Isaias 35
Ang Biblia (1978)
Ang hinaharap ng Sion.
35 Ang ilang (A)at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.
2 Mamumulaklak ng sagana, (B)at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.
3 Inyong palakasin (C)ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.
4 Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.
5 Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata (D)ng bulag, at (E)ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
6 Kung magkagayo'y lulukso ang (F)pilay na parang usa, at (G)ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal (H)ang tubig, at magkakailog sa ilang.
7 At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa (I)tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.
8 At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay (J)hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.
9 Hindi magkakaroon ng leon doon, (K)o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.
10 At ang pinagtutubos (L)ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay (M)mapaparam.
Isaias 35
Ang Biblia, 2001
Ang Landas ng Kabanalan
35 Ang ilang at ang tuyong lupa ay magagalak,
at ang disyerto ay magagalak at mamumulaklak;
gaya ng rosas,
2 ito ay mamumulaklak nang sagana,
at magsasaya na may kagalakan at awitan.
Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay rito,
ang karilagan ng Carmel at ng Sharon.
Kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon,
ang karilagan ng ating Diyos.
3 Inyong(A) palakasin ang mahihinang kamay,
at patatagin ang mahihinang tuhod.
4 Inyong sabihin sa kanila na may matatakuting puso,
“Kayo'y magpakatapang, huwag kayong matakot!
Narito, tingnan mo, ang inyong Diyos
ay darating na may paghihiganti,
na may ganti ng Diyos.
Siya'y darating at ililigtas kayo.”
5 Kung(B) magkagayo'y mamumulat ang mga mata ng bulag,
at ang mga tainga ng bingi ay mabubuksan;
6 kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa,
at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan.
Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig,
at batis sa disyerto.
7 At ang tigang na lupa ay magiging lawa,
at ang uhaw na lupa ay magiging mga bukal ng tubig;
ang tahanan ng mga asong-gubat ay magiging latian,
ang damo ay magiging mga tambo at mga yantok.
8 At magkakaroon doon ng lansangan, isang daanan,
at ito'y tatawaging ang Daan ng Kabanalan;
ang marumi ay hindi daraan doon;
ngunit ito'y para sa kanya na lumalakad sa daang iyon,
at ang mga hangal ay hindi maliligaw roon.
9 Hindi magkakaroon ng leon doon,
o sasampa man doon ang anumang mabangis na hayop;
hindi sila matatagpuan doon,
kundi ang mga tinubos ay lalakad doon.
10 At ang mga tinubos ng Panginoon ay magbabalik,
at darating sa Zion na nag-aawitan;
walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo;
sila'y magtatamo ng kasayahan at kagalakan,
at ang kalungkutan at ang pagbubuntong-hininga ay maglalaho.
Isaias 35
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Kaligayahan ng mga Iniligtas
35 Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito. 2 Aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito. Magiging maganda ito katulad ng Bundok ng Lebanon, at mamumunga ito nang sagana katulad ng kapatagan ng Carmel at Sharon. At mahahayag dito ang kapangyarihan at kadakilaan ng Panginoon na ating Dios.
3 Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina. 4 Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Dios para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.” 5 At kapag nangyari na ito, makakakita na ang mga bulag at makakarinig na ang mga bingi. 6 Lulundag na parang usa ang mga pilay at sisigaw sa tuwa ang mga pipi. Aagos ang tubig sa disyerto at dadaloy ang tubig sa mga sapa sa ilang. 7 Ang mainit na buhanginan ay magiging tubigan. At sa tigang na lupain ay bubukal ang tubig. Tutubo ang sari-saring damo sa lugar na tinitirhan noon ng mga asong-gubat.[a] 8 Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makararaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon. 9 Walang leon o anumang mababangis na hayop na makakaraan doon kundi ang mga tinubos[b] lamang ng Panginoon. 10 Babalik sila sa Zion na umaawit. Mawawala na ang kanilang kalungkutan at pagdadalamhati, at mapapalitan na ng walang hanggang kaligayahan.
Isaiah 35
New International Version
Joy of the Redeemed
35 The desert(A) and the parched land will be glad;
the wilderness will rejoice and blossom.(B)
Like the crocus,(C) 2 it will burst into bloom;
it will rejoice greatly and shout for joy.(D)
The glory of Lebanon(E) will be given to it,
the splendor of Carmel(F) and Sharon;(G)
they will see the glory(H) of the Lord,
the splendor of our God.(I)
3 Strengthen the feeble hands,
steady the knees(J) that give way;
4 say(K) to those with fearful hearts,(L)
“Be strong, do not fear;(M)
your God will come,(N)
he will come with vengeance;(O)
with divine retribution
he will come to save(P) you.”
5 Then will the eyes of the blind be opened(Q)
and the ears of the deaf(R) unstopped.
6 Then will the lame(S) leap like a deer,(T)
and the mute tongue(U) shout for joy.(V)
Water will gush forth in the wilderness
and streams(W) in the desert.
7 The burning sand will become a pool,
the thirsty ground(X) bubbling springs.(Y)
In the haunts where jackals(Z) once lay,
grass and reeds(AA) and papyrus will grow.
8 And a highway(AB) will be there;
it will be called the Way of Holiness;(AC)
it will be for those who walk on that Way.
The unclean(AD) will not journey on it;
wicked fools will not go about on it.
9 No lion(AE) will be there,
nor any ravenous beast;(AF)
they will not be found there.
But only the redeemed(AG) will walk there,
10 and those the Lord has rescued(AH) will return.
They will enter Zion with singing;(AI)
everlasting joy(AJ) will crown their heads.
Gladness(AK) and joy will overtake them,
and sorrow and sighing will flee away.(AL)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

