Add parallel Print Page Options

Mga Dakilang Halimbawa ng Pananampalataya

11 Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. Dahil sa pananampalataya ng mga ninuno natin, kinalugdan sila ng Dios. Dahil sa pananampalataya, alam natin na ang sanlibutan ay ginawa ng Dios sa pamamagitan ng kanyang salita. Kaya ang mga bagay na nakikita natin ay galing sa mga hindi nakikita.

Dahil sa pananampalataya, nag-alay si Abel ng mas mabuting handog kaysa kay Cain. At dahil sa pananampalataya niya, itinuring siyang matuwid ng Dios, dahil tinanggap ng Dios ang handog niya. Kaya kahit patay na si Abel, may itinuturo pa rin siya sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya niya.

Dahil sa pananampalataya, hindi namatay si Enoc kundi dinala siya sa langit,[a] “Hindi na siya nakita pa dahil dinala siya ng Dios.”[b] Ayon sa Kasulatan dinala siya dahil nalugod ang Dios sa buhay niya. Hindi makapagbibigay-lugod sa Dios ang taong walang pananampalataya, dahil ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Dios at nagbibigay siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa kanya.

Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Dios tungkol sa mga bagay na mangyayari kahit hindi pa niya nakikita. Kaya gumawa siya ng isang barko para mailigtas niya ang kanyang sarili at ang pamilya niya. At sa pananampalataya niya, hinatulan ang mga tao sa mundo, pero itinuring siyang matuwid ng Dios.

Dahil sa pananampalataya, sinunod ni Abraham ang utos ng Dios na pumunta sa lugar na ipinangako sa kanya. Umalis siya sa bayan niya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dahil din sa pananampalataya, nanirahan si Abraham sa lupaing ipinangako sa kanya ng Dios kahit na sa tolda lang siya tumira na parang isang dayuhan. Tumira rin sa tolda ang anak niya na si Isaac at apong si Jacob, na mga tagapagmana rin ng pangako ng Dios. 10 Sapagkat ang talagang inaasahan ni Abraham ay isang lungsod na may matibay na pundasyon, na ang Dios mismo ang nagplano at nagtayo.

11 Dahil sa pananampalataya, nagkaanak si Abraham kahit na matanda na siya at baog ang asawa niyang si Sara, dahil naniwala si Abraham na tutuparin ng Dios ang pangako niya na magkakaanak si Sara. 12 Kaya mula kay Abraham, na wala nang pag-asang magkaanak pa,[c] nagmula ang isang lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan.

13 Ang lahat ng taong itoʼy namatay na sumasampalataya. Hindi man nila natanggap ang mga pangako ng Dios noong nabubuhay pa sila, natitiyak naman nilang darating ang araw na matatanggap nila ang kanilang hinihintay. Itinuring nilang mga dayuhan ang sarili nila at naninirahan lang sa mundong ito. 14 Ang mga taong may ganitong pananaw ay nagpapahiwatig na naghahanap sila ng sariling bayan. 15 Kung ang bayang iniwan nila ang iniisip nila, may pagkakataon pa silang makabalik. 16 Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.

17-18 Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Dios na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.[d] 19 Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Dios. At ganoon nga ang nangyari – parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan.

20 Dahil sa pananampalataya, binasbasan ni Isaac sina Jacob at Esau para maging mabuti ang hinaharap nila.

21 Dahil sa pananampalataya, binasbasan ni Jacob ang mga anak ni Jose bago siya namatay. At sumamba siya sa Dios habang nakatukod sa kanyang tungkod.

22 Dahil sa pananampalataya, sinabi ni Jose nang malapit na siyang mamatay na aalis ang mga Israelita sa Egipto, at ipinagbilin niyang dalhin nila ang mga buto niya kapag umalis na sila.

23 Dahil sa pananampalataya, hindi natakot sumuway ang mga magulang ni Moises sa utos ng hari. Sapagkat nang makita nilang maganda ang sanggol, itinago nila ito sa loob ng tatlong buwan.

24 Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesa ng Egipto. 25 Mas ginusto niyang makibahagi sa paghihirap na dinaranas ng mga taong sakop ng Dios kaysa lasapin ang mga panandaliang kaligayahan na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Cristo kaysa sa mga kayamanan ng Egipto, dahil inaasam niya ang gantimpalang matatanggap niya.

27 Dahil sa pananampalataya, iniwan ni Moises ang Egipto at hindi siya natakot kahit na magalit ang hari sa kanya. Nanindigan siya dahil parang nakita niya ang Dios na hindi nakikita. 28 Dahil sa pananampalataya niya, sinimulan niya ang pagdaraos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Inutusan niya ang mga Israelita na pahiran ng dugo ng tupa ang mga pintuan nila, para maligtas ang mga panganay nila sa anghel na papatay sa mga panganay ng mga Egipcio.

29 Dahil sa pananampalataya, nakatawid ang mga Israelita sa Dagat na Pula na parang dumadaan sa tuyong lupa. Pero nang sinubukang tumawid ng mga humahabol na Egipcio, nalunod sila.

30 Dahil sa pananampalataya, gumuho ang mga pader ng Jerico matapos itong ikutan ng mga Israelita sa loob ng pitong araw.

31 Dahil sa pananampalataya, tinulungan ni Rahab na babaeng bayaran ang mga espiya at hindi siya pinatay kasama ng mga kababayan niyang suwail sa Dios.

32 Kailangan ko pa bang magbigay ng maraming halimbawa? Kakapusin ako ng panahon kung iisa-isahin ko pa ang mga ginawa nina Gideon, Barak, Samson, Jefta, David, Samuel, at ng iba pang mga propeta. 33 Dahil sa pananampalataya nila, nilupig nila ang mga kaharian, namahala sila nang may katarungan, at tinanggap nila ang mga ipinangako ng Dios. Dahil sa pananampalataya nila, hindi sila ginalaw ng mga leon, 34 hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Dios. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo. 35 May mga babae naman na dahil sa pananampalataya nila sa Dios ay muling nabuhay ang kanilang mga anak na namatay. Ang iba namang sumasampalataya sa Dios ay pinahirapan hanggang sa mamatay. Tinanggihan nila ang alok na kalayaan kapalit ng pagtalikod nila sa kanilang pananampalataya dahil nalalaman nilang darating ang araw na bubuhayin sila ng Dios at matatanggap nila ang mas mabuting gantimpala. 36 Ang iba naman ay dumanas ng mga panlalait at panghahagupit dahil sa pananampalataya nila, at ang iba ay ikinadena at ibinilanggo. 37 Pinagbabato ang iba hanggang sa mamatay, ang iba naman ay nilagari hanggang mahati ang katawan nila, at mayroon ding pinatay sa espada. Ang ilan sa kanila ay nagdamit na lang ng balat ng tupa at kambing. Naranasan nilang maghikahos, usigin at apihin. 38 Nagtago sila sa mga ilang, mga kabundukan, mga kweba at mga lungga sa lupa. Hindi karapat-dapat ang mundong ito para sa kanila.

39 Kinalugdan silang lahat ng Dios dahil sa pananampalataya nila. Ngunit hindi nila natanggap sa panahon nila ang ipinangako ng Dios sa kanila. 40 Itoʼy dahil may mas mabuting plano ang Dios para sa atin, dahil nais niyang makasama nila tayo kapag tinupad na niya ang ipinangako niya sa kanila.

Footnotes

  1. 11:5 dinala siya sa langit: sa literal, dinala paitaas.
  2. 11:5 Gen. 5:24.
  3. 11:12 wala nang pag-asang magkaanak pa: sa literal, halos patay na.
  4. 11:17-18 Gen. 21:12.

11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay (A)na hindi nakikita.

Sapagka't (B)sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.

Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (C)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (D)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.

Sa pananampalataya si (E)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Sa pananampalataya si (F)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Sa pananampalataya si Noe, (G)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (H)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (I)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (J)katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Sa pananampalataya si (K)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.

Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (L)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:

10 Sapagka't (M)inaasahan niya ang bayang (N)may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at (O)gumawa ay ang Dios.

11 Sa pananampalataya (P)si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:

12 Kaya naman (Q)sumibol sa isa, sa kaniya (R)na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.

13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (S)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (T)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.

14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.

15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.

16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (U)Dios (V)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (W)sila ng isang bayan.[a]

17 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;

18 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, (X)Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:

19 Na inisip na (Y)maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang (Z)halimbawa.

20 Sa pananampalataya'y (AA)binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.

21 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay (AB)binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.

22 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si (AC)Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.

23 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, (AD)ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.

24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (AE)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;

25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;

26 Na inaring malaking kayamanan (AF)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (AG)ang gantingpalang kabayaran.

27 Sa pananampalataya'y (AH)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (AI)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.

28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (AJ)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.

29 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna (AK)ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.

30 Sa pananampalataya'y (AL)nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.

31 Sa pananampalataya'y (AM)hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.

32 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang (AN)tungkol kay Gideon, (AO)kay Barac, (AP)kay Samson, (AQ)kay Jefte; tungkol kay (AR)David, at (AS)kay Samuel at sa mga propeta:

33 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y (AT)nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, (AU)nangagtamo ng mga pangako, (AV)nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,

34 Nagsipatay (AW)ng bisa ng apoy, (AX)nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, (AY)nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.

35 (AZ)Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:

36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

37 Sila'y pinagbabato, (BA)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (BB)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan

38 ((BC)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.

39 At ang lahat ng mga ito, (BD)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (BE)kinamtan ang pangako,

40 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging (BF)sakdal ng bukod sa atin.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 11:16 o ciudad.

Faith in Action

11 Now faith is confidence in what we hope for(A) and assurance about what we do not see.(B) This is what the ancients were commended for.(C)

By faith we understand that the universe was formed at God’s command,(D) so that what is seen was not made out of what was visible.

By faith Abel brought God a better offering than Cain did. By faith he was commended(E) as righteous, when God spoke well of his offerings.(F) And by faith Abel still speaks, even though he is dead.(G)

By faith Enoch was taken from this life, so that he did not experience death: “He could not be found, because God had taken him away.”[a](H) For before he was taken, he was commended as one who pleased God. And without faith it is impossible to please God, because anyone who comes to him(I) must believe that he exists and that he rewards those who earnestly seek him.

By faith Noah, when warned about things not yet seen,(J) in holy fear built an ark(K) to save his family.(L) By his faith he condemned the world and became heir of the righteousness that is in keeping with faith.(M)

By faith Abraham, when called to go to a place he would later receive as his inheritance,(N) obeyed and went,(O) even though he did not know where he was going. By faith he made his home in the promised land(P) like a stranger in a foreign country; he lived in tents,(Q) as did Isaac and Jacob, who were heirs with him of the same promise.(R) 10 For he was looking forward to the city(S) with foundations,(T) whose architect and builder is God.(U) 11 And by faith even Sarah, who was past childbearing age,(V) was enabled to bear children(W) because she[b] considered him faithful(X) who had made the promise. 12 And so from this one man, and he as good as dead,(Y) came descendants as numerous as the stars in the sky and as countless as the sand on the seashore.(Z)

13 All these people were still living by faith when they died. They did not receive the things promised;(AA) they only saw them and welcomed them from a distance,(AB) admitting that they were foreigners and strangers on earth.(AC) 14 People who say such things show that they are looking for a country of their own. 15 If they had been thinking of the country they had left, they would have had opportunity to return.(AD) 16 Instead, they were longing for a better country—a heavenly one.(AE) Therefore God is not ashamed(AF) to be called their God,(AG) for he has prepared a city(AH) for them.

17 By faith Abraham, when God tested him, offered Isaac as a sacrifice.(AI) He who had embraced the promises was about to sacrifice his one and only son, 18 even though God had said to him, “It is through Isaac that your offspring will be reckoned.”[c](AJ) 19 Abraham reasoned that God could even raise the dead,(AK) and so in a manner of speaking he did receive Isaac back from death.

20 By faith Isaac blessed Jacob and Esau in regard to their future.(AL)

21 By faith Jacob, when he was dying, blessed each of Joseph’s sons,(AM) and worshiped as he leaned on the top of his staff.

22 By faith Joseph, when his end was near, spoke about the exodus of the Israelites from Egypt and gave instructions concerning the burial of his bones.(AN)

23 By faith Moses’ parents hid him for three months after he was born,(AO) because they saw he was no ordinary child, and they were not afraid of the king’s edict.(AP)

24 By faith Moses, when he had grown up, refused to be known as the son of Pharaoh’s daughter.(AQ) 25 He chose to be mistreated(AR) along with the people of God rather than to enjoy the fleeting pleasures of sin. 26 He regarded disgrace(AS) for the sake of Christ(AT) as of greater value than the treasures of Egypt, because he was looking ahead to his reward.(AU) 27 By faith he left Egypt,(AV) not fearing the king’s anger; he persevered because he saw him who is invisible. 28 By faith he kept the Passover and the application of blood, so that the destroyer(AW) of the firstborn would not touch the firstborn of Israel.(AX)

29 By faith the people passed through the Red Sea as on dry land; but when the Egyptians tried to do so, they were drowned.(AY)

30 By faith the walls of Jericho fell, after the army had marched around them for seven days.(AZ)

31 By faith the prostitute Rahab, because she welcomed the spies, was not killed with those who were disobedient.[d](BA)

32 And what more shall I say? I do not have time to tell about Gideon,(BB) Barak,(BC) Samson(BD) and Jephthah,(BE) about David(BF) and Samuel(BG) and the prophets, 33 who through faith conquered kingdoms,(BH) administered justice, and gained what was promised; who shut the mouths of lions,(BI) 34 quenched the fury of the flames,(BJ) and escaped the edge of the sword;(BK) whose weakness was turned to strength;(BL) and who became powerful in battle and routed foreign armies.(BM) 35 Women received back their dead, raised to life again.(BN) There were others who were tortured, refusing to be released so that they might gain an even better resurrection. 36 Some faced jeers and flogging,(BO) and even chains and imprisonment.(BP) 37 They were put to death by stoning;[e](BQ) they were sawed in two; they were killed by the sword.(BR) They went about in sheepskins and goatskins,(BS) destitute, persecuted and mistreated— 38 the world was not worthy of them. They wandered in deserts and mountains, living in caves(BT) and in holes in the ground.

39 These were all commended(BU) for their faith, yet none of them received what had been promised,(BV) 40 since God had planned something better for us so that only together with us(BW) would they be made perfect.(BX)

Footnotes

  1. Hebrews 11:5 Gen. 5:24
  2. Hebrews 11:11 Or By faith Abraham, even though he was too old to have children—and Sarah herself was not able to conceive—was enabled to become a father because he
  3. Hebrews 11:18 Gen. 21:12
  4. Hebrews 11:31 Or unbelieving
  5. Hebrews 11:37 Some early manuscripts stoning; they were put to the test;

By Faith We Understand

11 Now faith is the [a]substance of things hoped for, the [b]evidence (A)of things not seen. For by it the elders obtained a good testimony.

By faith we understand that (B)the [c]worlds were framed by the word of God, so that the things which are seen were not made of things which are visible.

Faith at the Dawn of History(C)

By faith (D)Abel offered to God a more excellent sacrifice than Cain, through which he obtained witness that he was righteous, God testifying of his gifts; and through it he being dead still (E)speaks.

By faith Enoch was taken away so that he did not see death, (F)“and was not found, because God had taken him”; for before he was taken he had this testimony, that he pleased God. But without faith it is impossible to please Him, for he who comes to God must believe that He is, and that He is a rewarder of those who diligently seek Him.

By faith (G)Noah, being divinely warned of things not yet seen, moved with godly fear, (H)prepared an ark for the saving of his household, by which he condemned the world and became heir of (I)the righteousness which is according to faith.

Faithful Abraham(J)

By faith (K)Abraham obeyed when he was called to go out to the place which he would receive as an inheritance. And he went out, not knowing where he was going. By faith he dwelt in the land of promise as in a foreign country, (L)dwelling in tents with Isaac and Jacob, (M)the heirs with him of the same promise; 10 for he waited for (N)the city which has foundations, (O)whose builder and maker is God.

11 By faith (P)Sarah herself also received strength to conceive seed, and (Q)she[d] bore a child when she was past the age, because she judged Him (R)faithful who had promised. 12 Therefore from one man, and him as good as (S)dead, were born as many as the (T)stars of the sky in multitude—innumerable as the sand which is by the seashore.

The Heavenly Hope

13 These all died in faith, (U)not having received the (V)promises, but (W)having seen them afar off [e]were assured of them, embraced them and (X)confessed that they were strangers and pilgrims on the earth. 14 For those who say such things (Y)declare plainly that they seek a homeland. 15 And truly if they had called to mind (Z)that country from which they had come out, they would have had opportunity to return. 16 But now they desire a better, that is, a heavenly country. Therefore God is not ashamed (AA)to be called their God, for He has (AB)prepared a city for them.

The Faith of the Patriarchs(AC)

17 By faith Abraham, (AD)when he was tested, offered up Isaac, and he who had received the promises offered up his only begotten son, 18 [f]of whom it was said, (AE)“In Isaac your seed shall be called,” 19 concluding that God (AF)was able to raise him up, even from the dead, from which he also received him in a figurative sense.

20 By faith (AG)Isaac blessed Jacob and Esau concerning things to come.

21 By faith Jacob, when he was dying, (AH)blessed each of the sons of Joseph, and worshiped, leaning on the top of his staff.

22 By faith (AI)Joseph, when he was dying, made mention of the departure of the children of Israel, and gave instructions concerning his bones.

The Faith of Moses(AJ)

23 By faith (AK)Moses, when he was born, was hidden three months by his parents, because they saw he was a beautiful child; and they were not afraid of the king’s (AL)command.

24 By faith (AM)Moses, when he became of age, refused to be called the son of Pharaoh’s daughter, 25 choosing rather to suffer affliction with the people of God than to enjoy the [g]passing pleasures of sin, 26 esteeming (AN)the [h]reproach of Christ greater riches than the treasures [i]in Egypt; for he looked to the (AO)reward.

27 By faith (AP)he forsook Egypt, not fearing the wrath of the king; for he endured as seeing Him who is invisible. 28 By faith (AQ)he kept the Passover and the sprinkling of blood, lest he who destroyed the firstborn should touch them.

29 By faith (AR)they passed through the Red Sea as by dry land, whereas the Egyptians, attempting to do so, were drowned.

By Faith They Overcame

30 By faith (AS)the walls of Jericho fell down after they were encircled for seven days. 31 By faith (AT)the harlot Rahab did not perish with those who [j]did not believe, when (AU)she had received the spies with peace.

32 And what more shall I say? For the time would fail me to tell of (AV)Gideon and (AW)Barak and (AX)Samson and (AY)Jephthah, also of (AZ)David and (BA)Samuel and the prophets: 33 who through faith subdued kingdoms, worked righteousness, obtained promises, (BB)stopped the mouths of lions, 34 (BC)quenched the violence of fire, escaped the edge of the sword, out of weakness were made strong, became valiant in battle, turned to flight the armies of the aliens. 35 (BD)Women received their dead raised to life again.

Others were (BE)tortured, not accepting deliverance, that they might obtain a better resurrection. 36 Still others had trial of mockings and scourgings, yes, and (BF)of chains and imprisonment. 37 (BG)They were stoned, they were sawn in two, [k]were tempted, were slain with the sword. (BH)They wandered about (BI)in sheepskins and goatskins, being destitute, afflicted, tormented— 38 of whom the world was not worthy. They wandered in deserts and mountains, (BJ)in dens and caves of the earth.

39 And all these, (BK)having obtained a good testimony through faith, did not receive the promise, 40 God having provided something better for us, that they should not be (BL)made perfect apart from us.

Footnotes

  1. Hebrews 11:1 realization
  2. Hebrews 11:1 Or confidence
  3. Hebrews 11:3 Or ages, Gr. aiones, aeons
  4. Hebrews 11:11 NU omits she bore a child
  5. Hebrews 11:13 NU, M omit were assured of them
  6. Hebrews 11:18 to
  7. Hebrews 11:25 temporary
  8. Hebrews 11:26 reviling because of
  9. Hebrews 11:26 NU, M of
  10. Hebrews 11:31 were disobedient
  11. Hebrews 11:37 NU omits were tempted