Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Finding your way around? See how the new Bible Gateway works. Take the tour.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Read Scripture without ads. Try Bible Gateway Plus.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Isaias 1  Ang Biblia (1978)

Ang katigasan ng ulo ng bayan ng Panginoon.

1 (A)Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni (B)Uzias, ni (C)Jotham, ni (D)Ahaz, at ni (E)Ezechias, na mga hari sa Juda.

2 Dinggin mo, Oh langit, (F)at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

3 (G)Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay (H)hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.

4 Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.

5 Bakit kayo'y (I)hahampasin pa, na kayo'y manganghimagsik ng higit at higit? ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay.

6 Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis.

7 Ang inyong lupain (J)ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa.

8 At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.

9 (K)Kung hindi nagiwan sa atin ng (L)napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng (M)Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.

Niwalang kabuluhan ang forma ng pagsamba.

10 (N)Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra.

11 Sa anong kapararakan (O)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.

12 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, (P)upang inyong yapakan ang aking mga looban?

13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (Q)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (R)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.

14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.

15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (S)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.

16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:

17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (T)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (U)ang babaing bao.

18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (V)sabi ng Panginoon: (W)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,

19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:

20 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng (X)bibig ng Panginoon.

Ang Sion ay makasalanan, nguni't sa huli ay maliligtas.

21 Ano't ang tapat na bayan ay naging tila (Y)patutot! noong una siya'y puspos ng kahatulan! katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni't ngayo'y mga mamamatay tao.

22 Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.

23 (Z)Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y (AA)umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: (AB)hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.

24 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway.

25 At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga:

26 At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: (AC)pagkatapos ay tatawagin ka Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan.

27 Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat.

28 Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol.

29 Sapagka't kanilang ikahihiya ang (AD)mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa (AE)mga halamanan na inyong pinili.

30 Sapagka't kayo'y magiging parang (AF)encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig.

31 At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila (AG)magliliyab, at walang papatay sa apoy.

Cross references

  1. 1:1 : Is. 2:1.
  2. 1:1 : 2 Hari 15:1, 13; Is. 6:1.
  3. 1:1 : 2 Hari 15:32.
  4. 1:1 : 2 Hari 16:1.
  5. 1:1 : 2 Hari 18:1.
  6. 1:2 : Deut. 32:1.
  7. 1:3 : Jer. 8:7.
  8. 1:3 : Is. 5:12, 13.
  9. 1:5 : Is. 9:13; Jer. 2:30.
  10. 1:7 : Deut. 28:51, 52.
  11. 1:9 : Rom. 9:29.
  12. 1:9 : 2 Hari 19:4.
  13. 1:9 : Is. 13:19.
  14. 1:10 : Ezek. 16:46, 48, 49, 55; Apoc. 11:8.
  15. 1:11 : 1 Sam. 15:22.
  16. 1:12 : Awit 116:19.
  17. 1:13 : 1 Cron. 23:31.
  18. 1:13 : Awit 101:5.
  19. 1:15 : Is. 59:2, 3.
  20. 1:17 : Jer. 22:3; Mik. 6:8; Zac. 6:7.
  21. 1:17 : Sant. 1:27.
  22. 1:18 : 1 Sam. 12:7; Is. 48:26; Mik. 6:2.
  23. 1:18 : Awit 51:7.
  24. 1:20 : Is. 40:5.
  25. 1:21 : Jer. 2:20; Apoc. 17:1.
  26. 1:23 : Os. 9:15.
  27. 1:23 : Os. 4:18; Mik. 8:11.
  28. 1:23 : Zac. 7:10.
  29. 1:26 : tal. 21; Zac. 8:3.
  30. Isaias 1:29 : Is. 67:5.
  31. 1:29 : Is. 63:3; 66:17.
  32. 1:30 : Is. 6:13.
  33. 1:31 : Is. 9:18.
Next
Awit ng mga Awit 8
Isaias 2
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway