Isaias 37
Ang Biblia, 2001
Sumangguni si Hezekias kay Propeta Isaias(A)
37 Nang marinig ito ni Haring Hezekias, pinunit niya ang kanyang kasuotan, at binalot ang sarili ng damit-sako, at pumasok sa bahay ng Panginoon.
2 At kanyang sinugo sina Eliakim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang nakatatandang mga pari na may suot na damit-sako, kay Isaias na propeta na anak ni Amoz.
3 Sinabi nila sa kanya, “Ganito ang sabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay araw ng kalungkutan, ng pagsaway, at ng kahihiyan. Ang mga anak ay ipapanganak na, at walang lakas upang sila'y mailuwal.
4 Marahil ay narinig ng Panginoon mong Diyos ang mga salita ni Rabsake, na siyang sinugo ng kanyang panginoon na hari ng Asiria upang hamakin ang buháy na Diyos, at sasawayin ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Diyos; kaya't ilakas mo ang iyong dalangin para sa nalabi na naiwan.’”
5 Nang dumating kay Isaias ang mga lingkod ni Haring Hezekias,
6 sinabi ni Isaias sa kanila, “Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ginamit sa paglapastangan sa akin ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
7 Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kanya, upang siya'y makarinig ng balita at bumalik sa kanyang sariling lupain; at aking pababagsakin siya sa pamamagitan ng tabak sa kanyang sariling lupain.’”
Ang Sulat ni Senakerib kay Hezekias(B)
8 Sa gayo'y bumalik si Rabsake, at natagpuan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna; sapagkat nabalitaan niya na nilisan ng hari ang Lakish.
9 Ngayon nga'y nabalitaan ng hari ang tungkol kay Tirhaca na hari ng Etiopia, “Siya'y lumabas upang makipaglaban sa iyo.” At nang kanyang marinig ito, siya'y nagpadala ng mga sugo kay Hezekias, na sinasabi,
10 “Ganito ang inyong sasabihin kay Hezekias na hari sa Juda: ‘Huwag kang padaya sa iyong Diyos na iyong pinagtitiwalaan na sinasabing ang Jerusalem ay hindi mapapasa-kamay ng hari ng Asiria.
11 Narito, nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain, na ang mga iyon ay winasak na lubos: At maliligtas ka ba?
12 Iniligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, ang mga bansa na nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, ng Haran, ng Rezef, at ng mga anak ni Eden na nasa Telasar?
13 Nasaan ang hari sa Hamat, ang hari ng Arpad, ang hari ng lunsod ng Sefarvaim, ang hari ng Hena, o ang hari ng Iva?’”
Ang Panalangin ni Hezekias
14 Tinanggap ni Hezekias ang sulat sa kamay ng mga sugo, at binasa ito; at umahon si Hezekias sa bahay ng Panginoon, at iniladlad ito sa harapan ng Panginoon.
15 Si Hezekias ay nanalangin sa Panginoon,
16 “O(C) Panginoon ng mga hukbo, Diyos ng Israel na nakaupo sa mga kerubin. Ikaw ang Diyos, ikaw lamang, sa lahat ng mga kaharian sa lupa; ikaw ang gumawa ng langit at lupa.
17 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Panginoon, at iyong dinggin. Imulat mo ang iyong mga mata, O Panginoon, at tumingin ka. Pakinggan mo ang lahat ng salita ni Senakerib, na kanyang ipinasabi upang lapastanganin ang buháy na Diyos.
18 Sa katotohanan, Panginoon, ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari ng Asiria at ang kanilang lupain.
19 Inihagis nila ang kanilang mga diyos sa apoy, sapagkat sila'y hindi mga diyos, kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato; kaya't kanilang sinira ang mga ito.
20 Ngayon nga, O Panginoon naming Diyos, iligtas mo kami sa kanyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa, na ikaw lamang ang Panginoon.”
Ang Mensahe ni Isaias kay Haring Hezekias(D)
21 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amoz kay Hezekias, na nagsasabi, “Ganito ang sabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Yamang ikaw ay nanalangin sa akin tungkol kay Senakerib na hari ng Asiria,
22 ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa kanya:
‘Hinamak ka ng anak na dalaga ng Zion,
tinawanan ka niya—
iniiling ng anak na babae ng Jerusalem
ang kanyang ulo sa likod mo.
23 ‘Sino ang iyong inalipusta at hinamak?
Laban kanino mo itinaas ang iyong tinig
at may pagmamalaking itinaas mo ang iyong mga mata?
Laban nga sa Banal ng Israel!
24 Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay hinamak mo ang Panginoon,
at sinabi mo, “Sa pamamagitan ng marami kong karwahe,
nakaahon ako sa tuktok ng mga bundok,
sa pinakamalalayong bahagi ng Lebanon.
Aking pinutol ang matatayog na sedro niyon,
at ang mga piling sipres niyon;
ako'y dumating sa pinakataluktok na kataasan,
ng pinakamakapal na gubat.
25 Ako'y humukay ng balon
at uminom ng tubig,
at aking tinuyo ang lahat ng mga ilog sa Ehipto sa pamamagitan ng talampakan ng aking mga paa.
26 ‘Hindi mo ba nabalitaan
na iyon ay aking ipinasiya noon pa?
Aking pinanukala noong mga nakaraang panahon,
ngayo'y aking pinapangyari na maganap
at mangyayaring iyong gibain ang mga may pader na lunsod
upang maging mga nakaguhong bunton,
27 kaya ang kanilang mga mamamayan ay kulang sa lakas,
nanlupaypay at napahiya.
Sila'y naging parang damo sa bukid,
at tulad ng sariwang gulayin,
parang damo sa mga bubungan,
na natuyo na bago pa tumubo.
28 ‘Nalalaman ko ang iyong pag-upo,
at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
at ang iyong galit laban sa akin.
29 Dahil sa iyong galit laban sa akin,
at ang iyong kapalaluan ay nakarating sa aking mga pandinig,
ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong,
at ang aking pamingkaw sa iyong bibig,
at pababalikin kita sa daan
na iyong pinanggalingan.’
30 “At ito ang magiging tanda sa iyo: sa taong ito kainin ninyo ang tumutubo sa kanyang sarili, at sa ikalawang taon ay kung ano ang tumubo doon; at sa ikatlong taon kayo'y maghasik at mag-ani, at magtanim ng mga ubasan, at kumain ng bunga niyon.
31 At ang nakaligtas na nalabi sa sambahayan ni Juda ay muling mag-uugat pailalim, at magbubunga paitaas.
32 Sapagkat sa Jerusalem ay lalabas ang nalabi, at mula sa Bundok ng Zion ay pangkat ng naligtas. Isasagawa ito ng sigasig ng Panginoon ng mga hukbo.
33 “Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari ng Asiria: Siya'y hindi paparito sa lunsod na ito o magpapahilagpos man ng palaso diyan, o haharap man siya diyan na may kalasag, o magkukubkob laban diyan.
34 Sa daan na kanyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya paparito sa lunsod na ito, sabi ng Panginoon.
35 Sapagkat aking ipagtatanggol ang bayang ito upang iligtas, alang-alang sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.”
Si Senakerib ay Nawalan ng Loob at Pinatay
36 At ang anghel ng Panginoon ay humayo at pumatay sa kampo ng mga taga-Asiria ng isandaan walumpu't limang libo; at nang ang mga tao ay maagang bumangon kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga bangkay.
37 Sa gayo'y umalis si Senakerib na hari ng Asiria, bumalik at nanirahan sa Ninive.
38 At nang siya'y sumasamba sa bahay ni Nisroc na kanyang diyos, pinatay siya ng tabak nina Adramalec at Sharezer na kanyang mga anak at sila'y tumakas sa lupain ng Ararat. At si Esarhadon na kanyang anak ang nagharing kapalit niya.
以賽亞書 37
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
希西迦向以賽亞求助
37 希西迦王聽後就撕裂衣服,披上麻衣,進入耶和華的殿。 2 他派身披麻衣的宮廷總管以利亞敬、書記舍伯那和祭司中的長者去見亞摩斯的兒子以賽亞先知, 3 對他說:「希西迦說,『今日是遭難、蒙羞、受辱的日子,就像嬰兒要出生,產婦卻無力生產一樣。 4 亞述王派他的元帥來辱罵永活的上帝,也許你的上帝耶和華聽見那些話,就懲罰他。請你為我們這些剩下的人禱告。』」 5 希西迦王的臣僕說完後, 6 以賽亞對他們說:「告訴你們主人,耶和華這樣說,『你不要因亞述王的僕人那些褻瀆我的話而害怕。 7 我必驚動[a]亞述王的心,讓他聽見風聲後便返回本國,使他在那裡死於刀下。』」
8 亞述的將軍聽說亞述王已經離開拉吉,便回去見王,發現王在攻打立拿。 9 亞述王聽說古實王特哈加要來攻打他,就派使者去對希西迦說: 10 「不要讓你所倚靠的上帝愚弄你,說什麼耶路撒冷必不會落在亞述王手中。 11 你肯定聽過亞述諸王掃滅列國的事,難道你能倖免嗎? 12 我先祖毀滅了歌散、哈蘭、利色和提·拉撒的伊甸人,這些國家的神明救得了他們嗎? 13 哈馬王、亞珥拔王、西法瓦音城的王、希拿王和以瓦王如今在哪裡呢?」
希西迦的禱告
14 希西迦從使者手中接過信,讀完後走進耶和華的殿,在耶和華面前展開信, 15 禱告說: 16 「坐在二基路伯天使之上、以色列的上帝——萬軍之耶和華啊,唯有你是天下萬國的上帝,你創造了天地。 17 耶和華啊,求你側耳垂聽!耶和華啊,求你睜眼察看!求你聽聽西拿基立派人來辱罵永活上帝的話。 18 耶和華啊,亞述諸王確實掃滅列國,使其土地荒涼, 19 把他們的神像丟進火中燒毀。因為那些神像只是人用木頭石頭製造的,根本不是神。 20 我們的上帝耶和華啊,現在求你從亞述王手中拯救我們,讓天下萬國都知道唯有你是耶和華。」
預言亞述必敗
21 亞摩斯的兒子以賽亞先知派人對希西迦說:「以色列的上帝耶和華說,『因為你就亞述王西拿基立的事向我禱告, 22 以下是耶和華對他的判語,
『錫安的居民藐視你,嘲笑你;
耶路撒冷的居民朝你逃竄的背影搖頭。
23 『你在侮辱、褻瀆誰呢?
你不放在眼裡、高聲罵的是誰呢?
是以色列的聖者!
24 你藉你的使者侮辱主。
你說你帶著許多戰車上到群山之巔,
上到黎巴嫩的巔峰,
砍下最高的香柏樹和上好的松樹,
征服最高的山和最美的樹林。
25 你說你已在外邦之地挖井喝水,
已用腳掌踏乾埃及的河流。
26 『難道你不知這是我在遠古所定的嗎?
如今我要實現我昔日所定的計劃,
就是藉著你使堅城淪為廢墟。
27 城中的居民軟弱無力,
驚慌失措,羞愧難當,
脆弱如野草和菜蔬,
又像還未長大就被曬焦的房頂草。
28 『你起你坐,你出你進,
你向我發怒,我都知道。
29 因為你向我發怒,
你狂傲的話達到了我耳中,
我要用鉤子鉤住你的鼻子,
把嚼環放在你嘴裡,
使你原路返回。』
30 「希西迦啊,我要給你一個兆頭。你們今年明年要吃野生的,後年要撒種,收割,栽種葡萄園,吃園中的果子。 31 猶大的倖存者要再次向下扎根,向上結果。 32 因為將有餘民從耶路撒冷出來,有倖存者從錫安山出來。萬軍之耶和華必熱切地成就這事。 33 至於亞述王,耶和華說,『他必不能進城或向這裡射一箭,必不能手持盾牌兵臨城下或修築攻城的高臺。 34 他必原路返回,不得進入這城。這是耶和華說的。 35 我必為自己和我僕人大衛而保護、拯救這城。』」
36 於是,耶和華的天使到亞述營中殺了十八萬五千人。人們清早起來,發現到處是屍體。 37 亞述王西拿基立便拔營回國,住在尼尼微。 38 有一天,他在廟中祭拜他的神明尼斯洛的時候,他兒子亞得米勒和沙利色用刀殺了他,然後逃往亞拉臘。他兒子以撒哈頓繼位。
Footnotes
- 37·7 「驚動」希伯來文是「使靈進入」。
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.