison.(CQ)
9 With the tongue we praise our Lord and Father, and with it we curse human beings, who have been made in God’s likeness.(CR) 10 Out of the same mouth come praise and cursing. My brothers and sisters, this should not be. 11 Can both fresh water and salt water flow from the same spring? 12 My brothers and sisters, can a fig tree bear olives, or a grapevine bear figs?(CS) Neither can a salt spring produce fresh water.
Two Kinds of Wisdom
13 Who is wise and understanding among you? Let them show it(CT) by their good life, by deeds(CU) done in the humility that comes from wisdom. 14 But if you harbor bitter envy and selfish ambition(CV) in your hearts, do not boast about it or deny the truth.(CW) 15 Such “wisdom” does not come down from heaven(CX) but is earthly, unspiritual, demonic.(CY) 16 For where you have envy and selfish ambition,(CZ) there you find disorder and every evil practice.
17 But the wisdom that comes from heaven(DA) is first of all pure; then peace-loving,(DB) considerate, submissive, full of mercy(DC) and good fruit, impartial and sincere.(DD) 18 Peacemakers(DE) who sow in peace reap a harvest of righteousness.(DF)
Submit Yourselves to God
4 What causes fights and quarrels(DG) among you? Don’t they come from your desires that battle(DH) within you? 2 You desire but do not have, so you kill.(DI) You covet but you cannot get what you want, so you quarrel and fight. You do not have because you do not ask God. 3 When you ask, you do not receive,(DJ) because you ask with wrong motives,(DK) that you may spend what you get on your pleasures.
4 You adulterous(DL) people,[g] don’t you know that friendship with the world(DM) means enmity against God?(DN) Therefore, anyone who chooses to be a friend of the world becomes an enemy of God.(DO) 5 Or do you think Scripture says without reason that he jealously longs for the spirit he has caused to dwell in us[h]?(DP) 6 But he gives us more grace. That is why Scripture says:
7 Submit yourselves, then, to God. Resist the devil,(DR) and he will flee from you. 8 Come near to God and he will come near to you.(DS) Wash your hands,(DT) you sinners, and purify your hearts,(DU) you double-minded.(DV) 9 Grieve, mourn and wail. Change your laughter to mourning and your joy to gloom.(DW) 10 Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up.(DX)
11 Brothers and sisters, do not slander one another.(DY) Anyone who speaks against a brother or sister[j] or judges them(DZ) speaks against the law(EA) and judges it. When you judge the law, you are not keeping it,(EB) but sitting in judgment on it. 12 There is only one Lawgiver and Judge,(EC) the one who is able to save and destroy.(ED) But you—who are you to judge your neighbor?(EE)
Boasting About Tomorrow
13 Now listen,(EF) you who say, “Today or tomorrow we will go to this or that city, spend a year there, carry on business and make money.”(EG) 14 Why, you do not even know what will happen tomorrow. What is your life? You are a mist that appears for a little while and then vanishes.(EH) 15 Instead, you ought to say, “If it is the Lord’s will,(EI) we will live and do this or that.” 16 As it is, you boast in your arrogant schemes. All such boasting is evil.(EJ) 17 If anyone, then, knows the good they ought to do and doesn’t do it, it is sin for them.(EK)
Warning to Rich Oppressors
5 Now listen,(EL) you rich people,(EM) weep and wail(EN) because of the misery that is coming on you. 2 Your wealth has rotted, and moths have eaten your clothes.(EO) 3 Your gold and silver are corroded. Their corrosion will testify against you and eat your flesh like fire. You have hoarded wealth in the last days.(EP) 4 Look! The wages you failed to pay the workers(EQ) who mowed your fields are crying out against you. The cries(ER) of the harvesters have reached the ears of the Lord Almighty.(ES) 5 You have lived on earth in luxury and self-indulgence. You have fattened yourselves(ET) in the day of slaughter.[k](EU) 6 You have condemned and murdered(EV) the innocent one,(EW) who was not opposing you.
Patience in Suffering
7 Be patient, then, brothers and sisters, until the Lord’s coming.(EX) See how the farmer waits for the land to yield its valuable crop, patiently waiting(EY) for the autumn and spring rains.(EZ) 8 You too, be patient and stand firm, because the Lord’s coming(FA) is near.(FB) 9 Don’t grumble against one another, brothers and sisters,(FC) or you will be judged. The Judge(FD) is standing at the door!(FE)
10 Brothers and sisters, as an example of patience in the face of suffering, take the prophets(FF) who spoke in the name of the Lord. 11 As you know, we count as blessed(FG) those who have persevered. You have heard of Job’s perseverance(FH) and have seen what the Lord finally brought about.(FI) The Lord is full of compassion and mercy.(FJ)
12 Above all, my brothers and sisters, do not swear—not by heaven or by earth or by anything else. All you need to say is a simple “Yes” or “No.” Otherwise you will be condemned.(FK)
The Prayer of Faith
13 Is anyone among you in trouble? Let them pray.(FL) Is anyone happy? Let them sing songs of praise.(FM) 14 Is anyone among you sick? Let them call the elders(FN) of the church to pray over them and anoint them with oil(FO) in the name of the Lord. 15 And the prayer offered in faith(FP) will make the sick person well; the Lord will raise them up. If they have sinned, they will be forgiven. 16 Therefore confess your sins(FQ) to each other and pray for each other so that you may be healed.(FR) The prayer of a righteous person is powerful and effective.(FS)
17 Elijah was a human being, even as we are.(FT) He prayed earnestly that it would not rain, and it did not rain on the land for three and a half years.(FU) 18 Again he prayed, and the heavens gave rain, and the earth produced its crops.(FV)
19 My brothers and sisters, if one of you should wander from the truth(FW) and someone should bring that person back,(FX) 20 remember this: Whoever turns a sinner from the error of their way will save(FY) them from death and cover over a multitude of sins.(FZ)
Footnotes
- James 1:2 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family; also in verses 16 and 19; and in 2:1, 5, 14; 3:10, 12; 4:11; 5:7, 9, 10, 12, 19.
- James 2:8 Lev. 19:18
- James 2:11 Exodus 20:14; Deut. 5:18
- James 2:11 Exodus 20:13; Deut. 5:17
- James 2:20 Some early manuscripts dead
- James 2:23 Gen. 15:6
- James 4:4 An allusion to covenant unfaithfulness; see Hosea 3:1.
- James 4:5 Or that the spirit he caused to dwell in us envies intensely; or that the Spirit he caused to dwell in us longs jealously
- James 4:6 Prov. 3:34
- James 4:11 The Greek word for brother or sister (adelphos) refers here to a believer, whether man or woman, as part of God’s family.
- James 5:5 Or yourselves as in a day of feasting
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.