Add parallel Print Page Options

11 Sa anong kapararakan (A)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.

Read full chapter
'Isaias 1:11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

11 “Ano(A) sa akin ang dami ng inyong mga handog?
    sabi ng Panginoon;
punô na ako sa mga lalaking tupa na handog na sinusunog,
    at ang taba ng mga pinatabang baka;
at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro,
    mga kordero at ng mga kambing na lalaki.

Read full chapter

(A)Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?

(B)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (C)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

Read full chapter
'Mikas 6:6-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Itinatakda ng Panginoon

“Ano ang aking ilalapit sa harapan ng Panginoon,
    at iyuyukod sa harap ng Diyos sa kaitaasan?
Lalapit ba ako sa harapan niya na may mga handog na sinusunog,
    na may guyang isang taon ang gulang?
Nalulugod ba ang Panginoon sa mga libu-libong tupa,
    o sa mga sampung libong ilog ng langis?
Ibibigay ko ba ang aking panganay dahil sa aking pagsuway,
    ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?”

Read full chapter